December 15, 2007 – 12:11 pm | by Chuva

New face from Star Magic. Wow, I’m impressed. A newcomer with a film entered into the Metro Manila Film Fest is no small feat. I hope he can prove himself. This is a great opportunity and a highly visible one as well. Good luck Arron.
- Chuva Chienes
Kasama ang young actor na si Arron Villaflor sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Katas ng Saudi. Ginagampanan niya ang papel ng isa sa mga anak nina Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino.
Sa ngayon ay sobra ang pagpapasalamat ni Arron dahil muli siyang pinagkatiwalaan ng direktor na si Jose Javier Reyes sa isang markadong papel sa Katas ng Saudi.
“Sobrang blessed ko kay Direk dahil second time na niya akong kinuha at ito na nga, tapos na ang Katas ng Saudi. Sobrang blessed ko kasi nahasa na ako sa mga itinuturo niya, tulad ng mga advices, tips lalo na sa role ko. Nakatulong talaga siya para sa akin,” pahayag ni Arron sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Nagpapasalamat din ang Star Circle Quest graduate dahil hindi siya pinapabayaan ng kanyang home studio, ang ABS-CBN, kahit wala siyang regular show ngayon.
“Kahit marami na kami, pero dahil gusto pa nilang makatulong sa mga iba na nangangarap din na maabot ang puwesto namin… Masaya naman ako dahil hindi kami pinapabayaan ng ABS-CBN dahil ‘yon nga, nagkaroon ako ng Pedro Penduko, Sana’y Maulit Muli, at ngayon, nandito pa rin ako. Nagpapasalamat talaga ako sa ABS-CBN,” pahayag ni Arron, na naging grand champion sa U Can Dance Season 1.
Muling pipirma ng panibagong kontrata si Arron sa Star Magic dahil nagustuhan naman niya ang ginagawang pamamalakad sa kanyang career. Pero paano kung magkainteres sa kanya ang GMA-7 at alukin siyang maging talento nito?
Read the rest of this entry »
arron villaflor gma 7 grand champion jose javier reyes lorna tolentino magic talent manila film festival metro manila film festival pedro penduko philippine entertainment portal star circle questPopularity: 6% [?]