John Lloyd Cruz on his relationship with girlfriend Angelica Panganiban.. Do you think it’s just a rebound?

Ngayong out in the open na ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, asahang lalo lamang titindi ang curiosity ng mga tao tungkol sa kanila. Subalit tila desidido ang aktor na kahit paano ay bigyan ng privacy ang kanilang relasyon.

Sa press conference ng teleseryeng A Beautiful Affair noong Linggo, October 28, sinabi ni John Lloyd na hindi naman nila itinatanggi ang kanilang relasyon at sa katunayan nga ay nakikita naman sila ng mga tao na magkasama kapag sila’y lumalabas.

“Pero para pag-usapan pa at bigyan pa ng detalye ang aming relasyon at aming mga plano siguro it’s something na gusto namin sa amin na lang,” ani John Lloyd.

Ilang araw bago ang opisyal na pag-amin ni John Lloyd, una nang nagbulgar si direk Dante Nico “Ga” Garcia sa totoong namamagitan sa dalawa. Malapit na kaibigan at naging director ni Angelica si direk Dante sa kanyang upcoming indie film.

Sa isang recent press conference ay ipinakita ni Direk ang video ng magkasintahan kung saan may declaration of love si John Lloyd kay Angelica. Nang kunin ang reaksyon ni Lloydy tungkol dito, anang aktor, “Actually, hindi ko pa alam kung ano ‘yung video na nakita n’yo pero wala namang ano sa amin ‘yon. We’re good friends with Ga. Sobrang close nilang dalawa [ni Angelica]. Hindi naman ‘yon nagko-cause ng harm, danger sa amin individually as actors. Parang naging ganon na lang pero parang between barkada lang ‘yon and naging ganon.”

Nang tanungin siya kung bakit pinayagan niya si Ga na maipakita sa media ang video, tugon ng aktor, “Mas maganda kung makausap ko muna si Ga kung ano ang mga ikinuwento niya.”

Tinanong din si John Lloyd hinggil sa kantang ikinompose ni Angelica para sa kanya na may pamagat na “Barcelona” na nilikha niya noong nasa Spain siya. Ayon sa binata, very flattered siya sa ginawa ng girlfriend para sa kanya. “First time nating magawan ng kanta at ‘yan ang sinasabi ko. Naiilang ako pag pinag-uusapan dahil medyo mahiyain po tayo,” nangingiting lahad ni John Lloyd. “Hindi naman normal na gawan ka ng kanta.”

Samantala, ang teleseryeng A Beautiful Affair ay ang balik-tambalan nina John Lloyd at Bea Alonzo na mapapanood gabi-gabi sa primetime bida.

via Push.com.ph

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "John Lloyd Cruz on his relationship with girlfriend Angelica Panganiban.. Do you think it’s just a rebound?"

Leave a Reply

%d bloggers like this: