Anne Curtis and Marianna del Rio reportedly snubbed each other in “Entertainment Live!”
Nag-isnaban diumano kahapon, April 26, sa studio ng Entertainment Live! sina Anne Curtis at Marianna del Rio.
Parehong guests sina Anne at Marianna sa naturang showbiz talk show ng ABS-CBN, na hinu-host nina Toni Gonzaga, Luis Manzano, Biana Gonzales, at Mariel Rodriguez. Nandun si Anne with Aga Muhlach para sa promo ng pelikula nilang When Love Begins under Star Cinema na ipalalabas na sa April 30. Si Marianna naman ay nag-promote ng TV series na Kapitan Boom, na pinagbibidahan nina Jon Avila at Jay-R Siaboc at nag-pilot telecast kahapon sa ABS-CBN.
Ayon sa aming source na nakasaksi ng pangyayari, kitang-kita niya kung paanong hindi nagpansinan sina Anne at Marianna sa studio ng Entertainment Live! gayung limang hakbang lamang daw ang kanilang pagitan.
Si Anne ang nababalitang girlfriend ngayon ni Sam Milby, habang si Marianna naman ay nakilala ni Sam nung hindi pa pumapasok ang Brazilian model sa showbiz.
Sa huling pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sam, itinanggi niya ang balita na nagkaroon sila ng relasyon ni Marianna. Ikinuwento rin niya kung paano sila nagkakilala.
Model daw noon si Marianna sa fashion show ng Bench sa ASAP na ginanap sa Aliw Theater last year. Lumapit daw kay Sam ang Brazilian model at nagpakilala sa kanya.
“Yeah, actually they were like few who want to take pictures with me. ‘Tapos she keeps on talking to me. We never dated. Never close. Nothing ever, nothing…[it's] like simple flirting,” tila nabiglang sabi noon ni Sam sa amin.
Sinubukan naming kunin ang reaksiyon ni Marianna sa isyu sa kanila ni Sam, pero tumangging magsalita ang model na nadawit din sa isyu ng hiwalayan nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.
“There’s nothing that I like to say. We’re working with the same channel, we work with Star Magic, you know. Kapamilya tayo so we cannot fight,” sabi ni Marianna.
Nang tinanong naman namin sa kanya si Anne, sinabi niya na lagi niyang pinapanood ang young actress sa huling teleserye nito na Maging Sino Ka Man, kung saan kasama rin si Sam.
“I don’t want to fight with her,” sabi ni Marianna tungkol kay Anne.
Sa last presscon naman ng movie ni Anne with Aga na When Love Begins, itinanggi ni Anne na nagalit siya kay Marianna.
“I’ve never met her but, of course, I know her,” sabi ni Anne.
Ikinuwento raw sa kanya ni Sam kung paano sila nagkakilala ni Marianna.
“Of course, alam ko naman yun. Pero syempre, that’s Sam’s business na. Ayokong makialam, di ba? Wala naman sa akin ‘yon. Sabi ko, ‘Okay. Thanks for telling me.’ Hindi naman ako nasaktan kasi nung time naman nangyari yun, wala pa ako So, it’s none of my business na,” lahad pa ni Anne.
Pagkatapos ng insidente sa Entertainment Live! kahaponm tiyak na lalaki pa ang isyu kina Anne at Marianna dahil nakumpirma na may tension talaga na namamagitan sa dalawang dalaga na nauugnay kay Sam.
Source: PEP




