FINALLY!!! Better late than never! Malacanang Palace confirms Dolphy’s nomination for National Artist Award

 

I can only blame Gloria Macapagal Arroyo for this delay.  But there’s no sense in crying over spilled milk.  Dolphy is a National Artist with or without the formal award.

I was hoping that the award could be given to our very own Dolphy before time ran out but it didn’t happen that way.  Now, we can only hope to post-humusly give Dolphy the honor of being a National Artist.

 

According to  PEP.ph:

Maaari pa ring mabigyan ng National Artist award ang namayapang Comedy King na si Dolphy, ayon sa statement na ibinigay ng Malacañang ngayong araw, July 12.

Ito ay kung makakapasa ang komedyante sa screening na isinasagawa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa ngayon, para sa mga taong mabibigyan ng National Artist award sa taong ito.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, kinumpirma ng Palasyo na kasama si Dolphy sa mga nominado para sa mataas na karangalan.

Narito ang pahayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, “I understand Undersecretary [Manolo] Quezon spoke to them last week and ang sabi po ng NCCA is that Dolphy has been deemed nominated for the National Artist award. They will be receiving other nominations.

“The NCCA has gotten clearance from the Office of the Solicitor General to proceed with the screening and the vetting of nominees for National Artist for 2012.”

Ngunit hanggang dito lang muna ang maaaring sabihin ng Palasyo dahil ayaw nitong maimpluwensiyahan ang desisyon ng NCCA.

“Obviously, the President thinks very highly of Mang Dolphy. However, we have stated in the past [that] we do not want to politicize the process. We do not want to make any prejudgments, and magsasalita na lang po tayo kapag nakapagbigay na po ng shortlist ang NCCA for the award,” ayon pa kay Valte.

Ayon sa batas, isang beses sa tatlong taon lamang maaring magbigay ng National Artist award.

Matatandaan ding nagkaroon ng kontrobersiya sa awards noong 2009, nang maghain ng temporary restraining order ang Supreme Court para pigilan ang pagbibigay ng award kina Carlo J. Caparas, Cecile Guidote-Alvarez, Francisco Mañosa, at Pitoy Moreno. Ayon sa mga protesta, ang mga pangalang ito raw ay idinagdag lamang ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

PREVIOUS NOMINATION. Bago ang statement ng Palasyo, may mga lumabas namang balita na na-nominate na si Dolphy para sa National Artist noong 2009, ngunit hindi ito lumusot sa screening.

Ito ay kinumpirma ni Cecile Guidote-Alvarez sa isang panayam sa radio station na DZMM noong July 5.

Ayon kay Guidote-Alvarez, isang dating opisyal umano ng CulturalCenterof the Philippines (CCP) ang pumigil sa nominasyon ng Comedy King.

Ang tinukoy niya ay si Dr. Nicanor Tiongson, isang film professor sa University of the Philippines na dating naging presidente ng CCP at chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Pahayag ni Guidote-Alvarez, ang pagpigil umano ni Tiongson sa nominasyon kay Dolphy ay dahil sa pagganap nito sa ilan niyang mga pelikula bilang bakla.

Executive director ng NCCA si Guidote-Alvarez noong 2009, kaya’t co-chair siya sa ng National Artist Awards Selection Committee noong taong iyon.

TIONGSON ANSWERS. Sinagot naman ni Tiongson ang mga akusasyon ni Guidote-Alvarez sa isang letter to the editor na nailathala sa Philippine Daily Inquirer noong July 8.

Ayon sa film professor at kritiko, “disturbed” daw siya sa mga sinabi ni Guidote-Alvarez, na umano’y “selective and misleading.”

Dagdag pa niya, imposible raw na impluwensiyahan na isang tao ang lahat ng kasama sa screening process para lamang matanggal ang pangalan ng isang nominado.

Binubuo raw ang screening council ng 20 tao na galing sa iba’t-ibang disiplina.

Ipinaliwanag din ni Tiongson ang kanyang statement tungkol sa mga role ni Dolphy, para linawin ito.

Ayon sa kanya, ang pag-aakusang ito ng dating NCCA official ay paglabag sa confidentiality agreement ng screening committee.

Pagsasaad pa ni Tiongson, “At the second meeting of the experts, I did express reservations about Dolphy as National Artist because I believed that the two icons he created for film and TV—the screaming gay and the happy-go-lucky poor man—have, in the majority of his movies, equated gayness with abnormality and mindless frivolity on the one hand, and romanticized or deodorized poverty on the other.

“As a participant in the selection process, I thought it was my right and duty to express this opinion, just as others in the group had every right to express theirs, all toward helping the peers make an enlightened evaluation of the candidate. (The opinion I expressed in no way diminishes my continuing admiration and respect for Dolphy as a most talented comedian and a very kind human being.)”

Itinuon din niya ang pansin sa paglitaw ni Guidote-Alvarez ngayon. Tanong niya, ito ba ay para pagtakpan ang nangyaring kontrobersiya sa National Artist awards noong 2009, kung saan nominado rin si Guidote-Alvarez kahit parte siya ng screening committe?

“My comments on Dolphy were made in 2009. Why are they being exhumed now? Why is my name being dragged into the controversy? Am I being turned into a scapegoat to cover up for the scandalous dagdag-bawas that led to the suspension of the awards in 2009? Is this a ploy by some people to regain face and credibility, by riding on the emotionally charged and media-magnet issue of a National Artist Award for the ailing and hugely popular comedian?”

Is there a way to FAST-TRACK this process for crying out loud?

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "FINALLY!!! Better late than never! Malacanang Palace confirms Dolphy’s nomination for National Artist Award"

Leave a Reply

%d bloggers like this: