More Recent News

  • Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

    Chemistry.com

  • Recent Chorvas


  • View My Stats
  • Advertise here

  • Follow Chuva Chienes on Facebook

Gretchen Barretto: “Hindi ako ipinagtatanggol ni Claudine dito sa away na ito dahil—wala kaming away ni Angelica.”

Hindi itinanggi ni Gretchen Barretto na alam niyang may nagaganap ngayong hidwaan sa pagitan ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine at ang maituturing niyang bagong kaibigan na si Angelica Panganiban.

“Of course, I’m aware because alam mo naman ang show business, napakaliit,” panimula ni Gretchen sa panayam sa kanya sa set ng Magkaribal noong Miyerkules ng gabi, Agosto 25.

Pagpapatuloy ng aktres, “Every news sa bawat artista, malalaman at malalaman mo, dahil nagte-tape kami three times a week…and wherever I go, meron isang katulad mo na magkukuwento! [laughs]

“Saka, lalo na yung Twitter, I don’t have [an account], hindi ako nagtu-twit, hindi ako marunong. But then, ewan ko ba, every time may lumalabas, talagang nakakarating sa akin. E, di ba, yung akin nga [Angelica's tweet entry about her and Derek Ramsay]…everybody knows!

“Kahit hindi ako marunong mag-twit, may magkukuwento na, ‘Oy, eto ang twinit kay dito o sa akin, or sa ibang tao. Siyempre malalaman…I don’t want to be plastic and say na hindi ko alam. Siyempre, alam nating lahat ‘yan.”

Nagsimulang magduda ang showbiz press na may kahidwaan si Claudine nang mapadalas ang pagtu-twit niya ng mga maaanghang na mensahe nitong mga unang bahagi ng Agosto.

Bagama’t hindi pinapangalanan ni Claudine ang taong pinasasaringan niya sa kanyang mga twits ay naging paboritong usap-usapan ito sa mga umpukan ng showbiz press.

Sa ganitong paraan ay tila napagtagni-tagni na rin ng press na ang pinatutungkulan ni Claudine ay si Angelica Panganiban, na minsan na niyang nakasama sa teleseryeng Iisa Pa Lamang noong 2008, nang si Claudine ay nasa bakuran pa ng ABS-CBN.

Sa naunang panayam ng PEP kay Claudine na lumabas dito kahapon (CLICK HERE to read related story) ay hindi na itinanggi ni Claudine na si Angelica nga ang kahidwaan niya.

Ayon kay Claudine, si Angelica ang nagkakalat ng mga masasamang balita laban sa kanya. Kabilang dito ang diumano’y pagkakaroon niya ng affair sa isang nagngangalang Martin Castro, isang bagong kaibigan ng asawa ni Claudine na si Raymart Santiago at best friend naman ni Derek Ramsay na boyfriend ni Angelica.

Sinabi ni Claudine na dagdag pa sa ikinagalit niya kay Angelica ay ang diumano’y pagkakalat din ni Angelica ng mga paninira laban sa nakatatanda niyang kapatid na si Gretchen. Bagama’t hindi raw sila nag-uusap sa kasalukuyan ni Gretchen ay hindi raw niya maiwasang hindi ito maipagtanggol.

Nilinaw ng PEP ang mga ito kay Gretchen mismo. Sinimulan ng PEP ang panayam kay Gretchen sa paghingi ng kanyang reaksyon sa anggulong tila nagsimula ang hidwaan nina Claudine at Angelica nang tangkain daw ni Claudine na sitahin si Angelica sa pagsasalita laban kay Gretchen sa isang party sa bahay ni Castro noong Hulyo.

Matatandang nagkaroon din kasi ng maiksing alitan sina Gretchen at Angelica. May kinalaman ito sa diumano’y pagseselos ni Angelica kay Gretchen dahil sa pagiging close nito sa boyfriend ni Angelica na si Derek, ang co-star ni Gretchen sa fashionserye ng ABS-CBN na Magkaribal.

Narito ang kabuuang interview ng PEP kay Gretchen:

Ang umiikot ngayong balita, ang root diumano ng war ni Claudine kay Angelica can be traced sa pagtatanggol ni Claudine sa ‘yo sa isang party, where Angelica was maligning you to other guests daw. Ano ang reaksiyon mo rito?

“No, no, no…that’s not true! Walang ganyang kuwento na ipinagtatanggol ako… Yung away ni Angelica Panganiban and Claudine, wala akong kinalaman sa away na ‘yon at all—walang kinalaman.

“There’s no truth to that. Kasi, kami ni Angelica, nung may nangyari sa amin, sandaling-sandali lang ‘yon. And nung kinausap kami ng management ng ABS-CBN na tumigil, pareho kaming disente na tumigil.

“Ngayon na nakilala ko na si Angelica at matagal-tagal ko na ring nakilala si Derek, I’ve been working with him, naging disente si Derek at nangako siyang aayusin niya yung gusot namin ni Angelica.

“Yung nangako siyang aayusin niya, talagang tinupad niya, inayos niya. Hindi naman bigla-bigla na inayos. Pero sabi niya, pagdating nila galing sa bakasyon nila na isang buwan sa South Africa, sabi niya aayusin niya, at natupad naman niya.

“Ako kasi, ayokong maniwala na lang bigla na sinabi ito ni Angelica… Alam mo, hindi na tayo mga bata para maniwala sa mga ganyan. Angelica is old enough and mature also to know what she’s doing.

“At sa industriyang ito, wala rin naman akong naririnig na masama or anything negative about Angelica Panganiban. Kaya hindi rin ako nahirapan makipagkaibigan sa kanya agad-agad.

“Nandito na kami ngayon sa punto ng buhay namin at ng career namin na ayaw na namin ng negative. Kasi kung negative na tao si Angelica, or negative ako, hindi uusbong yung mga career namin. Sabi nila, ‘pag negative, di ba, hindi maganda. So, kaya kami, iniiwasan namin yung mga negative-negative, away, talk—anything negative.”

According to the interview with Claudine, sinabi raw ni Angelica that you’ve been giving Derek expensive gifts…

“The only thing I gave to Derek was just a blanket, and hindi lang siya ang binigyan ko, buong cast binigyan ko. I’m very generous. Alam ng lahat ng tao ‘yon, that’s how I show appreciation or love.

“But that doesn’t mean anything, because ‘pag tinanong mo, lahat may ganung blanket. In fact, meron din akong blanket na ganyan for Angelica. Hindi ko lang naibibigay pa! [laughs] But, that’s not true! Hindi totoo ‘yan.

“At kung meron man akong ibinibigay or ibibigay, hindi ko rin naman ipagkakaila ‘yon. Hindi naman ako sinungaling. Hindi ako tatagal sa showbiz at hindi n’yo ako pupuntahan dito para mag-interview kung sinungaling ako.

“If there’s anything that I can be proud of, that is my credibility. It is so intact, I tell the truth as it is, and even if it’s not good, even if people judge me for my choices, I still do it anyway.

“And you know what, I’ll tell you this: I don’t believe that Angelica said anything like that against me. Kasi kung may sinabi siya na gano’n, hindi siya makakaharap sa akin tulad nang paghaharap niya sa akin. And wala pa ni isang tao sa show business na nagsabi sa aking sinungaling si Angelica. Walang nagsasabi nang ganun.

“Parati nilang sinasabi na mabuti siyang tao, prangka siyang tao. Kung hindi siya prangka, e, di sana hindi niya ako twinit, ‘no! [laughs] Di ba? At sana hindi na rin siya humingi ng tawad, di ba?

“Ngayon ko lang naririnig itong version na ito! Ang totoo, may istoryang umiikot that does not involve me at all. Hindi ako ipinagtatanggol ni Claudine dito sa away na ito—dahil wala kaming away ni Angelica.

“Yung twit niyang [Angelica] ‘yon, kung ano ‘yon, ‘yun lang ‘yon. Hindi na ‘yon nanganak, hindi na ‘yon lumaki [CLICK HERE to read related story]. Nung sinabi ng management, ‘Stop it, it’s not good for the two of you,’ then nag-stop kami. Like, right away. The minute they said stop, nag-stop kami.

“Ang away nila Claudine at Angelica—iba ang away nila. Ibang level! Hindi ko kakayanin yung level ng away nila! [laughs] Ang gulo no’n. Hindi ko kaya ‘yon.
“So, kung may ganyang version, hindi ko alam ‘yan. Iisa lang ang version: the original version! [laughs]

“Peace na lang sana, ‘no?”

Assuming that the war is still going on between Claudine and Angelica, ipit ka, hindi ba? Kapatid mo si Claudine, kaibigan mo sina Angel at Derek.

“Hindi natin maiiwasan na hindi ako maiipit dahil tinatanong at tinatanong sa akin. Ikukuwento at ikukuwento sa akin ng mga tao na, siyempre, kasamahan ko sa industriya, di ba? Naiipit in that sense.

“Siyempre kaibigan ko si Derek, kaibigan ko rin si Angelica, at kapatid ko si Claudine. So, kung anong naririnig ko, nabibigatan ako, nahihirapan ako sa naririnig ko. Kasi sana hindi na lang gano’n. Sana peace! [laughs] Di ba, mas maganda, peace.”

Matagal nang bulung-bulungan sa showbiz na si Angelica nga ang tinutukoy ni Claudine sa kanyang mga twits kahit hindi niya pinapangalanan. Ano ang reaksiyon mo rito?

“It’s sad. It’s just sad ‘coz I really hope… Ngayong nakilala ko na si Derek at si Angelica, the more I know them, the more I respect them.

“Because, even sa alitan nila or sa gusot na lang—tatawagin ko na lang na gusot—na meron sila Derek at Angelica kay Claudine, alam ko na nag-iingat sila sa mga sinasabi nila or gagawin nilang hakbang towards Claudine because alam nila kapatid ko si Claudine. And that’s the reason why I respect them.

“Kasi, alam ko, they value my friendship and our working relationship. Parati akong nagpapasalamat kay Derek para doon, na nirerespeto niya yung pagkakaibigan namin. Na siyempre, ayaw rin niyang masaktan yung kapatid ko or ayaw rin niyang masaktan ako sa mga hakbang na dapat gawin.”

May balitang balak nang mag-file ng legal action ni Claudine laban kay Angelica, aware ka ba dito? Apparently, si Mr. M—  Johnny Manahan of Star Magic, na tagapamahala ng career ni Angelica ngayon at tagapamahala ng career ni Claudine rati—alam na rin ito, at nag-comment na ng, ‘Go ahead! Sue, Claudine. Make our Day!” Ano ang masasabi mo?

“Alam ko ‘yon, alam naman ng lahat ‘yon. Alam mo naman ang industriya, napakaliit. Pero pag may maghahabla, naku, malaking sakit ng ulo ‘yan! Sana walang gano’n, sana peace. Again, sana peace.

“Kasi, ang natutunan ko kay Angelica ay humility. Di ba, yung nag-twit si Angelica, yung sa akin, akala ko, naku, hindi na kami magkakabati. Pero konting pakumbaba lang na ginawa niya, wala na!

“E, di peace na lahat. O, di napalitan na yung galit ng friendship. And it’s something I value, I really value. And it’s a lesson talaga I learned from her.

“Alam mo, simula nang nag-apologize si Angelica, ginawa ko na ring parang goal ko sa buhay na kung meron akong mga nasaktan, I have to practice to be humble enough to also say sorry for my mistakes kung anumang ginawa ko.

“Kasi, di ba, minsan…Sabi ko nga, kaya ko hinahangaan si Angelica kasi ang tapang-tapang niyang mag-twit, pero nakita ko ang tunay na katapangan ni Angelica nung nagpakumbaba siya at umiyak siya sa The Buzz.

“Sabi ko, ‘Oh, my God, ang ganda ng babaeng ‘to! Kaya niyang lumaban para sa karapatan niya.’ And I will not deny, karapatan niya ‘yon, ang lumaban, di ba? Labanan ako. And yung nag-apologize siya, sabi ko, ‘Aba, tunay na matapang ‘tong babaeng ‘to!’ Kasi kaya niyang mag-sorry. Gusto ko siyang tularan in that sense.”

