Dingdong Dantes says he and Marian Rivera are very close to their respective families

dingdong_dantes_shirtless_4.0.0.0x0.350x500

Sa bagong segment ng Showbiz Central na “Behind the Wall” ay si Dingdong Dantes ang naging unang “victim.” Sa segment na ito ay may tatlong “secret informants”—na close lahat kay Dingdong—na ang mga identity ay mare-reveal lamang sa hulihan ng segment.

Lahat naman ng mga ibinatong tanong ng “secret informants” ay nagawang sagutin ng aktor.

TERM OF ENDEARMENT. Unang tanong ng unang “secret informant” kay Dingdong: Bakit “Daddy” ang tawag ni Marian Rivera sa kanya sa set ng You To Me Are Everything? Di ba, tawagan na ng mag-asawa yun? Nagpa-practice na ba sila para sa hinaharap?

“Bakit nga ba?” natatawang balik-tanong ni Dingdong. “Sa tingin ko, siya dapat ang makakasagot niyan. Kasi, kahit naman unang dinig ko ‘yan mula sa kanya, e, siyempre nakakatuwang marinig yun. Kung anuman ang reason behind it, siguro she’s just very creative that way, that she came up with a term or a term of endearment like that. Feeling ko, kapag tinawag kang ganun, nandun talaga ang level of trust. Puwede kang asahan at poprotektahan mo siya. Siguro ganun siya patungo kaya niya siguro natawag sa akin yun and I appreciate everything.”

Tanong naman ni Pia kay Dingdong, ano naman ang tawag niya kay Marian?

“Ako? Wala…kahit ano… Dati, dati, I call her ‘Yummy’!” natatawang sagot ni Dingdong.

Biro pa ni Dingdong kay Pia, “Alam mo kung bakit? Sa akin na lang yun!”

CLOSE TO DINGDONG’S FAMILY. Ang ikalawang tanong mula sa second “secret informant,” totoo ba na kapag may special occasion sa family nila Dingdong—tulad ng recent graduation ng kanyang kapatid—na kapag wala siya, dapat ay present pa rin si Marian? Tipong kakaibang level of closeness na yata yun?

“That’s right… Hindi naman sa proxy. Kasi close na rin talaga siya sa pamilya. Minsan ang relationship na na-achieve nila, wala na ako dun. Minsan ang level of closeness niya sa mga kapatid ko, e, naa-appreciate ko. Kasi sila mismo, may effort na maging close sa isa’t isa.

“Kaya minsan, kapag may imbitasyon na ganun, sila mismo, direkta na mismo sa kanila. Hindi na para sa amin as a couple. Minsan nga, hindi na ako isinasama which is completely fine. So, nakakatuwa na malapit sila sa isa’t isa,” paliwanag ni Dingdong.

Does he tell Marian to go o ang aktres mismo ang nagbo-volunteer to take his place?

“Kusa naman yun, kusa niyang gusto,” sabi ng aktor. “At yun nga, I’m very thankful na binibigyan niya ng halaga ang mga taong malalapit sa akin. At ako rin naman, when it comes to special occasions in her life and her family’s life, nandun din ako para sa kanya. And minsan, nire-remind ko pa siya. Ganun kami. We remind each other para mas maganda ang impact. Kunwari to buy a gift or something, pinag-iisipan namin kung ano ang maganda.”

OLD VS. NEW. Ikatlong tanong mula sa third “secret informant,” ano ang mas gusto ni Dingdong, yung una or yung bago?

“Ano yung una or bago?” natatawang sagot ni Dingdong. “Can you be more specific? Yung una or bago? Siguro ganito na lang, sa tingin ko, mapabagay man or tao, may dahilan kung bakit ka gumugusto ng bago. So, kung anuman ang dahilan na yun, mas gugustuhin mo ang bago. Kasi, hindi naman magkakaroon ng dahilan na papalitan mo yung una kung okey ka naman dun.

“Pero hindi ko rin alam kung ano ba ang gusto niyang sabihin!” natatawang pahabol ng aktor.

Ayon sa third informant, “Okey, para mas malinaw, ano ang gusto mo, yung una or bago na kotse mo?

