Angeline Quinto plays a Bagobo in her first ‘MMK’

Sasabak na ang Pop Superstar na si Angeline Quinto sa kauna-unahan niyang episode sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Agosto 11).

Bibigyang buhay niya ang karakter ni Carina, isang katutubong Bagobo na iibig sa isang makisig na Ilonggo na si Ariel (gagampanan ni Jason Abalos). Bukod sa pang-aalipusta at pagtutol sa relasyon nila ng pamilya ni Ariel, naging malaking balakid rin sa pag-iibigan nila ang magkaiba nilang kultura. Sapat nga ba ang wagas na pagmamahal upang pagbuklurin ang dalawang pusong may saliwaang paniniwala at kagawian?

Kasama nina Angeline at Jason sa “MMK” episode sina Alex Castro, Arie Reyes, Tanya Gomez, Bing Davao, Eva Darren, Tom Olivar, Isabel Lopez, Girlie Alcantara, at Izzy CaniIlo. Itatampok rin dito ang acting debut ng Pinoy Big Brother Teen Editon 4 ex-housemates na sina Alec Dungo at Roy Requejo.

Samantala, ang first movie ni Angeline na “Born to Love You,” kung saan kasama niya ang Coco Martin, ay nasa original DVDs at VCDs na at mabibili sa video stores at record bars sa buong bansa.

Huwag palampasin ang natatanging pagganap ni Angeline’ sa episode na bahagi ng selebrasyon ng World Indigenous Day sa “Maalaala Mo Kaya” (MMK), ngayong Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

via ABS-CBN.com

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Angeline Quinto plays a Bagobo in her first ‘MMK’"

Leave a Reply

%d bloggers like this: