banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Ai-Ai delas Alas wants to make peace with James Yap

aiai_delasalas.JPG

Last Sunday, October 19, inabangan ng mga manonood kung sino ang makakasama nina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez sa The Buzz noong hapon na ‘yon bilang kapalit ng nasuspindeng si Cristy Fermin. At napanood nga ng lahat na si Ai-Ai delas Alas ang naging guest co-host that day.

“Marami naman yata kaming pinagpilian,” ito ang reaksiyon ni Ai-Ai nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set mismo ng The Buzz habang break. “Kanina nabasa ko, ako, si Angel Locsin, si Gretchen Barretto, si… mayroon pang isa… si Charlene Gonzalez.”

Pero siya ang napili…


Read the rest of this entry »

Popularity: 32% [?]

Mocha’s Hershey delas Alas admits admiring groupmate Mocha Uson

mocha_hershey.JPG

Unit-unti nang nakakahinga nang maluwag si Hershey delas Alas, isa sa members ng all-female group na Mocha dahil umuusad na ang kasong libel na isinampa nila kontra sa tabloid na Pinoy Parazzi. Any day daw ay magsisimula na silang mag-hearing. Ayon pa kay Hershey, handa na raw siyang humarap sa korte.

“Ang gusto lang naman po namin ay mabigyan ng leksyon ang ginawa sa aming pambabastos at paglalathala ng mga mapanirang-puring larawan kasama pa ang paglalarawan sa amin bilang lesbians,” pahayag ni Hershey.

Pero nililinaw rin ni Hershey na iginagalang nila ang mga lesbians.


Read the rest of this entry »

Popularity: 32% [?]

Celebrity sighting in MILANO

Bordsssssssssssss!!  Namasyal na ‘ko sa Duomo in Milano last night!  Kasama ko ang ever best friend na si Tasha!!   We had a wonderful time and I have lots of pictures to share!

On the way back, when we got to the hotel - - we had a celebrity sighting!!  Do you all know Solange Knowles?!  YUP - - the sister of the FAMOUS Beyonce Knowles???   We saw her at the hotel last night and shempre dahil chikadora si Tasha… nagpa-picture kami with her!!!!

Bongga di ba?!!  Bukod sa ganda ng tambay namin sa Duomo, the night was topped by this celebrity sighting~!   I will post our pictures later on this evening… kaloka!!

In case you don’t know her, here’s a picture:

solangeknowles.jpg

Popularity: 33% [?]

Boy Abunda explains there’s no problem between Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas

kris_aquino_ai_ai_delasalas_controversy.JPG

Naniniwala at umaasa ang Philippine TV’s “King of Talk” na si Boy Abunda na magkakaayos din ang kapwa niya talent at co-hosts na sina Kris Aquino (sa Boy & Kris) at si Ai-Ai delas Alas (occasionally, at The Buzz). Although, inamin niyang hindi naman daw siya masyadong apektado kapag nagkakaroon ng di pagkakaunawaan ang mga taong malalapit sa kanya.

“Sanay na ako, sanay na ako na mapagitnaan ng mga problemang ganyan. Gaya na lang nina Gretchen [Barretto] at Dawn [Zulueta], Kris at saka si Jobert [Sucaldito] at si Cristenelli [Cristy Fermin].


Read the rest of this entry »

Popularity: 11% [?]

Ai-Ai delas Alas on Pokwang imitating her style: “The more, the merrier!”

ai-ai-delas-alas.JPG

Karaniwan nang senaryo sa showbiz na sa tuwing may bagong susulpot na artista at gagawa ng sarili niyang pangalan ay lagi itong maikukumpara sa kung sino na ang nauna at nakagawa ng sarili na niyang puwesto. Gaya na lamang ng kaso ni Ai-Ai delas Alas, ilang ulit na ring naikumpara ang Comedy Concert Queen sa ilang mga comedienne na bumubuo na rin ng sarili nilang lugar ngayon sa showbiz.

Pinagtatakhan nga lang kung bakit hindi mamatay-matay ang sinasabing away sa pagitan nina Ai-Ai at Pokwang. May bersiyon ng kuwento na ang malamig daw na pakikitungo ni Ai-Ai kay Pokwang ay nag-ugat sa panggagaya ng huli sa pananamit at kahit sa istilo ng pagpapatawa ng Concert Comedy Queen.