Sabi mo nga, siya ‘yung mini-Greta…

“Hindi. Mas mabuting Greta siya! [laughs] Better version kasi at a young age, marunong siyang mag-sorry.”

Nilalaban ni Angelica yung karapatan niya…ibig bang sabihin, naging extra close talaga kayo ni Derek, at ‘yon ang nilabanan niya?

“I will say that, as far as friendship, working relationship, is concerned, I could really claim na close kami ni Derek. Especially nga ngayon sa mga nangyayari, na nirerespeto niya yung mga mahal ko sa buhay, mga kapatid ko.

“Alam ko kasi, nung nag-aaway sila [nina Claudine], nasa Paris ako noon. Nag-usap kami ni Derek after that, pagdating ko. Alam ko, maraming nagkuwento na hindi talaga siya lumaban dahil ayaw niya na masaktan ako dahil alam niya kapatid ko si Claudine…

“Na kahit hindi kami nag-uusap ng kapatid ko, alam niya kapatid ko ‘yon. At masasaktan ako para sa kapatid ko pag may sinabi o ginawa siya.

“So, I know that Derek is holding back for that very reason. And that’s why, sabi ko sa ‘yo, the more I know Angelica and Derek, the more I respect them. At nagpapasalamat ako sa kanila paulit-ulit sa mga ginagawa nila para sa akin.”

Okay, diretso, were you, at any time, a threat to the relationship of Derek and Angelica?

“Never! Hindi ako mahilig sa batang lalake, mahilig ako sa matanda! [Laughs at first, then turns serious.] Kung meron lang akong naging mistake, siguro naging playful ako. Naging naughty-naughty in the sense na I always wanted to give the public what they were… Tinutukso kami. E, di sige, kung yun ang gusto n’yong makita, then I will give it to you.

“But that’s all for show. Alam naman ng tao ‘yon. And I’m not afraid or ashamed to say it. But especially now, no, I’m not a threat. We will be friends and we will get through this situation together.”

Nasagap namin na si Raymart daw, bilang asawa ni Claudine, ay sangkot na rin sa gulo. Totoo bang nag-confrontation na sina Raymart and Derek? Nabalitaan din ba niya ito?

“Ang alam ko kasi, walang fight si Derek kay Raymart. Alam mo, si Derek hindi mahilig sa away. If ever, ang alam ko kasi, sa side ni Derek, alam ko nagri-reason out siya pero hindi siya lumaban. ‘Yun nga ang sinasabi ko kanina pa, na yun ang nirerespeto ko sa kanila. Ini-explain ni Derek ‘yung side niya, pero ni minsan hindi niya itinaas yung boses niya.”

So, may alam kang phone call na naganap between them?

“Alam naman nating lahat ‘yon. Again, ang liit ng industriya, I’m sure alam mo rin naman ‘yon. Lahat naman. Siyempre, usap-usapan ‘yon.”

Si Raymart, according to a source, is medyo agitated na raw sa mga panahong ito dahil sa mga nangyayari. Medyo naguguluhan din siya, and he asked na daw the Barretto family’s help. May alam ka bang ganito?

“Hindi ko alam because hindi naman siya lumapit sa akin. So, I cannot say. Kasi basta sa akin, hindi pa siya lumalapit, although alam niya, two years ago pa, nag-offer na ako ng help kay Raymart na anything na kailangan niya, you know, he can call me.

“Pero two years after, hindi pa rin naman siya tumatawag, so I guess he doesn’t need my help. I just hope na bilang asawa ni Claudine, sana maayos niya, imbes na…

“All I’m asking from Raymart is sana pakinggan naman niya yung side ni Angelica and ni Direk, na walang… Minsan kasi, importante yung we put aside yung init ng ulo. Put aside first, and listen to the other part.

“Kasi siyempre pag nagkakagulo, there are two sides all the time. So, yun lang, parang I just felt bad for Angelica na napagsalitaan nang masama at napagtaasan ng boses ni Raymart!

“Because kung si Derek nakapagtimpi para sa friendship namin, yun ang ini-expect ko sana na ginawa ni Raymart para kay Angelica.

“Kasi, di ba, parang ang point ko dito is, sa mga hindi makakatulong na mag-ayos sa gusot, huwag na lang nating guluhin. Dapat ang pakay natin is… Parang kami ni Angelica, ang magandang nangyari is yung nagka-gusot kami, everybody said nice things to me about Angelica and vice versa, kaya naayos.

“Wala yung nanggagatong, wala yung siding-siding, you know, I’m with this team, I’m with that…walang gano’n. Dapat inaayos. Yun lang.”

Umabot na yata kasi sa puntong ang mga parating sa isa’t isa, malala na.

“Gawain yata ng mga Pinoy ‘yan, e, mga bored. E, kami kasi, ang dami naming trabaho! Anong oras na, nagtatrabaho pa kami. Ilan pa ang mga eksena namin. Wala kaming time na manulsol. Ang gusto lang namin, peace.

“Again, I said nga, learning from that experience with Angelica, puwede naman palang maayos ang isang gusot at hindi ganun kahirap. Humility lang talaga ang kailangan nating lahat, and a little maturity.”

May umiikot ding balita na diumano ay nagpaparating si Claudine ng grave threats kay Angelica. Sa tingin mo, is she capable na gumawa noon?

“Ayokong sagutin ‘yan, ayokong sagutin ‘yan. Maselan ‘yan na issue… Ang akin lang, again, how I feel about the threats is nakakalungkot, kasi hindi naman dapat sa gano’n humantong. Sana puwedeng mapag-usapan, gaya namin ni Angelica, napag-usapan, napag-ayos. At sana mapaayos din sila.”

Sa demandahan na raw yata mauuwi ang lahat. Sa interview ni Claudine, sabi she’s already talking to her lawyer about a possible lawsuit against Angelica…

“Alam mo, siguro nga—although siyempre mas mabuti na yung peace—pero siguro kung magkademandahan, siguro titigil na lahat, tatahimik na ang lahat. Di ba?

“Siguro, para matuto na ang lahat. Para tumahimik na ang lahat. Kasi ang dami na talagang naaapektuhan. Ang dami na. Si Derek may nanay at tatay, siyempre si Angelica may mga magulang din ‘yan, di ba? Lahat kami nag-aalala. Sana matigil na.”

Kumusta sila Derek at Angelica? Nadadala ba nila nang maayos itong problemang ito?

“Well, they’re very much together, and nakikita ko talaga ‘yung pagmamahalan nila sa isa’t isa, and how supportive they are towards each other. Hanga ako sa kanila. Hanga ako with their self-control.

“Di ba kasi, pag bata tulad ni Derek, aba, akala ko pag bata na ganyan, athletic, mainitin ang ulo. But more than anything, he has self-control, and mature siyang tao dahil nag-iisip muna siya bago magbitaw ng salita.

“That’s why I said nga, na the more I know them, the more I respect them. At si Angelica, di mo naman naririnig na may sinasabi, tumatahimik siya.”

May chance ba na you and Claudine can also talk, like you and Angelica did?

“You know, Anna, I always try. From the time na tinanggap ko ‘tong project na Magkaribal, at sumama ang loob ni Claudine at hindi na niya ako kinausap, hindi naman nagbago ang damdamin ko for her.

“Bilang mas nakakatandang kapatid niya, pinipilit kong unawain siya. At sa mga nangyayari sa buhay niya, gusto ko pa rin siyang intindihin. And I want to be here, you know, for her sa nangyayaring ito.

“Gaya ng sinabi ko, kung puwedeng ayusin, aayusin ko. Pero ilang beses na rin akong nag-try na lapitan si Claudine, at pinasabi ko na rin sa mga nephews ko na kung puwedeng magkita kami ni Claudine.

“Pero nire-reject niya, hindi pa raw siya talaga ready, nagagalit siya. So, I respect that. I’ll give her the space that she’s also asking for.

