Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Vice Ganda irons out the “baklaan” issue with Tado

Many people who watched the Showtime episode where Vice Ganda and Tado had a very heated exchange of words believe that Vice Ganda should have responded differently.  (See the poll results here.)  However, in order to let the issue die, Vice Ganda posted a status on Facebook admitting that he as at fault too because of his reaction but insisted that the comments made by Tado affected him personally.

With almost 1.6 million fans on Facebook, Vice received a mix review of his reaction with many posts accusing him of being too self-righteous and others supporting his stance as well.

One commenter posted:

Mark S. wag ka ngang magmalinis bakla eh ikaw nga itng grabe manlait ng kapwa mu ah,,khit joke alm mung masakit un ikw nga na joke lng napikon agad ibng tao pa kya …mag-isip ka nga..tama ba? tama ba? tama ba?

Another one who supports Vice posted:

Lyza F. Wag tayong masyadong mag paka OA. Grabe yung mga lait. Magiging okay kung maayos ang pag sasabi hndi yung gagatungan pa ng kasalanan yung isa pang kasalanan. Leave it all with them, tutal nag sorry na naman diba? WALANG PERPEKTO, kung makapagsalita kasi yung iba, iba din. Lahat tayo ay naranasan ng manlait, malait, man

Kapwa nagbigay ng kanilang paumanhin ang mga komedyanteng sina Vice Ganda at Arvin “Tado” Jimenez kaninang umaga, May 25, sa daily variety show ng ABS-CBN na Showtime.

Matatandaan na nagkaroon ng patutsadahan ang dalawa kahapon, May 24, sa naturang variety show, kung saan resident judge si Vice Ganda at hurado naman si Tado. Nagsimula ang palitan nila ng mga salita nang magkomento si Tado na “pang-gay” ang ginawang performance ng isang grupo. Sumunod nito ay pinabasa niya kay Vice ang nakasulat sa kanyang T-shirt: “Di bale nang magnakaw kaysa mamakla.” (CLICK HERE to read related story and video.)

Ang isyung ito ay naging laman ng usapin sa mga social networking sites.  Gayundin, sa official fan page ni Vice sa Facebook, nailathala, “I am deeply appalled by Tado’s obnoxious remark about gay people in Showtime today!! I am GAY! and I’m very proud to be GAY! and as one I will not allow anyone to disrespect me and the rest of the gay community for our preference!”

VICE GANDA’S STATEMENT. Hindi na pinatagal ng dalawa ang isyu at nagbati na sila kanina. Pinangunahan ito ni Vice, o Jose Mari Viceral sa tunay na buhay, sa pamamagitan ng kanyang pag-amin sa pagkakamaling nagawa niya kahapon.

Ito ang kabubuuan ng pahayag ni Vice Ganda:

“Para po doon sa mga hindi nakapanood, nagkaroon po kami ng mga hindi pagkakaunawaan ni Tado dahil sa kanyang paniniwala o sa kanyang nasabi na, ‘Mabuti pang magnakaw kaysa mamakla,’ na sadyang hindi ko po talaga kayang tanggapin at ikinasama ng loob ko at ng loob ng napakaraming bakla at ng ibang tao sa Pilipinas, bakla man o hindi.

“Para po sa akin, hanggang ngayon po ay naninindigan ako na kailanman ay hindi magiging tama at hindi magiging mabuti ang pagnanakaw. Gayunpaman, ako rin po ang nakagawa ng isang pagkakamali. Maaaring sa akin po ay kasuklam-suklam ang binitawang pahayag ni Tado, ngunit hindi rin naman kahanga-hanga ang ginawa kong pagpapahayag ng aking damdamin kahapon dahil pinahayag ko ang aking paniniwala nang may kasamang galit at pagkapikon. At ‘yang ugali pong ‘yan ay sadyang kasuklam-suklam din at hindi kapuri-puri.

“Mga kapamilya, ako po ay marunong manindigan sa mga paniniwalang para sa akin ay tama. Ngunit tanggap ko rin naman po at alam kong tanggapin kung kailan ako nagkamali. Inaamin kong kahapon po ay nagkamali din ako dahil naging mapusok ako at nagpadala ako sa aking emosyon. Kaya hayaan n’yo po akong buong-pusong humingi at buong-pagpapakumbabang humingi ng paumanhin sa lahat ng mga manonood na hindi nagustuhan ang pangyayari kahapon.

“Sa inyo pong lahat, maaring nakaapekto po siya sa kasiyahan na iyon, patawarin n’yo po ako. At gayundin kay Tado. Tado, nasaktan mo nang malalim ang damdamin ko. Ngunit alam kong nasaktan din naman kita sa mga pahayag ko kaya hayaan mong humingi ako ng paumanhin sa ‘yo.”

Pagkatapos nito ay nilapitan si Tado at sinabi, “Ang Showtime po ay nilikha para magpasaya ng mga Pilipino. Kaya hindi magandang nakikita na hindi tayo nagkakaunawaan sa telebisyon. Inaamin ko po, at mayroon po kaming natutunan sa pagkakamaling ito. Let us all work from this mistake, from this experience. Peace, peace, peace tayo, Tado. Love, love love.

“Let’s all welcome and appreciate diversity and love one another. Nagkamali po kami. E, talagang no one and nothing in this world is perfect. Sabi nga ni Ryan Seacrest, ‘That’s why pencils have erasers so that when an error is committed, correction can be made.’ Pasensiya na po kayo.”

TADO ALSO APOLOGIZES. Nauna nang nagpahayag ng kanyang paumanhin si Tado kagabi, May 24, sa radio program niyang The Brewrats, kasama sina Ramon Bautista at Angel Rivero sa U92 (92.3) FM.

Nang hingan siya ng mensahe ng mga kasamahan sa programa, ito ang kanyang sinabi: “First, I, Tado Jimenez, would like to say very, very sorry and please accept my sincere apology. I apologize to everyone I caused offended for my T-shirt. If you don’t like my T-shirt, then, bakla, don’t buy it, bakla. I’m just saying all of us is gay. I accept that me, I’m gay, too. But I’m not my direct intention to cause emotional harm to you, bakla. I’m just trying to be funny and enjoying life.”

Inamin din ni Tado, ang kanyang pagkakamali kahapon. Aniya, “The way I see it, I think my fault there is I have no knowledge about who’s with me, about my co-host. I mean, I’m not that conscious. I did not bring effort to research who’s with my co-judges. I didn’t know that I might offend someone. Although I did not directly intend it.  But, you know, someone reacts. Then, I don’t want this thing, what do you call it, escalated.”

Bilang tugon naman sa paumanhin ni Vice kanina sa Showtime, muling humingi ng pasensiya si Tado. Sabi niya, “Ako po ay humihingi ng paumanhin sa mga salitang nabitawan ko na maaaring nakasakit ng damdamin at naka-offend sa inyong mga manonood, partikular na sa gay society, lalung-lalo na kay Vice Ganda. Muli po, taus-puso po akong humihingi ng paumanhin.”

via PEP.ph

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com