Read the rest of this entry »

Popularity: 10% [?]

Ai-Ai delas Alas reacts to her involvement in Kris-James “separation”

kris_aquino3.JPG

Idinetalye sa Entertainment Live kanina, June 28, ang isyung hiwalayan ng TV host/actress na si Kris Aquino sa kanyang mister at basketbolista na si James Yap. Ayon sa report, ginulat ni Kris ang mga malalapit niyang kaibigan at K-Text subscribers sa ipinadala niyang text message noong June 17.


Read the rest of this entry »

Popularity: 37% [?]

Ai-Ai delas Alas and Paolo Contis win top acting honors in 24th Star Awards for Movies

ai-ai-delas-alas.JPG

Matagumpay na naisagawa ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang first televised award-giving ceremony this year na 24th Star Awards for Movies kagabi, June 27, sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo University. Mapapanood ang naturang awards night sa Linggo, June 29, sa ABS-CBN.
Mahigit 25 categories ang pinaglabanan sa 24th Star Awards for Movies para sa mainstream movies at digital films. Out of the 25 categories, 16 ang para sa mainstream movies at siyam sa digital films. Bukod pa rito ang special awards ng PMPC na Darling of the Press award at ang Ulirang Artista Awardee (Lifetime Achievement Award).’


Read the rest of this entry »

Popularity: 25% [?]

Boy Abunda admits Ai-Ai delas Alas “indirectly” involved in Kris-James fight

kris_aquino2.JPG

Nagsalita si Boy Abunda sa napabalitang hiwalayan ng kaibigan at co-host niyang si Kris Aquino at ng asawa nitong si James Yap. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Boy sa launch ng bago niyang product endorsement na “Boy Abunda For All Sexes” ni Joel Cruz ng Aficionado German Perfume na ginanap sa SM San Lazaro kahapon, June 25.

“Hindi totoong hiwalay sina Kris Aquino at James Yap,” pauna ni Boy. “Tatanggapin ko ulit, I mean, ‘Krissy, I’m sorry but I will talk para lamang malinis natin ang mga kuwento-kuwento.’ Nag-away sina Kris at James, pero nung lumabas ang balita, tapos na ang kuwento, nagkabalikan na, at nagbati na.”

Bakit ngayon lang lumabas na nagkahiwalay pala for a while sina Kris at James?


Read the rest of this entry »

Popularity: 33% [?]

Ai-Ai delas Alas feels big pressure in doing sequel of “Ang Tanging Ina”

ai_ai_delas_alas.JPG

Sa laki ng kinita ng Ang Tanging Ina (2003) ng Star Cinema, hindi na pinagtakhan kung bakit may sequel ang nasabing pelikula—Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Ito ay sa direksiyon muli ni Wenn Deramas.

Sa prescon ni Ai-Ai para sa nalalapit niyang show na Tanging Ai-Ai… In Concert na gaganapin sa Zirkoh on August 2, inamin ng comedienne na may pressure para sa kanya ang paggawa ng sequel ng pinagbidahang pelikula.


Read the rest of this entry »

Popularity: 18% [?]

KC Concepcion unmasks her different faces in “I Am KC”

 kc_concepcion.JPG

Ipinalabas sa The Buzz last Sunday, March 16, ang footages ng unang araw ng taping ni KC Concepcion para sa bago niyang programa sa ABS-CBN na I Am KC. It’s a month-long special na magpapakita ng iba’t ibang emosyon at karakter ni KC.

“Generally, meron kaming hiningi from ABS-CBN kung puwedeng mag-birthday offering because yun nga, sayang naman kung wala kaming offering sa audience sa mga tao sa April. Kasi [23rd] birthday ko April 7. So, ang ginawa ng ABS, binigyan kami ng apat na iba’t ibang genre for a Saturday drama. Each weekend for four weeks, starting March 29, may isang drama or comedy or fantasy na magaganap,” pahayag ni KC.


Read the rest of this entry »

Popularity: 17% [?]

