Ruffa Gutierrez on John Lloyd-Shaina controversy: “For me this is a non-issue as in ang cheap-cheap. Ka-cheap-an talaga.”

 

 

Ayaw na sanang patulan ni Ruffa Gutierrez ang kontrobersiya sa kanilang tatlo nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao dahil nagiging cheap na raw ang isyu. Pero hindi nga siya makaiwas sa patuloy na pagtatanong sa kanya ng media.

Kaninang hapon nga, October 27, bago rumampa si Ruffa sa Philippine Fashion Week ay inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa lumalalang kontrobersiya sa interview sa kanya ng TV Patrol na napanood ngayong gabi.

“For me this is a non-issue as in ang cheap-cheap. Ka-cheap-an talaga. May natutunan din ako na huwag maging impulsive also. Ngayon naintindihan ko kung bakit niya ako tine-text. Siguro dala na rin ng pagseselos niya [Shaina],” sabi ni Ruffa.

Matatandaang sinabi ni Ruffa sa showbiz talk show na Paparazzi Showbiz Exposed noong Linggo, October 23, na tinext siya ni Shaina ng “Leave us alone” pagkatapos ng birthday concert ni Vina Morales noong October 18.

Sa interview naman ni Shaina, kasama si John Lloyd Cruz, kay Boy Abunda para sa The Buzz—na ipinalabas sa TV Patrol at Bandila kagabi, October 26—ay inamin niyang nagkapalitan nga sila ng text messages ni Ruffa. Pero sinabi ni Shaina na sinagot niya lang ang text ni Ruffa nang mag-text ito kay John Lloyd.

“Nag-text siya kay John Lloyd right after we left the party and I replied. I told her to leave us alone, gaya ng gusto kong sabihin sa kanya,” sabi ni Shaina.

Iginiit naman ni Ruffa sa bago niyang interview sa TV Patrol na hindi siya ang naunang nag-text kay John Lloyd.

“Hindi ako [ang] unang nag-text. And please prove it. I challenge anyone to prove it.”

Sa huli, tila may patutsada pa si Ruffa na kung meron daw siyang itinatanging lalaki sa buhay niya ngayon, hindi raw ito si John Lloyd.

“Kung meron man akong crush… kung meron mang lalaki sa buhay ko, definitely it’s not John Lloyd Cruz!”

INTRIGUING TWEETS. Bago pa ang interview na ito kay Ruffa ay nauna nang naisulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa tweet ni Ruffa para pasinungalingan ang sinabi ni Shaina sa interview kay Boy.

“To clear the issue: I never started any texting conversation. I challenge anyone to prove otherwise. That chapter in my life has long been over. I’m very happy with my life and my girls now. I sincerely wish both of them well,” saad ni Ruffa.

May isa pang nakakaintrigang tweet si Ruffa na bagama’t hindi siya nagbanggit ng pangalan ay tila patama kay Shaina o kay John Lloyd:

“I warned you not to test my patience and I warned you not to lie. You just did.”

Biro pa ni Ruffa sa sumunod niyang tweet, apektado na raw ang boyfriend niya ngayon sa kontrobersiya:

“Nalulurky na yung tunay kong papa! Galit na!”

Bagama’t hindi pinangalanan ni Ruffa, ay sinabi naman sa TV Patrol na ito ay ang rumored boyfriend niyang si Eduardo Puertas.

Samantala, sa pag-alis ni Shaina papuntang Amerika, umaasa ang aktres na mauunawaan ng lahat kung ano ang tunay niyang pinagdaraanan sa kabuuan ng iniwan niyang panayam para sa The Buzz.

PEP.ph

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Ruffa Gutierrez on John Lloyd-Shaina controversy: “For me this is a non-issue as in ang cheap-cheap. Ka-cheap-an talaga.”"

Leave a Reply

%d bloggers like this: