Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Dethroned beauty queen Maria Venus Raj may reclaim crown if she can get Philippine passport

Live guest kahapon, April 10, sa Startalk si Maria Venus Raj, ang controversial beauty queen na ilang araw pa lang kinokoronahan na Bb. Pilipinas-Universe ay binawian agad ng titulo. Bunga ito ng ilang discrepancies na nakita daw sa kanyang birth records, ayon sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BCPI), ang organizer ng pageant.

Laking Camarines Sur si Venus, pero ipinanganak siya sa Doha, Qatar.

Pero, hindi pa huli ang lahat, ayon sa sulat na natanggap ng Startalk host na si Ricky Lo mula sa chairperson ng BCPI na si Ms. Stella Marquez Araneta.

LETTER FROM BCPI. On the air at the sa harap ni Venus binasa ni Ricky Lo nang buong-buo ang sulat, at ang unang paragraph ang nakapagbigay ng pag-asa kay Venus at sa kanyang supporters na makababalik siya sa trono.

“The Executive Committee of the Binibining Pilipinas Charities, Inc. announces today that after due deliberation, we have reassessed the situation pertaining to Maria Venus Raj and we have decided, for humanitarian reasons, that if she’s able to obtain  a valid Philippine passport, we will reinstate her as the reigning Binibining Pilipinas-Universe.”

Laman pa ng sulat ng BCPI:

“The committee emphasizes that we are sensitive to her situation but we are aware too of our responsibilities as an entity under Philippine Law….

“Our intention, with respect to Ms. Raj was always to protect her in a way we feel appropriate.”

VENUS’ REACTION. Pagkatapos basahin ni Ricky ang official statement, hiningan nito ng reaction si Venus.

Ang sabi ni Venus, “Well, nagpapasalamat po ako unang-una sa statement nilang ito. Pero yun nga po, gaya ng sabi ko po, ini-inform na rin po nila ako talaga about this matter over the phone.

“Pero yun nga po, ang gusto po namin, pumunta pa rin sa kanila nang personal para at least malinawan ang mga kundisyon nila.”

Tinanong si Venus kung makakakuha nga siya ng valid passport na siyempre pa’y kakailangan niya sa August kung siya nga ang magre-represent sa Pilipinas sa Miss Universe pageant.

“Of course,” sagot ng dalaga. “Sabi ko nga po, sa unang statement nila, yung sinasabing problema ko or problema namin is inconsistency.  So, and then, yung misrepresentation. Ngayon po, parang nagkaroon na ng condition na kapag nakapag-produce ka ng passport, mare-reinstate ka.  Pero yung una pong problema na sinasabi nila, misrepresentation, so medyo nalilito lang po ako run.”

Gayunpaman, “sobrang nagpapasalamat po ako sa BPCI,” sabi ni Venus. “At least, tiningnan din po nila at binigyan ng pansin yung hinaing din po namin. And yun nga po, ngayong hapon, after rito, pupunta kami sa kanila para pag-usapan.”

WHAT HAPPENS TO SUCCESSOR? Pero, paano raw si Helen Nicolette Henson, na ayon kay Startalk co-host Butch Francisco, ay nagpapansit na raw at nagpa-blowout?

Ang second runner-up na si Nicolette ang pumalit kay Venus, dahil ang first runner-up na si Dianne Necio ay 17 years old pa lang at di puwede sa Miss Universe pageant na may age requirement  na 18.

“Hindi ko po alam,” ang unang natatawang sagot ni Venus.

Pero sinabi niya rin, “Wala naman po siguro siyang masamang mararamdaman if ever… napag-usapan na rin po namin.”

Ayon sa kanya, “Si Nicolette naman po is a very good friend of mine… Sabi nga niya sa akin noong una pa man, ‘Girl, kung anuman ang mangyari, kung ibabalik sa ‘yo, para sa ‘yo talaga ‘yan.'”

via PEP.ph

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com