banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Richard Gutierrez refutes report about confrontation with Aljur Abrenica

richard_gutierrez1.JPG

Just a few hours after PEP posted an article about the reported near-fight between Kapuso stars Richard Gutierrez and Aljur Abrenica at the Fiamma bar last October 17, Richard’s camp sent PEP a statement refuting the report.

Richard does not deny that there was some hostility between him and Aljur. In fact, he admits telling Aljur to “leave the table,” although Richard says he did this “politely.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 29% [?]

Richard Gutierrez reportedly involved in near-fight with Aljur Abrenica

richard_jewel_aljur.jpg

A customer of Fiamma Bar on Jupiter Street in Makati City told PEP that a confrontation occurred between Kapuso stars Richard Gutierrez and Aljur Abrenica last October 17, at the high-end watering hole.

This wassupposed to have happened on the same night that the new GMA Network Studios on Jamboree St., Quezon City, was inaugurated. Many of the stars, still dressed to the nines, had gone out to celebrate after the event.


Read the rest of this entry »

Popularity: 29% [?]

“Loving You” stars Aljur Abrenica and Kris Bernal face-off in “Don’t Lie To Me”

 aljur_abrenica.JPG

Nagharap ang dating StarStruck winners at magka-love team na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Face-Off Edition ng “Don’t Lie To Me” segment ni John “Sweet” Lapus sa Showbiz Central last Sunday, August 10. Sina Aljur at Kris ay kasalukuyang napapanood sa Dyesebel at tampok din sila sa Regal movie na Loving You.

Ang sabi ni Sweet—na kasama rin sa Loving You—sa umpisa pa lamang, bihira lang daw siyang kiligin sa mga teen love teams, pero with Aljur and Kris, kinikilig daw siya dahil feeling niya, may “something” talaga sa dalawa.


Read the rest of this entry »

Popularity: 11% [?]

Who’s the guy for Kris Bernal—Marky or Aljur?

kris_bernal.JPG

Mukhang ang magiging problema ni Kris Bernal sa taong 2008 ay ang kanyang lovelife. Sa ngayon ay dalawang lalake pala ang sumusuyo kay Kris, sina Aljur Abrenica at Marky Cielo, at parehong kapareha pa niya sa Zaido: Pulis Pangkalawakan at Boys Nxt Door sa GMA-7.

Ayon sa reliable source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), mukhang na-develop na nang husto si Marky kay Kris at panay ang bisita raw nito sa bahay ng huli sa Quezon City.

As for Aljur, ang alam ng ating source ay may M.U. (mutual understanding) ang dalawa pero hindi naman daw sila serious sa isa’t isa.

“Ang haba-haba ng buhok ni Kris, huh!” tili ng source. “Dalawang lalake ang nakapaligid sa kanya. In fairness, mukhang serious si Marky kay Kris. Kahit sa taping nila ng Zaido, maalaga raw itong si Marky. Mukhang feel naman ni Kris si Marky. Kinikilig ang loka kapag sobrang sweet sa kanya si Marky.”

 
Read the rest of this entry »

Popularity: 13% [?]

Aljur Abrenica taken aback by malicious rumor linking him to TV director

aljur.JPG

Masasabing kampante si Aljur Abrenica sa showbiz standing niya dahil maituturing na baguhan pa lang naman siya kahit isa siya sa naitanghal na winners sa Batch 4 ng StarStruck. Mayroon siyang tatlong regular exposures sa GMA-7: ang Zaido, Boys Nxt Door, at SOP.

Pero marami ang nakakapansin na may pagka-moody si Aljur at ito ang ibinibira sa kanya.

“Tao lang naman ako, may moods talaga,” pag-amin ng young actor nang makaharap niya ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa live telecast ng SOP kahapon, October 21.

“Pero yun ang lagi nilang inirereklamo sa akin,” patuloy niya. “Hindi raw nila matantiya ang moods ko. Pero katulad niyan, tahimik lang ako, ‘tapos gusto ninyong interbyuhin, madali naman akong kausap.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

“Noon kasi, marami pa akong dapat malaman sa showbiz. At least ngayon, nakaka-adjust na ako. Nasa pag-a-adjust lang talaga, at sana dahil baguhan pa lang ako, maintindihan ako ng press at ng iba pa dahil wala akong intensiyong makasakit ng ibang tao,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Aljur.

Natalakan na raw si Aljur ng isang direktor, pero he doesn’t take it against the person.

“Aminado naman na ako ang nagkamali,” sabi ni Aljur. “Sa akin, wala na ‘yon. Kasama sa trabaho ‘yon. Kung dapat na talakan ako, ganoon na lang ‘yon, pero dapat na may matutunan ako doon para hindi na maulit.

“Ayoko na talagang matalakan uli, kaya pinagbubuti ko ang trabaho ko. I take those things as a challenge.”

PAMPANGA’S BEST. Magkaganoon man, patuloy na sinusuportahan si Aljur ng kanyang fans, lalo na ang mga taga-Pampanga. Hailed as one of Pampanga’s best ang young actor na ito.

“Love ko ang fans ko,” nakangiting sabi ni Aljur. “At saka sa Pampanga, tuwang-tuwa sila sa akin sa mga nagagawa ko. Kaya lumalakas din ang loob ko, at alam ko na kahit paano, tama pa rin ang ginagawa ko.”

Sino ba sa palagay niya ang gusto ng fans para maka-loveteam niya?

“It’s all up to them. Pero sa GMA-7, ang gusto nila pagdating sa kantahan, kami ni Rich Asuncion. Sa aktingan sa youth-oriented programs, para kami ni Kris Bernal ang magka-love team,” aniya.
KRIS BERNAL. Speaking of Kris, kinumusta namin kay Aljur ang young actress, since there was a time na inamin ng young actor na niligawan niya ang dalaga noong nasa StarStruck pa sila.

“We’re friends,” napaka-showbiz na sagot ng bagets. “I mean, okay lang kami ngayon. Hindi sa nagso-showbiz ako, pero mahirap kasi yung sitwasyon. Pareho lang kaming nagsisimula.

“Walang mangyayari sa amin kung pakikipagrelasyon ang iintindihin namin. Nakaka-miss lang yung mga pangyayari noong time na nasa StarStruck pa kami,” makahulugang sabi ni Aljur.

BENEFACTOR? Isa pang intriga kay Aljur ay ang tungkol sa isang TV director na diumano’y “nag-aalaga” sa career ng bagets, kaya malakas ito sa GMA-7. Ang tinutukoy na TV director ay ang namamahala ng StarStruck na si Rommel Gacho.

“Ha?” parang nagulat talaga si Aljur sa tanong namin. “Ako? May kinakapitan? Nagtatrabaho lang ako at wala akong iniisip na may kinakapitan ako.

“Si Tatay Rommel… tatay ko ‘yon! I mean, ang trato niya sa akin, parang anak na niya. Tatay ang trato namin sa kanya, at hindi lang naman ako ang inaalagaan niya, pati sina Marky [Cielo], Prince [Stefan], at Kris.

“Sa StarStruck pa lang, tinutulungan na niya kami. Marami siyang tinutulungan at hindi lang ako, kaya bakit nilalagyan ng malisya? Father and son lang ang relationship namin,” diin ni Aljur bilang pangwakas.

Source: PEP

Popularity: 11% [?]

“StarStruck 4″ Hunk Aljur Abrenica gets his biggest break as Red Zaido

aljur.jpg

StarStruck 4 Ultimate Hunk Aljur Abrenica (in photo) shares stellar billing with Dennis Trillo and Marky Cielo in GMA-7’s new telefantasya, Zaido: Pulis Pangkalawakan. “Dream come true para sa akin ito at napakalaking tulong nito sa career ko. Flattered din ako na makasama sina Dennis at Marky dito along with my other co-stars,” says the newbie actor.

Big break para sa StarStruck 4 Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica ang pagkakasama niya sa pinakabagong primetime telefantasya ng GMA-7 na Zaido: Pulis Pangkalawakan. Dito kasi ay silang tatlo nina Dennis Trillo at Marky Cielo ang mga bida.

Flattered si Aljur na makasama sina Dennis at Marky at ang iba pang naglalakihang stars ng Kapuso network sa Zaido. Ibang klase raw kasi ang fantaseryeng ito dahil bukod sa powerhouse cast ay pinagkakagastusan daw talaga ang bawat eksenang kanilang kinukunan.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner


“Napaka-blessed and thankful ko po talaga being part of this new and big project of GMA-7. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwalang kasali ako dito. Dream come true para sa akin ito at napakalaking tulong nito sa career ko. Flattered din ako na makasama sina Dennis at Marky dito, along with my other co-stars,” nakangiting pahayag ni Aljur, na naging instant favorite ng karamihan sa press during the press launch of Zaido sa Studio 3 ng GMA Network last September 17.

Marami kasing naaliw sa costume ng tatlong bidang Aljur, Marky, at Dennis dahil hapit na hapit sa kanilang katawan ang kanilang costume kaya kitang-kita ang hubog at ganda ng kanilang pangangatawan.

Hindi ba na-conscious si Aljur na magsuot ng ganitong outfit? In fairness, bagay na bagay kay Aljur ang costume dahil maganda ang kanyang pangangatawan.

“Nakakatuwa nga po, e. Imagine, mga superheroes kami dito. Tiyak na maraming matutuwang mga bata sa amin dahil mahilig sila sa mga ganitong characters, especially ang mga lalaki.

“Hindi po ako naku-conscious kasi pinaghandaan ko naman talaga ito. I mean, para maging physically fit ako at bumagay sa costume ko. Kumportable naman ako sa suot ko. Wala naman akong magagawa kung ganito ang pagkakagawa o pagkaka-design ng costume namin eh,” sabi ng binatang tubong-Pampanga.

