Tell me a secret, and I promise I'll tell the world.

Mark Herras denies webcam scandal “Mark H” circulating webcam photos is him

Who is Dhele Dizon?

Ang diumano’y webcam photos or video ni Mark Herras ang isa sa major issue ng Startalk kahapon, October 9.  Lately nga ay naging usap-usapan ang diumano’y web chat scandal daw ni Mark. Sa Startalk, sinagot ni Mark ang lahat ng tanong at haka-haka tungkol sa naturang isyu.

Ayon sa report ng Saturday showbiz talk show ng GMA-7, ang series of screen caps daw ay naglalaman ng tatlong images. Ang una at ikalawang images raw ay tungkol sa isang lalaki na may hawig sa bad boy of the dance floor, at sa ikatlo ay ang mismong close-up chat daw ng ari ng isang lalaki.

Binase ang kanilang report sa isinulat ng isang tabloid columnist na tipong naniniwala na isa lang ang lalaki sa tatlong images. Ito ay dahil captured image raw ito ng isang web chat at may rumehistrong oras ng chat sa tatlong images. Magkakasunod daw ang naitalang mga oras. Bukod pa raw ang ID sa screen caps na nagsasabing “webcam for Mark H.”

May nakapansin din daw na may nakalagay na date na April 8, 2010 sa nasabing screen caps na ang ibig sabihin daw ay sa petsang yun naganap ang naturang scandal sa web cam.

Pero hinarap ni Mark ang naturang isyu at nakapanayam nga ng Startalk.

Ayon kay Mark, “[Yung date sa picture] April 8, may event sa GMA — Party P at may GMA Trade launch din. Yun ang time na pinauwi ako ng Party P dahil sa heart burn ko. Kung natatandaan niyo po, yun ang nag-heart burn ako.”

Kung pagbabasehan daw ang naitalang oras sa web chat, naganap daw ang pakikipag-chat ng sinasabing Mark H from “01:54 to 2:11 AM.”  Same time na kunsaan ay nagaganap naman ang isang GMA event at nakuhanan pa raw ng Startalk.

Pero ayon nga kay Mark, hindi niya natapos ang event.

“Humingi ako ng time from GMA para makapagpahinga. Maka-recover.  Tapos may lumabas na naman kung anong isyu.  Ewan ko kung bakit ayaw nilang manahimik ako. Gusto nila maingay palagi.”

Ayon kay Mark, hindi raw siya madalas makipag-chat gamit ang webcam. Pero paano nga bang may lumabas na conversation sa web chat na galing sa diumano’y Mark H?

“Hindi, e. At saka, hindi ako gumagamit ng account na pangalan ko, e. Alam mo yun, yung personal na ‘Mark Angelo Herras.com.’ Hindi ako gumagamit ng ganoon. Never akong gumamit. Ever since I started in showbiz, from day one, never akong naglagay ng pangalan ko. Kahit pa sa Friendster dati, then Facebook, never akong gumamit ng Mark Angelo or kahit yung surname ko na Herras.”

Naalala rin ni Mark na base sa date na sinasabing April 8, 2010, ito raw ang mga panahong may balbas pa siya at hindi maaaring mag-ahit dahil makakasira sa continuity ng kanyang character sa dati nilang afternoon soap opera ni Jennylyn Mercado na Paano Ba Ang Mangarap and later, for Langit Sa Piling Mo.

Ang Mark H sa screen cap ay wala namang makapal na bigote at balbas.

Ayon nga kay Mark, “May bigote at balbas ako noong [April 8.] Halos half a year  ‘yung bigote at balbas [ko], ever since Paano Ba Ang Mangarap Pa?”

Ikinatawa na lang daw ni Mark na ang lumalabas na ka-chat ng Mark H ay isa pang lalaki.

“Nakikipag-chat ako sa isang maskuladong lalaki? Ano ba naman? Gusto ba nilang i-insinuate na bading ako?  Parang yun ang isa sa mga nakakatawa ro’n sa intriga. Pero, bakit naman kailangang gumawa ng ganoong klase ng isyu, ‘di ba?

“Hindi ko siya kailangang gawin o pag-aksayahan ng panahon… Sobrang saya ng buhay ko ngayon.  Ang dami kong kinakalibangang bagay.”

Kung may concern man daw sa ngayon si Mark, ito ay sa mga taong gumagawa ng ganoong isyu.

“Sana lang, maisip nila yung epekto nito sa family ko. Sa tatay ko, sa nanay ko, sa tito ko, sa mga kapatid ko, kay Yna [Asistio]. Ayokong nasasangkot sila sa mga ganitong klaseng intriga or sa mga ganitong klase ng isyu.

“Pero ako… hindi ako naapektuhan sa mga ganoong klase ng intriga. Basta huwag lang nilang idamay ang family ko.”

Dugtong pa niya, ”Yung damay na sinasabi ko, yung balik sa kanila. Yung nalalaman nila ang temptation, naaapektuhan sila. Yun ang hindi ko gusto.”

May message rin si Mark sa gumawa ng isyung yun sa kanya.

Aniya, “Sa ‘yo, ano ba na-achieve mo? Sana minsan, isipin mo muna ang ginagawa mong kalokohan… yung nagiging epekto nito sa lahat ng tao.”

At sa huli, minsan pang itinanggi at klinaro ng actor na hindi siya ang nasa photo scandal na yun sa web chat.

“Sana naman maging aral ito sa iba na sana, bago sila gumawa ng anong kalokohan, isipin nila ang mga taong dinadamay nila. Bakit kayo maninira ng buhay ng mga tao?”

Sa Startalk pa rin, nakapanayam nila si Atty. Aquil Tamano hinggil sa batas na puwedeng mag-protekta sa mga umaabuso at nang-aabuso sa ganitong mga bagay.

Ayon sa abugado, “Ang paglabas ng mga malalaswang photos or videos ay may [parusa] sa batas natin under Article 201 of the Revised Penal Code.  Theoretically, kung genuine yung photos or video, the so-called Revilla law  or Republic Act No. 9995 [ Anti-Photo at Video Voyeurism Act of 2009] will apply.  [Ito yung] ginawa nilang batas after the Senate hearing ni Katrina Halili. Pag may reasonable exploitation of privacy, may criminal sanction ang batas diyan. Under the voyeurism law, seven years ang kulong diyan.”

via PEP.ph

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com