“Kita mo, ibig sabihin kung nasa akin pa ang una, walang bago dahil nagagamit ko pa siya nang husto. Kumbaga, umaandar pa siya. Ibig sabihin kaya ko siya papalitan, hindi na siya umaandar,” saad ni Dingdong.

Pero hindi raw na-satisfy ang third informant sa sagot ni Dingdong kaya nag-follow-up question na lang ito. Since isa siyang Marine reservist, trained siya to protect people. Kung sakaling malunod ang isa niyang kapatid at si Marian, sino ang una niyang sasagipin?

“Well, unang-una, sisiguraduhin ko na hindi lulubog ang barkong yun dahil kung talagang importante sila sa akin, hindi ko sila ilalagay sa alanganin,” sabi niya.

Pero pag-i-insist ni Pia, natural calamities happen. So, kung sakali, sino sa dalawa ang una niyang ise-save?

“I can save them all. I know, kaya ko yun. Kaya ko naman silang lahat, I am sure of that,” giit ni Dingdong.

Pero sino ang uunahin niya?

“Ayoko namang dumating ang time na yun, di ba, para ma-testing natin kung sino ang uunahin?” sagot niya.

Pero hirit ni Pia, kung siya raw, una muna niyang ise-save ang sister niya dahil si Marian ay kayang-kayang lumangoy dahil si Dyesebel naman siya.

“Ganun ba?” natatawang sabi ni Dingdong “Hindi, kayang-kaya kong gawin ‘yan. Dalawang kamay ko, dalawang paa ko, sabay kong gagamitin.”

Even if it endangers his own life?

“Of course, of course…” sagot ni Dingdong.

Sa pinaka-ultimate question na galing sa panel behind the wall, may chance siya to tell all or leave the question behind the wall. Pero kailangang mahulaan ni Dingdong ang tatlong “special informants” and if he got one wrong, then he will answer the question.

DIRECTING THREE ACTRESSES. Nagkataong nahulaan ni Dingdong ang tatlong secret informants—ang direktor ng You To Me Are Everything na si Mark Reyes, ang kaibigan niyang si Gabby Eigenmann, at isang showbiz writer na malapit sa kanya. Sa kabila nito, napapayag pa rin si Dingdong na sagutin ang pinaka-tough question sa kanya.

Ang tanong, since isa rin sa mga future career path niya ay directing, kung sakali na mabigyan siya ng chance to direct three actresses—namely Antoinette Taus, Karylle, and Marian Rivera na pawang naging malapit sa puso niya—in a movie, aside from being a stellar cast, magagawa niya ba ito?

“Sa totoo lang, hindi,” sagot ni Dingdong. “Hindi ko magagawa yun. Ako, I’d really love to direct Marian, maybe in a music video perhaps. Pero sa nakikita ko, minsan idinidirek ko siya, may ginagawa kaming small MTV for fun, nahihirapan ako. Ang likot, e! Kung ano ang ipinapagawa ko, hindi sinusunod, e. So, talagang naglalaro. Feeling ko, mahihirapan talaga ako. E, kapag passionate ako about something at hindi nagawa nang tama, e, baka sumama lang ang loob ko, so ayoko. Ayokong ma-tackle ang ganoong kind of emotion kung halimbawa hindi rin masunod ang gusto ko, di ba?”

How about the other two actresses?

“Iba naman yung field nila. Wala akong alam sa ganun. Like I’ve said, kung sa acting, mas make-cater ko ang acting ni Marian for now. Sila naman, I think more inclined sa music scene, sa seryosohang kantahan. So, dun muna ako sa light and laro-laro in my home music video.”

CEBU SIGHTING. Sa huli, may pahabol na tanong si Pia na lumabas na rin sa PEP Alerts a few weeks ago. Ito ay tungkol sa pagkakakita sa kanya sa Cebu with a Hollywood actor. Is this true?

Halatang nagulat din si Dingdong sa tanong but he said, “Yeah, we did something in Cebu. But I can’t talk about it yet. Pero soon malalaman n’yo na kung ano ang meron sa isang proyekto na yun. Nagawa na siya, hindi pa lang nari-release.”

via PEP.ph

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Dingdong Dantes says he and Marian Rivera are very close to their respective families"

Leave a Reply

%d bloggers like this: