Chizmizan with Chuva » Derek Ramsey

Mama Knows Best: A Celebrity Special

rafael_rosell_rica_peralejo_derek_ramsey.JPG

For all the liberal attitudes of kids these days, there will always be that one person who can make all the freewheeling partying and socializing disappear. Her “been-there, done-that” lectures have always been a complete sellout, and her look of utmost seriousness could make even the most celebrated social butterflies go home in an instant.

A mother—the only person who can pull off a totalitarian regime with only a smile in her arsenal, and who rightfully owns lifetime bragging rights for her kids’ achievements—will always have a special place in our hearts. Her sweet, gentle ways of making those around her feel loved and cared for entitle her as “The Sassiest Woman in Town.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 51% [?]

Derek Ramsay supports Judy Ann Santos’s “Ploning”

derek_ramsey.JPG

Supporting peers is a great asset most specially if you know that they do try their best to make it good in the industry. They are all actors and Judy Ann worked hard to get where she is now. She deserves her peer’s support. I agree with Derek, professionalism comes first.

Natiyempuhan ng PEP si Derek Ramsay sa Time Zone 5th Celebrity Open kahapon sa Trinoma Mall. Nalaman naming kararating lang nila ng girlfriend na si Angelica Panganiban mula sa Korea kunsaan sumali siya sa isang Frisbee competition. Dumating sila sa Pinas ng 1 a.m. at halos wala pa raw silang pahinga. Commitment na nga lang daw niya ang pagsali sa Time Zone Celeb Challenge.


Read the rest of this entry »

Popularity: 42% [?]

Derek Ramsey bids goodbye to “Ysabella,” welcomes “Maging Sino Ka Man”

derek_ramsey.JPG

His sexy looks and beautiful smile probably helps with his opportunities as an actore. I like Derek Ramsay, although I haven’t seen him act in any film or TV show. I should check out MSKM so I can see for myself. All I know is that he’s hot! ;)

- Chuva Chienes

Kakaiba ang sexy actor na si Derek Ramsey. Kung ang ibang artists ng ABS-CBN ay limitado sa isang teleserye lang ang regular exposure, siya naman ay nag-overlap na ang ilang huling linggo ng Ysabella, na halos kasunod lamang ng Maging Sino Ka Man (MSKM), kung saan kasama rin siya sa mga bida.

“I thought my scenes in Maging Sino Ka Man would come in later, but it just went on. So, I guess there’s no one to blame. Maybe, gusto na talaga nilang mapanood din ako sa MSKM, and there’s no other recourse than to do that.


Read the rest of this entry »

Popularity: 5% [?]

Judy Ann Santos talks about her projects for 2008

juday.jpg

She is a busy bee isn’t she? She has been compared to the stardom that Miss Mega held when she was her age but I think it’s still miles away from Mega Sharon. Juday does have the appeal but I think she is a bit more vocal than Sharon. Although, Mega has endorsed Juday all the way so who knows??

- Chuva Chienes

Si Derek Ramsey at hindi ang boyfriend niya na si Ryan Agoncillo ang leading man ni Judy Ann Santos sa susunod niyang soap opera sa ABS-CBN, ang Habang May Buhay. Sabi ni Juday, January next year na sila magsisimulang mag-taping, pero sa last quarter ng 2008 pa raw ang airing nito.

Hindi pa sigurado kung sino pa ang ibang makakasama ni Judy Ann sa cast. Ang tiyak lang daw niya ay si Jeffrey Jeturian ang magdidirek nito.


Read the rest of this entry »

Popularity: 17% [?]

Derek Ramsey will compete in Asian Ultimate Frisbee, postpones knee operation

derek_ramsey.JPG

Isang challenge para Derek Ramsey na gampanan ang isang pobreng karakter sa Maging Sino Ka Man (Ang Pagbabalik) samantalang nakilala siya bilang isang mayaman na chef sa TV series na Ysabella. Kung kaya’t maraming nagtanong kay Derek noong presscon ng Maging Sino Ka Man Book 2 kung papaano nito gagampanan ang kanyang role bilang Joaquin na malayo sa katauhan ni Chef Mito sa Ysabella na ongoing pa rin hanggang Pebrero 2008.

“Mahirap ako dito [sa Maging Sino Ka Man],” pambungad ng aktor sa panayam sa kanya. “Ang challenge sa akin dito, the whole Chef Mito, tatanggalin ko sa mga mata ng mga tao. That’s my biggest challenge kasi everywhere I go, Chef Mito ang tawag sa akin.”

Sa ngayon, malaki ang pagpapasalamat ang aktor dahil natapos na nilang i-tape ang buong istorya ng Ysabella. Kung hindi ay mahihirapan itong gampanan nang sabay ang dalawang karakter.

“Ang hirap siguro pagsabayin ang dalawang karakter, one day ang Mito, one day ang Joaquin. At dahil tapos na nga ang taping sa Ysabella, I will have time, ‘yong mga mannerism ni Mito, matatanggal ko na sa sistema ko and start anew.”

JOHN LLOYD MOOD. Naging running joke na sa showbiz ang sinasabing “John Lloyd mood,” isang pag-ugali ng aktor na tatahimik lang ito sa isang sulok sa buong shooting para ‘di ito ma-distract sa pag-internalize ng kanyang karakter. Ini-apply din kaya ng aktor ang nasabing “mood” para agad maalis ang kanyang karakter bilang Mito at gagampanan ang bagong karakter na Joaquin?

“Alam mo hindi siya mood, e, it’s actually a good method especially kung mabigat ang eksena. For you to just stay by yourself and internalize and think about what you have to do, doon sa eksena kasi, at the end of the scene, mag-isa siya.”
Read the rest of this entry »

Popularity: 8% [?]

Derek Ramsey on girlfriend Angelica Panganiban: “She’s my inspiration now.”

 

derek_angie1.jpg

Bagong pasok sa cast ng teleseryeng Maging Sino Ka Man Book 2 ng ABS-CBN ang character ni Derek Ramsey. Siya ang gaganap na Joaquin delos Santos at makakatambal niya ang real-life girlfriend na si Angelica Panganiban.

Masarap kausap ang binata dahil very candid at straightforward itong sumagot sa mga tanong at intrigang ibinabato sa kanya. Walang kiyeme, kumbaga.

Ang unang tanong ng PEP (Philippine Enetrtainment Portal) sa kanya during the presscon of ABS-CBN’s upcoming TV series last night—November 28—sa Plaza Ibarra, Timog, ay tungkol sa pagsasama nila ni Angel sa isang proyektong pang-telebisyon. How does it feel na makakatrabaho mo si Angel (ang tawag ni Derek kay Angelica)?

“We’ve worked together sa Ysabella ni Angel. Excited uli ako working with her dito. Ever since, bilib na ako kay Angel as an actress, especially noong mapanood ko siya sa movie na A Love Story. She’s really good and great actress. I’m also looking forward working with new people. This is such a wonderful cast, and I’m so proud to be part of this teleserye,” bungad ni Derek.
Read the rest of this entry »

Popularity: 9% [?]

Angelica Panganiban on boyfriend Derek Ramsey: “He’s almost perfect and he treats me like a princess.”

panganiban.JPG

Tiyak na magmamarka ang role ng young actress na si Angelica Panganiban
sa Book 2 ng isa sa pinakamalaki at award-winning teleserye ng ABS-CBN,
ang Maging Sino Ka Man.
Ginagampanan niya rito ang character ni Maria Lena Rubio Madrigal, ang
“jologs at lukaret” na anak ni Rosanna Roces. Kapatid niya sa ama si
Bea Alozno at mai-involve din siya rito kay John Lloyd Cruz.

Makakatambal din ni Angelica sa naturang serye ang kanyang real-life
boyfriend na si Derek Ramsey kaya’t tiyak na mas lalong lalalim pa ang
kanilang samahan dahil lagi silang magkasama sa taping. Tanong tuloy ng
entertainment press kay Angelica sa presscon ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik kagabi, November 27, ay kung gaya nina Anne Curtis at Sam Milby ay magkakaroon din sila ng kissing scenes at love scenes dito.

“Naku, marami kaming kissing scenes dito ni Derek na dapat abangan!
Kayo ang mananawa sa dami ng kissing scenes namin at may love scenes
din kami!” natatawang sabi ni Angelica.

Nakunan na ba ang mga eksenang ‘yon? May kaba ba sa kanilang dalawa?


Read the rest of this entry »

Popularity: 14% [?]

Derek Ramsey will celebrate Christmas with his family

derek_r.JPG

Nagpaplano si Derek Ramsay na paoperahan ang kanyang kanang paa, na naaksidente sa huling sinalihang sports, sa darating na Disyembre or early next year.

Pina-block-off na raw niya ang schedule para sa operasyon niya sa Makati Medical Center. Pero hindi raw ito nangangahulugan na titigil na siya sa mga nakahiligang sports.

“When I was a kid, ang Daddy ko tinapon lang ako sa swimming pool para mag-swimming. Hindi ako may parents na kapag nalaglag, laging may nakabantay sa bata. My Dad wants me to learn. If I fall down, I’ll learn from it. Ang pinaka-recent itong fingers ko. I broke it a week and a half ago,” bungad ni Derek sa presscon ng One More Chance under Star Cinema, na ipapalabas on Wednesday, November 14.

Hindi ba natra-trauma ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban sa mga aksidenteng inaabot niya?



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

“I think nasasanay na siya. Nasasanay na siya kasi everytime I see her of, ah, nasugatan ako, kumakamot na lang ng ulo. Like my parents also, kumakamot na lang ng ulo…Tinahi ako dito. ‘Etong mata ko nalaglag na ‘yan dati. Sinisipa-sipa pa ako nung araw sa rugby ng spike ng sapatos… Pero sana alagaaan niya ako habang nakahiga ako sa ospital.”

CHRISTMAS PLANS. Pasko na rin next month. Ano ang plano nila ni Angelica?

“Hindi ko pa alam. Hindi ko pa nga alam ang plano ng Dad ko, e.”

Malamang ay sa Tagaytay raw magpa-Pasko ang 27-year-old actor kasama ang kanyang pamilya. Inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal), inimbita ba niya si Angelica for Christmas sa kanila?

“Of course, iimbitahan ko siya sa Tagaytay but not on Christmas day. Kasi Christmas day, kailangan sa family niya. Bisita ako, bisita siya. But during Christmas kasi sa amin, we still celebrate Santa Claus.

“My Dad dresses up as Santa Claus. Three o’clock in the morning habang tulog na kaming lahat, maglalagay siya ng gifts niya para sa amin. Naiba lang siguro, dati stockings, ngayon pillow case. Last year ang binigay sa akin is digital na SLR na camera.”

Ano naman ang kahilingan niya ngayong Pasko?

“Wala pa,” ang sabi ni Derek. “Kasi kung ano yung sinusulat namin para kay Santa Claus, yun ang regalong gusto namin. Pero ang regalo ng parents ko sa akin, iba pa ‘yon. Ang regalo ng parents namin para sa amin, ilalagay sa ilalim ng puno. And then, under the tree, that’s where we exchange gifts. Pero ang gusto talaga ng mga bata, yun yung mga sinusulat namin.”

Hindi pa masyadong napag-isipan ni Derek kung ano ang hihilingin niya kay Santa Claus. Pero baka isang bagong wakeboard worth P25,000, plus another P25,000 para naman sa sapatos.

LIVE-IN RUMORS. Nabanggit din ni Derek na wala pa sa plano nila ni Angelica ang magpakasal. Although, may mga usap-usapan na nagli-live in na sila.

“Hindi pa. She has her place, I have my place.”

But most of the time nasa place ba siya ni Angelica?

“Hindi nga kami masyadong nagkikita because of work. So, yung isyu na lumitaw na naging PA ko lang siya. Hindi totoo yun kasi ang effort namin sa relationship, kapag may trabaho ako at siya wala, bisita siya. Kung may trabaho siya at ako wala, pupunta ako. That’s the only way we can make it work.”

SEX-VIDEO ISSUE. Parehong silang busy kaya lalong walang time na makabuo ng isang sex video, gaya ng napabalita.

“Wala,” nakangiting sagot ni Derek. “Mukha ba ‘kong Chinese? Maputi yung guy at ang laki ng tattoo ko sa likod. I’m not defending myself but it’s so obvious naman na hindi ako yun.”

Napanood na raw ni Angelica ang sinasabing diumano’y sex video nila. Siya kaya?

“Natawa lang ako. Actually, hindi ko ano, hindi ko hinanap even though I knew about it already kasi alam ko kung ano ang totoo.”

Sinabi niyang isang kaibigan ang nagsabi sa kanya tungkol dito. Ano ang reaksyon ni Angelica?

“Ganun din. But I was a bit concerned para kay Angelica kasi, you know, the worst end is the girl here, e.”

Dagdag pa niya, “You know, what’s the point of denying kung kayo talaga, e, kitang-kita naman kayo ‘di ba? Uhm, you’re just making yourself even worse. May sex video ka na, sinungaling ka pa. So…pero like what I said, you learn from the mistakes of others. Marami na ang nasunog d’yan sa paggagawa ng sex video o kung anuman ang nilalagay sa cellphone, so the best thing to do is huwag gumawa ng ganun.”

So, hindi pa niya na-try gumawa ng sex video?

“Hindi ko pa nasubukan ang ganyan. Kahit sa ibang babae. I mean, bakit mo kailangang i-document? If you want to be safe gumamit ka na lang ng salamin kung gusto mo talagang panoorin ang sarili mo ‘di ba? Gumamit ka na lang ng mirror.”

Pero nakapanood na siya?

“I’ll be the first one to admit. Yeah, I’ve watched ever since I was in high school going to puberty. Sinungaling ka kung hindi ka nakapanood ng some sex video.”

Source: PEP

Popularity: 9% [?]

Derek Ramsey acts as mentor to Joross Gamboa’s painting hobby

derek_joross.jpg

Natatawang ikinuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng sexy actor na si Derek Ramsey na, in a way, tila naging mentor siya ng young actor na si Joross Gamboa sa bagong hilig nito na painting. Nahihilig daw kasi ngayon ang young actor sa pagpe-paint, na napag-alaman namin na influence din ng non-showbiz girlfriend nito who’s also into painting at ng mother niya na mahusay rin sa pagpipinta.Kuwento ni Derek, “Wow! ‘Yang si Joross, one time, nagpunta ‘yan sa bahay. Akala ko, magba-basketball kami. Bigla ko na lang nakita, meron siyang dalang mga gamit pang-painting. Kumpleto, may ilaw, lahat ng mga bago niyang brush, bago niyang paint. Meron na siyang sketch at magpapaturo kung paano raw mag-blend ng color.

“So, tinuruan ko siya! Nag-painting session kami. Sa painting session namin na ‘yon… Itanong n’yo kay Joross, sumakit ang ulo niya! Nag-give-up talaga siya, mga dalawang painting. E, di ba, sa painting makikita mo ang emosyon ng tao? So, tinuruan ko siya ng iba’t ibang techniques and how to blend the color.

Dagdag pa niya, “Ngayon, nakaka-limang painting na raw siya at ang bilis na niyang mag-paint. Magaling na artist si Joross, nakikita ko. Pero sabi ko rin sa kanya, iba ang painting sa paper at sa canvass. Kasi meron pa siyang technical eraser. Kaya sabi ko, ‘Hindi mo kailangan ‘yan.’”



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Aside from being sports-minded, Derek is also into painting. Pero wala rin daw siyang formal schooling sa painting niya.

“I paint but not regularly now because painting takes a lot of time,” sabi ni Derek. “But, yeah, I enjoy painting. I love to paint. Pero hilig ko lang talaga siya. Hindi ko nga nilalagyan ng pangalan kapag nakakatapos ako ng painting. It just refreshes me.”

Kasama si Derek sa soap opera na Ysabella na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Source: PEP

Popularity: 13% [?]

Derek Ramsey shrugs off comparison with Piolo Pascual and Sam Milby

 

Derek Ramsey inked a four-picture contract deal with Star Cinema last night, October 9, at the office of ABS-CBN’s film arm.

Ayon sa model-actor derekramsey4.jpg after the contract signing, walang definite na taon ang kontrata niya sa Star Cinema, pero malalaking pelikula raw ang nakalinyang gawin niya.

“Exclusive na ako sa Star Cinema. I’m going to do three movies with them… Kasama ko sina John Lloyd [Cruz] and Bea [Alonzo], kami ni Judy Ann [Santos], and then kasama rin ako sa 12th of August na ang laki ng cast dun, and then kami ni Angelica. Una, three movies muna pero apat ang naka-lineup sa akin,” pagbibigay-impormasyon ni Derek sa kanyang mga pelikulang gagawin.

Kumpirmado rin na si Derek na ang kapalit ni Luis Manzano sa teleseryeng Weddings kasama sina Anne Curtis at Zanjoe Marudo.

Sa sunud-sunod na mga projects na ginagawa ni Derek sa ABS-CBN at apat na malalaking pelikula na gagawin niya sa Star Cinema, hindi maiiwasang isipin ng iba na isa raw yata sa favorites ng Kapamilya network ang hunky actor.

“Siguro nakikita nila na ibinibigay ko talaga ang lahat ko in each project that I got, whether big or small talagang ibinibigay ko ang effort ko,” rason ni Derek.

SAM & PIOLO. Halos pareho sina Derek at Sam Milby ng career path na tinatahak ngayon. Pareho kasi silang pang-leading man material at Inglesero. Pero kung namayagpag ang career ni Sam before, mukhang ngayon ay lamang at mas mainit sa kanya si Derek.

“Si Sam, nandito na ‘yon,” sabi ni Derek. “Marami na siyang nagawa kesa sa akin, marami na siyang nagawang movies na kumita, hit ang soap niya. I think he’s an exemption. Accepted siya ng mga tao, mayroon siyang hila. Hindi ko puwedeng i-compare ang sarili ko kay Sam, wala pa ko dun.”

Hinuhulaan rin na sa ganda ng itinatakbo ng career ni Derek ay maaari niyang sundan ang mga yapak ni Piolo Pascual. Pero ayon kay Derek, malayo na ang narating ni Piolo at hindi sila puwedeng pagkumparahing dalawa.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Ayon sa kanya, “Piolo Pascual is Piolo Pascual, ma-compare lang ako sa kanya is something already. Maganda yung feeling, excited, pero ayokong i-rush. Gusto ko take one step at a time. Heto may movies nga ako na parating kailangan maganda ang performance ko dun, para maganda yung outcome ng movie at maganda rin ang outcome ng career ko.

“Ayokong mag-rush, ayokong mag-assume dun ang papunta ko. I wanna make sure one step at a time na gagawin ko ito para one day, even half of the level of Piolo, makarating ako. Okay na ako doon. Hindi ko plinano ito, but I’m very happy that it’s turning of like this.”

Sa magandang itinatakbo ng career ngayon ni Derek, masasabi niya kaya na malaking tulong ang naibigay sa kanya ng pagiging leading man ni Judy Ann sa Ysabella?

“Of course, I will give a lot of credit to Judy Ann,” sagot ng hunky actor. “She’s a star, she could make it really difficult for me, pero hindi, e. Pag nandun kami sa harap ng kamera, pantay lang kami; pareho lang kami nandito, gumagawa ng trabaho. A big part of that why naging successful ang pagka-deliver ko ng role ni Mito dahil kumportable akong umarte sa harapan niya.”

Source:PEP

Popularity: 10% [?]

Derek Ramsey explains Angelica Panganiban’s sudden exit from “Ysabella”

angelica_derek.JPG

Last Saturday, October 6, sa pre-final week ng U Can Dance Ver. 2 ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga host ng show na si Derek Ramsay. Natatawa nga ito at nagbibirong sa final week daw nila, next Saturday, October 14, mapapanood na naman siyang sumayaw, along with his co-host Iya Villania.

Dinadaan na lang ni Derek sa biro na sa gagawin niyang pagsasayaw sa final episode ay malamang daw na wala pang 30 minutes ang gagawin niyang pagre-rehearse. Pero sabay-bawi na sinabing siguro ilang araw ang kailangan niya for rehearsal dahil aminado siyang pinag-aaralan pa rin niya ang dancing.

Samantala, tinanong na rin ng PEP si Derek tungkol sa biglaang pagkawala ng kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban sa primetime series na Ysabella, na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

“Yung role naman ni Angelica sa Ysabella is that…she was really just a guest and she’s not naman really a main character,” paglilinaw ng sexy model-actor. “Her character came in… Sabi nga, ang dami ngang nag-react. But I always tell her na kung nakuha mo ang reaction na ‘yon, yun naman talaga ang description ng character mo.

“At kung nagre-react man sila, it means you did your job very well. So, ‘yon. Her character was just supposed to come in… Ako kasi, aalis talaga ako ng seven weeks, so ginawan nila ng side story para may maisingit sila every now and then,” paliwanag ni Derek.