Robin Padilla on Ai-Ai delas Alas: “Siya na ang masasabi kong babaeng Dolphy.”

ai_ai_robin_padilla.JPG

As early as 10:00 a.m. yesterday, March 10, nasa press conference na si Robin Padilla para sa first team-up nila ni Ai-Ai delas Alas sa pelikula, ang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy! ng Viva Films. Nauna nilang nakausap ni Ai-Ai ang TV crew ng iba’t ibang talk shows bago ang entertainment press. Kailangan kasing umalis ni Robin nang maaga para sa taping niya ng Joaquin Bordado ng GMA-7. Nagpaalam lang daw siya na mali-late sa taping.


Read the rest of this entry »

Popularity: 20% [?]

Robin Padilla and Ai-Ai delas Alas shoot torrid kissing scene in “Ikaw Pa Rin”

aiai_robin.JPG

On the first shooting day of Ikaw Pa Rin, Robin Padilla and Ai-Ai delas Alas were immediately put on the spot—they had to do a kissing scene together!

PEP (Philippine Entertainment Portal) was on the set of the Viva Films movie Ikaw Pa Rin to talk to Robin and Ai-Ai about the torrid kissing scene that they shot in a residential home located at Vista Valley, Marikina City.


Read the rest of this entry »

Popularity: 9% [?]

Ai-Ai delas Alas advised by lawyer not to to face her son’s alleged assailant yet

aiaidelasalas.JPG

I feel her pain.  A mother, concerned about her child’s well-being.  It’s her son and for crying out loud - it’s hard to watch your child go through something like this and from what?  From insensitive and immature adults who has no conscience.  I am praying for you to Ai Ai.  May you get through this and may your child overcome whatever it is that is bothering him.

- Chuva Chienes 

Nagpakita na diumano ngayong hapon, January 16, sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kahero ng Mini-Stop na sinasabing nambugbog sa anak ni Ai-Ai delas Alas.

Kaninang hapon din diumano nakatakdang tukuyin ng kanyang anak kung ang taong iyon ang nambugbog sa kanya sa Mini-Stop sa P. Noval Street, España, Manila.

Ibig sabihin ba nito ay makikita na niya ng harap-harapan ang taong nanakit sa kanyang panganay na anak?


Read the rest of this entry »

Popularity: 7% [?]

Ai-Ai delas Alas narrates her child’s ordeal in convenience store

aiaidelasalas2.JPG

Malungkot at hindi mapalagay si Ai-Ai delas Alas nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment portal) tungkol sa sinapit ng isa sa kanyang mga anak. Nakausap namin siya noong Biyernes, January 4, sa kanyang AISarap restaurant sa tapat ng ABS-CBN. Inamin ng Comedy Queen na hindi na niya matandaan kung ano ang eksaktong petsa kung kailan naganap ang pananakit sa kanyang anak ng kahero ng convenience store na Mini-Stop.

Kuwento ni Ai-Ai, “Two weeks after na saka nagsabi sa akin ang anak ko na sinuntok siya sa Mini-Stop sa P. Noval [in Sampaloc, Manila]. Mga December 17 ‘yon nung sinabi sa akin ng anak ko. May binili ang anak ko doon. E, nakita ‘ata na may bitbit na dalawang kendi ang anak ko habang papalabas sana para tanungin yung kasama niya sa labas kung ano ang gustong bilhin para sa kanya.

“Nawala siguro ‘yon sa isip ng anak ko na nakapagdala siya ng kendi,” patuloy ng comedienne. “Medyo makakalimutin din kasi ang anak kong ‘yon, e. ‘Tapos bigla na lang nagulat yung bata nung hawakan siya nung mama. Sinalya siya ng kahero at sinuntok siya ng dalawang beses sa tagiliran habang sinasabi na ‘Akin na ang ninakaw mo.’ ‘Tapos si bagets
siguro natulala habang kinakaladkad naman siya papuntang stock room. Doon na sila nag-confrontation.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 7% [?]

More celebrities reveal their New Year’s resolutions

Pagpasok pa lang ng taon ay punumpuno na ng intriga ang showbiz. Positibo man o hindi ang hatid nito para sa mga artista at buong industriya, walang nakababatid. Pero sa pagsisimula ng 2008, magandang malaman ang kani-kanilang New Year’s resolution. Narito ang New Year’s resolution ng ilang celebrities:

KRIS AQUINO: “I read this from Joyce Meyer… This will be my 2008 resolution for whatever comes my way: ‘Forget your problems. Don’t think about them, worry about them, or talk about them. Fellowship with God instead and you’ll enjoy life tremendously.’”

AI-AI DELAS ALAS: “To work hard and mag-ipon hanggang November para pagdating ng December, makaka-concentrate ako to celebrate Christmas na hindi na ako haggard, complete with gift-giving. Makakasimbang gabi ako kasi favorite season namin ng mga bata ang Pasko. Then, parati akong maganda and maayos na lalabas ng house. Parati kasi sabog buhok ko and T-shirt-T-shirt lang. At saka I’ll improve my craft more. Magre-reinvent na naman ako.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 16% [?]

Former President Joseph Estrada plans to do comedy movie

Matapos ang halos mahigit isang dekada ng pagkawala sa industriya, muling nagbabalak si dating President Joseph “Erap” Estrada na gumawa ng pelikula.

Sa radio interview niya sa dzMM radio program na Tambalang Failon at Sanchez, sinabi ng dating pangulo na marahil ay gumawa siya ng pelikula sa movie outfit ng ABS-CBN, ang Star Cinema.

Aniya, “Iyan ang pinag-iisipan ko at number one producer ngayon ang Star Cinema, doon ako, pinag-aaralan kong mabuti na baka ako ay lumabas sa [pelikula].”

Biro pa ni Erap, kaya niya balak magbalik-pelikula ay matagal na siyang walang hanapbuhay. “Oo, dahil wala na akong pera, anim na taon at anim na buwan akong walang income, nakakulong, siguro kailangan kong maghanapbuhay na,” wika ni Erap.


Read the rest of this entry »

Popularity: 4% [?]

Robin Padilla begins taping for “Joaquin Burdado”

robin_padilla.jpg

I am not really fond of Robin Padilla but I LOVE AI-AI de las Alas. I think they can make this work. With the wit of Ai-Ai and the looks of Robin, it may really work! I do like Robin Padilla as a person though. I remember when he visited his brother Rostum at the Big Brother House when he found out his brother is gay. It was touching.

- Chuva Chienes

Tila balewala sa GMA-7 ang paniniwala na malas ang No. 13 dahil kaninang alas-dos ng hapon, December 13, ay nag-first taping day na ang bagong telefantasya ni Robin Padilla sa Kapuso network, ang Joaquin Burdado mula sa nobelistang si Carlo J. Caparas. Sa Vermont Park sa Marcos Hi-way ang taping ng pilot episode na balita namin ay aabutin ng ilang taping days dahil maraming special effects na gagawin.

Kuwento ng manager ni Robin na si Betchay Vidanes, humanga raw si Robin nang mapanood nito last Tuesday evening, December 11, ang nai-shoot na cinema ad ng Joaquin Burdado dahil sa special effects na ginamit—na ayaw muna niyang sabihin kung ano para hindi raw ma-preempt ang mga manonood sa sinehan sa festival. Mapapanood ang naturang ad sa mga sinehan simula December 25 during the 2007 Metro Manila Film Festival.

Ang Joaquin Burdado ang isa sa mga ipalalabas na programa ng GMA-7 simula January 2008, kung saan makakatambal ni Robin for the second time si Iza Calzado. Una silang nagkasama sa digital film na Blackout ng Unitel Films. Kasama rin nila rito sina Mark Herras na gaganap na pasaway na kapatid ni Robin; si Ryza Cenon na magiging love interest ni Mark; si Cristine Reyes na magkakaroon daw ng kissing scenes kay Robin; at si Iwa Moto.


Read the rest of this entry »

Popularity: 9% [?]

Ai-Ai delas Alas counts her blessings from Kapamilya to kitchen

 

aiai.jpg

 

See, the one thing that I admire about Ai-Ai is that she never forgets her humble beginnings.  And she doesn’t forget to pause and count her blessings.  She has really made it but she won’t deny that she got there with a lot of help from other people.  Go Ai-Ai!!  Still considered funniest comedienne to date.

- Chuva Chienes 

Buena-mano si Ai-Ai delas Alas sa pagiging Santa Claus dahil last December 1, kasabay ng grand opening ng kanyang Ai Sarap restaurant (Kyusi Branch) ay naganap ang kanyang Christmas party for the press.

Ayon kay Ai-Ai, naging maganda ang pasok sa kanya ng year 2007 although may mga na-experience din siyang kaunting problema. Pero dahil daw sa mga setback na ito ay mas naa-appreciate niya ang magagandang nangyari sa kanyang buhay lalo na sa kanyang career.