“Right now, I can only pray for her peace and I can only pray na sana matapos na ‘to. Sana yung mga banta niya, I hope they’re empty threats, kasi nakakalungkot. Nakakalungkot.

“Hindi naman iyong tayong nabubuhay, natatakot na baka may mangyari kay Angelica…sana walang ganun! Kasi ang daming nahihirapan, ang daming nagsa-suffer, ang daming natatakot.

“Mas masaya naman yung buhay na peace na lang, wala nang takot-takot. Puwede naman yung mga away namin na, ‘I’ll be there with my red stilettos!’ Wala na yung threat-threat na ‘yan, di ba?” [laughs]

So, between July, kung kailan tila nagsimula ang lahat ng ito, hanggang ngayon, wala pa kayong communication ni Claudine?

“Ang tagal na naming walang communication. The last time I remember was tinawagan ko siya, March 6, for my birthday. Iniimbita ko siya sa birthday ko for an intimate dinner and…hindi na ako ready pag-usapan kung ano’ng pinag-usapan. But the main thing that really happened there is, yun na nga…huwag na lang nating pag-usapan! [laughs] Ibang isyu na ‘yon.”

Si Raymart, hindi mo rin nakakausap?

“I tried many times, pero wala… I tried, I offered many times to talk to him or give my side, pero ayaw niya, e.”

May nami-miss ka bang gawin with Claudine? Mga activities n’yo dati?

“You know, I don’t want to answer any mushy questions. You know, let’s get real. We have real feelings, we are real people. This is a real situation and it’s certainly not a funny situation. So, I’m not ready to answer pa-cute or pa-showbiz question… Sorry, but that’s me. Wala akong panahon sa mga ganyan ngayon.

“The truth is, there is something going on that is affecting many people. The people I love, the people I’m close to. ‘Yan ang pinagtutuunan namin ng pansin at hindi yung mga… You know, I’m not catering to the fans or to anyone. We just need to address this problem na sana walang mangyari na masama. Sana tumigil.”

What’s the Barretto family stand?

“Why don’t you ask them? Why ask me? Duh, di ba? I can only answer so much and I can only answer for myself.”

Muling nilinaw ni Gretchen na wala siyang kinalaman sa gulo sa pagitan nina Claudine and Angelica. Nasasali lamang daw siya dahil nga kapatid niya ang una at kaibigan niya ang huli.

“If there’s anything I want to say. Ayoko sana gamitin ako dito sa gulo nila. Dahil ako, alam ko ang totoong away nila. Ayoko sabihin ng kahit sino, na kaya nag-away si Claudine at si Angelica, dahil sa akin, because wala akong kinalaman doon. There is no truth to that. That is what I want talaga na maging clear—na hindi ako ang naging dahilan.

“This is one thing that you have to write: I don’t believe na mayroong sinabi si Angelica against me in public. Kasi matapang naman si Angelica na mag-twit, e. E, di sana i-twinit  na lang niya. Bakit pa niya sasabihin sa likod ko? So, I don’t belive na may sinabi si Angelica.”

Bilang pahabol, tinawagan ng PEP si Gretchen kahapon, Agosto 26, tungkol sa binitiwang salita ni Claudine dito sa PEP kahapon din. Nasabi ni Claudine: “Eto lang ako, linis lang nang linis ng kalat ng kapatid ko.” Ano ang masasabi niya rito?

[Tahimik muna si Gretchen sa kabilang linya. Halatang hindi niya inasahan ang binitiwang mga salita ng kapatid.] “Si Claudine, may career, may two kids, and a husband to take care of. She should put her focus there, look at her blessings, look at her own life.

“Sana mai-set aside na niya iyong mga galit niya sa mundo, because that is the very reason she and Raymart have things to work on in their lives…

“Claudine is obviously going through a tough time—in all aspects of her life. I pray that I have more patience and a little more love for her. Pilitin na lang nating intindihin.

“Although, it’s hurtful. I cannot deny that her words are very hurtful, but as a sister I still choose to understand and I still choose to bear the hurt.”

via PEP.ph

Related Posts with Thumbnails
«
»

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge
Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com