Ano naman ang naging reaction ni Angelica sa pangyayari? Sa pagkawala niya kasi sa Ysabella, may mga lumalabas na usap-usapan na dahil daw ito sa protesta ng ilang mga viewers or fans na hindi nagustuhan ang pagpasok ng character ng young actress sa soap.

“With her head held high,” mabilis na sagot ni Derek. “Actually, it was even her who first admitted na maganda ang chemistry namin ni Judy Ann, that of Mitos and Ysabella. Pero hanggang doon lang ‘yon, di ba?

“But Judy Ann and I, we’re good friends outside of work. Sa trabaho, siguro nagre-reflect dahil magkaibigan kami at madali kaming magkatrabaho. So, si Angel, she’s the person to admit na maganda ang chemistry namin.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

“Hindi naman siya naapektuhan kasi marami rin naman ang nagsasabi na mas maganda ang ginawa niya,” patuloy ni Angelica. “Marami rin ang nagsasabi na ang cute namin doon, may nagsasabi rin na mas cute sina Mitos at Isay, so iba-iba talaga. Wala naman talagang everybody will say na okay sa isang bagay lahat.”

Dagdag pa ni Derek, hindi niya iniisip na kaya may mga protesta sa pagpasok ni Angelica sa Ysabella ay dahil hindi sila tanggap ng mga tao bilang magkasintahan.

“I don’t think so,” sabi ng model-actor. “Ayaw nila yung role niya. Kasi ang ganda na nga ng istorya na na-develop between Mitos and Isay, and the people really got attached to the Mitos and Isay story and that’s why the people are reacting.

“Which is good dahil ibig sabihin, lahat na kaming artista really did our job very well. Kasi ‘yon naman talaga ang aim. Dapat kasi, maiinis sa akin ang mga tao, antipatiko, sosyal…so that’s what happened at first, I got feedback na naiinis sila sa character ko. Pero nang magka-love story na and saw the other side of Mitos, doon naman sila na-fall in love sa Mitos-Isay tandem,” pagtatapos niya.

Source

Popularity: 17% [?]

Derek Ramsey on being Aiza Seguerra’s sperm donor: “Hindi ko yata kaya ‘yon!”

 

derekramsey31.jpg

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa hunky actor na si Derek Ramsey pagkatapos ng dance show niya na U Can Dance last September 8, nabanggit nito kung gaano siya kasaya na nakasama niya sa isang show ang mga co-stars sa ABS-CBN soap opera na Ysabella, lalo ngayon na kasama na rin sa cast ang real-life girlfriend niya na si Angelica Panganiban.

Bukod daw sa mag-sweetheart na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, halos lahat sila sa cast ay barkada ang turingan. “Kahit si Aiza [Seguerra]. Actually, Aiza is one of my favorites,” natutuwang sabi ni Derek.

Mas natawa ito nang tanungin namin siya paano kung siya ang lalaking matipuhan ni Aiza para maging donor ng sperm cell na pupuwedeng magbigay ng anak sa singer-actress. Papayag ba siya kung saka-sakali?

“Actually, napag-usapan namin ‘yan one time,” medyo natitigilan pa niyang pahayag. “Magkakilala kami. Siyempre, kapag nag-donate ka ng sperm cell, hindi puwede na malaman na sa ‘yo pala galing. Secret ang identity ng donor. Ganun ‘yon, e. So, kung sakali at magdo-donate ako, parang weird naman na alam niya or alam ko.”

Tinanong ulit ng PEP si Derek na kung sakali, papayag ba siyang maging ama ng anak ni Aiza by donating his own sperm?

“Hindi ko yata kaya ‘yon!” natatawa niyang sagot.

Source

Popularity: 17% [?]

Derek Ramsey adds dancing to his list of talents

derekramsey2.jpg

Thankful daw ang sexy actor na si Derek Ramsey sa ABS-CBN dahil sa mga projects na ibinibigay sa kanya ng naturang network, especially in acting. Kaya naman hangga’t maaari, sinusuklian niya raw ito ng pinaka-the best na puwede niyang ibigay.

Natatawa nga si Derek Ramsey nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Saturday sa Studio 10 ng ABS-CBN after ng U Can Dance. Bukod daw kasi sa pag-arte at paghu-host ay pinasok na rin daw niya ang pagiging dancer.

“Pangalawang beses ko na actually this season na sumayaw, so dinaan ko na lang sa tingin,” natatawa niyang sabi.

Last Saturday raw ang huling beses na napanood siyang sumayaw sa show na hinu-host nila ni Iya Villania, kung saan ang dance partner niya ay ang girlfriend na si Angelica Panganiban. Pero ayon kay Derek, instead na mas maging relaxed ay mas kinabahan pa raw siya.

“Mas nakakatakot nga, e. Mas kinabahan ako na kasayaw ko siya [Angelica],” natatawang pag-amin niya.

“Noong first time kong sumayaw, okay lang, e. Pero noong second time na siya ang kapareha ko, nakakatakot kasi kailangan maganda. Magaling siyang sumayaw, tapos baka mapahiya siya dahil sa sayaw ko. Buti na lang, okay naman yung resulta ng sayaw namin. Talagang malaking pressure sa akin ‘yon,” kuwento ng hunky actor.

Posible raw na mapanood pa rin siyang sumayaw bago ang finals nila on October 13.

“Siyempre dance show kasi itong show namin kaya kailangan. E, hindi talaga ako dancer!” natatawa pa ring pag-amin niya.

Alam naman daw niya na bilang host ng show, hindi nawawala ang expectation na kailangan niya ring sumayaw.

“Actually, medyo kumportable na rin po ako ngayon. Unlike noong season one na sobra, para talaga kong aatakihin sa puso! Grabe talaga yung kaba ko noon. Now, hindi ko pa rin naman masasabing kumportableng-kumportable na, but at least, I’m a little bit comfortable na rin,” natatawang sabi ni Derek.

RELATIONSHIP WITH ANGELICA. Walang duda kung gaano kasaya si Derek sa piling ng kanyang girlfriend na si Angelica. Nang kamustahin kasi ng PEP kay Derek ang relationship nila ngayon, kitang-kita ang kaligayahan sa mga ngiti pa lang niya pagkabanggit sa pangalan ni Angelica.

“Kita mo ang smile ko?” natatawa niyang sabi. “Simple lang naman kasi ako. Hindi ko naman kailangan ng malaking bahay. Hindi importante sa akin ang mga ganun. Ako kasi, I live one day at a time and she makes me feel good about that.”

Ang girlfriend ba niya ay may ganun din perception sa buhay?

“We enjoy every second of our relationship, so that’s what counts.”

Si Angelica na nga kaya ang huling babae sa buhay niya?

“Well, we enter into a relationship thinking like that,” sabi ni Derek. “We think positively rather than negatively. Pero we know that in life, there are twists and turns that you can’t control. But as of now, I am very, very happy with the way our relationship is going.”

Nangiti si Derek when PEP asked him kung gaano na nga ba sila katagal na magkasintahan ni Angelica.

“Nakakatawa kasi ‘yon. Official, one month,” deklara niya.

“Iyon yung nilagyan ng name. Pero ‘yung knowing, matagal na. Mag-iisang taon na. Alam n’yo kasi yung kailangan ninyong lagyan ng date? Kasi parang when you ask, ‘Ano nga ang anniversary natin?’ Hindi naman pupuwede yung araw na nagkakilala tayo dahil nagkakilala lang naman tayo nun, di ba? So, dapat may special day.

“And without even thinking or planning, it fell on a special number for us. So, parang ‘yon na ‘yon,” natatawa niyang sabi, although he refused to reveal na kung anong number ang tinutukoy niya.

“Sa amin na lang ‘yon,” pakiusap niya.

Masasabi niya ba na sa lahat ng naging girlfriend niya in the past ay si Angelica na yung maituturing niyang pinaka-special ang nararamdaman niya?

“Well, like I said, she makes me feel like I can be myself. Hindi niya ako pinipigilan mag-sport, even though nababali-bali na ang katawan ko. Pinagsasabihan niya ako, pero hindi niya ako pinipigilan.

“And in some relationship I had, I didn’t feel too good about myself. Kaya siguro hindi nag-last. Pero si Angelica, she makes me feel good about myself,” buong ningning niyang pahayag.

Source

Popularity: 16% [?]