“Marami akong dapat ipagpasalamat this year,” panimula ni Ai-Ai. “I had shows abroad, sa Amerika, Japan, Guam, and even sa mga provinces like Cebu. Maraming raket, naging endorser pa ako ng isang gamot. Pumirma ako ng panibagong kontrata sa ABS-CBN, ang daming guestings din. May regular primetime show din ako, ang Princess Sarah.

“Naging successful pa ang birthday concert kong Ai-Ai: The Greatest Performance of My Life last November 16 sa Araneta. Bongga rin ang movie namin ni Rufa Mae [Quinto] na Pasukob. That’s why I really have so much to thank for this year.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 6% [?]

Ai-Ai delas Alas teams up with Robin Padilla for movie in 2008

aiai_robin.JPG

Bukod sa pinakahihintay na sequel ng blockbuster movie ni Ai-Ai delas Alas na Ang Tanging Ina—na ang pamagat, Ang Tanging Ina Ninyong Lahat— ay kaabang-abang din ang gagawing pelikula ng comedienne, kasama ang action superstar na si Robin Padilla sa susunod na taon.

Ito ang kauna-unahang pelikula na pagtatambalan nina Robin at Ai-Ai; at ikalawa naman ng comedienne na makatambal ang isang action superstar after Bong Revilla na nakapareha niya sa Kapag Tumibok ang Puso (Not Once But Twice) last year.

Ang Viva Films ang magpu-produce ng first team-up nina Robin at Ai-Ai na ididirek ni Wenn Deramas.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Sa presscon ng pelikulang Pasukob—ang comedy film nina Ai-Ai at Rufa Mae Quinto from OctoArts Films—kaninang tanghali (November 21) sa Guilly’s restaurant sa ABS-CBN compound, ay nagbiro si Ai-Ai kay Direk Wenn na huwag kalimutan ang kissing scene nila ni Robin sa movie nilang dalawa. Pagkakataon na raw kasi ni Ai-Ai na makahalikan ang guwapong action star.

Sagot naman ni Direk Wenn sa kanya, walang dapat ipag-alala si Ai-Ai dahil sisiguraduhin niyang magiging torrid ang kissing nila na aabot hanggang sa esophagus ni Ai-Ai. Biro naman ng ibang entertainment press, dapat ay hindi lang kissing scene ang gawin nina Robin at Ai-Ai kundi bed scene.

Nang tanungin naman si Ai-Ai kung payag siyang maging second wife ni Robin kung saka-sakaling alukin siya ng Muslim action star, walang patumanggang “Sure, why not?” ang isinagot ng comedienne.

Pero biglang bawi at sinabing, “Tatanungin ko muna si Liezel [Sycangco, Robin’s first wife]. Kasi di ba ganun yun, ang rule dun sa Muslim, tinatanong yung first wife? ‘Pag pumayag siya, puwede. ‘Pag hindi, hindi puwede.”

Dagdag pa ni Ai-Ai, kailangan din daw may expiration ang pagsasama nila ni Robin. “Mga two years lang. Ang hirap kasi ‘andami nang anak ni Robin!” pakuwelang sabi ni Ai-Ai.

Source: PEP

Popularity: 5% [?]

Ai Ai gives her greatest performance

aiai.jpg

MANILA, Philippines?Comedy concert queen Ai Ai de las Alas is all agog for her biggest concert to date, “AiAiay… The Greatest Performance of My Life,” at the Big Dome on Nov. 16, 8 p.m. with special guests Sarah Geronimo, Pilita Corrales and Aegis. (For tickets, call 911-5555.)

When Ai guests in concerts of other artists, she steals the show even without intending to. Her unique way of ad-libbing sets her apart from the rest. She veers away from the repertoire, so watching her is always an unpredictable delight.

Before she gives her greatest performance, I asked Ai what her greatest fear and achievement are and who her greatest love is. “I’m afraid of the unknown and heights. My biggest achievement is ‘Tanging Ina’ the movie and being able to send my kids to good schools on my own,” she revealed. “My greatest love is my ex-husband Miguel.”

The former saleslady who assisted me when I was buying infant stuff was really destined for greater things. Now Ai still sells. Every concert she does here or abroad is sold-out.

Source: Inquirer.net

Popularity: 8% [?]