Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Willie Revillame says he does not miss Wowowee

Marami ang nagtatanong: Babalik pa ba si Willie Revillame sa kanyang noontime show na Wowowee? O papanindigan niya ang kanyang hamon sa ABS-CBN na kung hindi tatanggalin si Jobert Sucaldito sa network ay siya na lamang ang magre-resign?

More than one week nang hindi napapanood si Willie sa Wowowee mula nang magbanta siyang magre-resign sa show kapag hindi tinanggal ng Kapamilya network si Jobert dahil sa pagsasalita nito tungkol sa mga contestant ng programa.

Noong Sabado, May 15, ang action superstar na si Robin Padilla ang naging guest host ng Wowowee. Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP ay dalawang linggong mananatili sa programa si Robin at hindi pa sigurado kung magiging regular siya pagkatapos nito.


NOT MISSING WOWOWEE. Sa taped interview ng Paparazzi, ang showbiz talk show ng TV5, kay Willie na ipinalabas kahapon, May 16, ay nagsalita na rin sa wakas ang controversial TV host. Ang nanay-nanayan ni Willie sa showbiz na si Cristy Fermin ang nag-interview kay Willie.

Ayon kay Cristy, bagamat sobrang malapit sila ni Willie ay dumaan pa rin daw sila sa butas ng karayom para matuloy ang naturang interview. Last May 12, ginulat daw ng Paparazzi si Willie sa kanyang tahanan sa Quezon City. Pero hindi naman sila nabigo  na makausap nang one-on-one ang controversial TV host.

Nami-miss na ba ni Willie ang Wowowee dahil marami na ang nakaka-miss sa kanya dito?

“Hindi ko nami-miss ang programa. Ang nami-miss ko, yung mga tao, yung publiko,” sagot ng TV host.

Alam ba niyang marami ang nag-iiyakan sa kanyang pagli-leave sa Wowowee? May nanggagaling ng probinsiya at nagagalit na wala siya, nabibigo at hindi sinabing wala pala siya. Anong nararamdaman niya kapag ganun siya kaimportante?

“Nakaka-touch yung mga ganun kasi minamahal ka ng mga tao. Napakasarap ng feeling. Pero siyempre, sana maintindihan nila ako. May mga pinagdadaaanan ako ngayon. At meron din akong dapat na gawing desisyon sa buhay ko,” saad ni Willie.

Hanggang kailan siya mawawala sa Wowowee?

“E, pinag-aaralan ko lahat, pinag-iisipan ko lahat. Kumbaga, kinakausap ko rin sarili ko. Dapat kausapin mo rin. Ano ba ang gusto mong gawin? Ano pa ba ang gusto mong gawin sa buhay mo?”

Sasabihin ng ibang tao, compensated ka, ang laki naman ng kinikita mo?

“Kasi, kahit kumikita ka ng malaki, hindi ka rin masaya kung hindi ka mahal ng tao,” sagot niya. “Basta ako, ang binibigyan ko ng importansiya rito, yung mga tao na may lungkot sa buhay. Yung lahat ng tumitira sa akin sa mga Twitter, YouTube, sa e-mail, hindi ako concern dun at hindi ko pinapansin yun. Kahit tirahin pa nila ako araw-araw.”

Sabi ni Willie, kaligayahan niya ang Wowowee. Sa pag-alis ba niya sa Wowowee, maligaya ba siya ngayon?

“Hindi pa naman ako umaalis, hindi pa naman,” nakangiti niyang sagot.

Anong plano niya?

“Puro plano!” tawa ng TV host. “Basta ako, malalaman naman ng lahat kung anuman ang desisyon ko. Hindi naman puwedeng hindi. Siyempre, may panahon para diyan. May takdang panahon para diyan. At kapag nalaman nila yun, dapat maintindihan nila ako kung ito pa ba yung gusto kong gawin or hindi na.”

Dinadalaw ba siya ng mga kaibigan niya?

“Oo…kayo. Mga taga-Channel 5 at saka mga taga-Channel 7…sila Manay Lolit [Solis]. Biro n’yo, ngayon n’yo lang ako dinalaw. Dalawang istasyon, walang taga-Channel 2 rito, ha!” sabi ni Willie.

POKWANG. Masama ba ang loob niya kay Pokwang, isa sa mga co-host niya sa Wowowee?

Ayon kay Cristy, tanggapin na raw ang katotohanan na Wowowee ang gumawa kay Pokwang.

“E, dapat maintindihan niya yun at malaman niya,” pagsang-ayon naman ni Willie. “Totoo naman yun kasi everyday exposure, iba ‘yan, sa buong mundo. In fairness naman kay Pokwang, kahit ilagay ka naman diyan araw-araw kung wala ka namang talent… May talent naman talaga, given na ‘yan.

Dagdag niya, “Ako lang, nata-touch ako kay Mariel [Rodriguez], kay Valerie [Concepcion], kay RR [Enriquez], yung bago naming hosts, tine-text nila ako. It means so much to me.”

Ibig niyang sabihin, si Pokwang, hindi siya tine-text?

“Hindi, nag-text naman siya,” sagot ni Willie. “Sabi niya, ‘Kuya, pasensiya ka na kung hindi ako nakapagpaalam sa ‘yo.’ Ako naman, okey lang kung sino gusto n’yo, wala namang problema sa akin. Tatay n’yo or kuya n’yo sa ano, magpapaalam naman kayo sa akin.”

AVOIDING QUESTIONS ABOUT JOBERT. Nang tanungin naman ni Cristy si Jobert kay Willie ay umiwas na ang TV host.

Aniya, “Ayoko nang pag-usapan ‘yan. Tapos na ‘yan. Sila na ang bahala diyan. Wala naman akong galit kahit na kanino. Nagkataon lang na yung mga sitwasyon na yun, e, pagod sa kampanya, pagod sa programa…

“Ako ngayon, iba na ang pananaw ko sa buhay. Kung gusto n’yo akong sabihan ng hindi maganda, hindi ko na kayo papansinin. Balewala na sa akin yun. Kung sa diyaryo n’yo, e, gusto n’yo akong siraan nang siraan, okey na lang sa akin ‘yan. Hindi na parang mamroblema pa ako. Basta ang gusto ko, makapagbigay saya na lang, kung may maabot akong tulong sa kapwa natin. Yun na lang.”

Sa huli, ano ang mensahe ni Willie sa mga tagasubaybay ng Wowowee?

“Huwag n’yo kaming iiwan. Diyan lang kayo. Ako po ay may inaayos lang akong problema. Samahan n’yo ako at ipagdasal n’yo ako na sana, e, maayos ko lahat,” saad ni Willie.

KRIS AQUINO. Biro ni Cristy kay Willie, siguro raw kaya ayaw na niyang bumalik sa ABS-CBN dahil iba na ang kulay ng Dos ngayon, kulay dilaw na. Ang tinutukoy ni Cristy ay ang halos tiyak nang pagwawagi ni Noynoy Aquino, na kapatid ng Kapamilya TV host na si Kris Aquino.

“Hindi naman. Si Kris, mabait naman. No mean bone naman talaga si Kris,” paglilinaw ni Willie.

Pero kinontra ni Cristy ang sinabi ni Willie na walang “mean bone” si Kris. Tinawag pa ng Paparazzi host si Lolit Solis na noong oras na yun ay nanonood sa interview nila.

Ayon kay Cristy, magpapakatotoo rin daw siya. “Mean bone siya. Hindi sa lahat ng pagkakataon nice siya, di ba, Manay?” tanong pa nito sa Startalk co-host.

Sagot naman ni Lolit, “Hindi, basta sa akin, wala pa akong na-experience sa kanya. Kasi, di ba, kahit noong Presidente pa si Tita Cory [Aquino], kahit bira-birahin mo siya, okey lang, e. Walang ano… Pero, may ibang tao sa paligid niya na naranasan ko rin.

“Ay, maghahatid kami sa airport ni Cristy kapag umalis si Kris!” pahabol ni Manay Lolit habang tumatawa.

Hirit naman ni Willie, “Huwag n’yo kong idamay d’yan, wala ako riyan, ha!”

Sabi naman ni Cristy, “Noong kampanya po kasi, sinabi ni Kris na kapag nanalo raw si Senator Noynoy, aalis sila rito ng kanyang pamilya at magti-TFC na lang daw siya. Ngayon pong nanalo na ang kanyang kapatid, maghahatid po kami sa kanya ni Manay Lolit!”

Dagdag naman ni Lolit, “Kahit madaling-araw.”

Ayon pa kay Cristy, “Ako po, kahit na anong oras… Kahit anong oras, kahit anong eroplano.”

“Hindi naman. Wala naman akong sama ng loob. Basta, kilala naman nila ako. Nasasaktan ako kapag may tumitira sa kanila. Pinaglalaban ko agad sila. At saka ako naman ang namili sa kanilang lahat para sa programa. Ako naman ang may say sa programang ‘yan.”

(Para sa kaalaman ng lahat, ito ang naging pahayag si Kris sa The Buzz noong kasagsagan ng kampanya: “If [Noynoy] does win and I’m a cause of stress for him and his presidency, I’ll gladly take my two boys and live anywhere there is TFC [ABS-CBN’s The Filipino Channel] overseas.”)

Pero sinagot naman sila ni Willie ng, “Kayo naman, tama na ‘yan. Magtulung-tulungan na lang tayo. Kahit anuman ang kulay mo—berde, dilaw, asul, orange… Ibinoto si Senator Noynoy ng sambayanan. Huwag nating kokontrahin, sambayanan ‘yan. Wala namang natatalo rito at nananalo. I’m sure, yung mga Presidentiables na tumakbo, tutulong din sa gobyerno.”

Hindi naman kasi ikinakaila ni Cristy na may alitan sila ni Kris, na dati niyang kasamahan sa The Buzz. Sa naturang episode nga ng Paparazzi ay inamin niyang hindi pa rin niya kayang makipagtrabahong muli kay Kris hanggang ngayon.

via PEP.ph

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com