Mahirap o dusa ba ang costume nila dahil mainit ito?

“Ang pinakadusa rito, e, yung mainit siya lalo na pag may fight scenes. Pero doon sa studio na pinagte-tapingan namin ngayon—sa Marilao, Bulacan—magandang warehouse siya na malinis at medyo malamig yung environment dahil sa mga aircon, kaya medyo kumportable na rin. Sanayan lang,” sagot ni Aljur.

Hindi ba siya naiilang kapag pinagpapantasyahan siya ng mga bading, lalo’t nakasuot siya ng costume niya bilang Red Zaido?

“Hindi talaga maiiwasan na darating ako sa ganyang pagkakataon,” sabi niya. “Pero para sa akin, magku-concentrate lang ako sa role ko at sa trabaho ko sa Zaido para hindi ako mapintasan.

“Kumbaga, parang test na rin ito sa akin kung kaya ko bang i-handle ang ganitong challenge sa career ko. Nagpapasalamat ako sa GMA-7 sa pagbibigay nila ng malaking opportunity sa akin.”

Dagdag pa niya, “Yung pagpantasyahan ako ng mga bading o ng mga babae, hindi talaga maiiwasan ‘yon. Okey lang talaga. Nakaka-flatter naman ‘yon.”

Naikuwento rin ng binata na dati ay sobrang naiilang talaga siyang makipag-usap sa mga bading dahil noon pala ay may mga proposals siyang natatanggap mula sa mga ito at nakaranas na rin siyang mahipuan dati. Pero nawala raw ang pagiging homophobic niya noong lumaki na siya at magkaroon ng mga kaibigang bading sa school, lalo na nang pumasok raw siya sa showbiz dahil mga bading ang nakakasalamuha niya.

Source

Popularity: 15% [?]

“Cosmopolitan” counts down Top 10 Celebrity Centerfolds

dingdong_dantes2.jpg

I want one!! Can someone sell me theirs?!!! - Chuva ;)


Video courtesy of GMANews.TV

Every year, fun loving, fearless females eagerly await the September issue of Cosmopolitan Magazine with its overload of men, men, and more men. Together with 69 Bachelors, the September issue also showcases the top 10 celebrity Centerfolds for the year.

Featured on the cover of the special supplement this year is Dingdong Dantes, who projects a bolder and more mature image with his portrayal of Sergio in GMA-7’s primetime hit Marimar. According to the Cosmo team, Dingdong had no inhibitions—considering it was his first time to shoot a sexy pictorial—and was very professional and outgoing.

Also considered very outgoing during his shoot was Jake Cuenca, star of ABS-CBN’s primetime Sine Serye: Natutulog Ba ang Diyos?, a joy to work with. Joining Jake in the list is Derek Ramsey, Ysabella mainstay and U Can Dance host, who happens to be the current squeeze of former FHM covergirl, Angelica Panganiban.

Rising stars also make it to the list, such as Marvin Raymundo of Star Magic, Joem Bascon of the ABS-CBN youth-oriented sitcom Go Kada Go and primetime hit Walang Kapalit, and SOP Showboys mainstay Bruno Folster



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner


Completing the list are Bench endorser Jon Avila, model Luke Jickain, Alfred Vargas of GMA-7’s primetime hit Impostora, and Paolo Paraiso, who stars with Asia Agcaoili in the upcoming movie Casa.

The special Cosmo Men supplement comes free with the September issue of Cosmopolitan Magazine, which features Jessica Alba on the cover, now available in all leading bookstores and magazine stands nationwide at P150 per copy.

Popularity: 30% [?]

Aljur Abrenica wants to be close to Kris Bernal again

aljur3.jpg

aljur.jpg

Mukhang nagiging close na ulit sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Sa naging contract signing nila para sa BNY sa Annabel’s restaurant noong August 1 ay napag-alaman ni Aljur na nagkakaroon ng problema si Kris at ang-loveteam nitong si Mart Escudero.

Ayon sa balitang nakarating kay Aljur, tumigil na raw sa panliligaw kay Kris si Mart. Wala naman daw naikukuwento si Mart sa kanya o maging si Kris tuwing nagte-taping sila ng Boys Nxt Door. Napapansin lang daw niya na parang hindi nagpapansinan ang dalawa.

“May nagsabi nga sa akin na may problema sila. Hindi ko pa kasi nakakausap si Mart tungkol diyan at baka sabihin niya na chismoso ako. Lalo naman kay Kris, e, ngayon pa lang ulit kami nagiging close. Bayaan n’yo at kakausapin ko silang dalawa,” sabi ni Aljur.

Samantala, itinanggi naman si Aljur na may relasyon na raw sila ng co-star niya sa Boys Nxt Door na si Rich Asuncion. Parati raw kasi silang nakikitang magkasama at nagde-date. Pero ayon sa binata, wala raw ‘yon dahil barkada lang para sa kanya si Rich.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

“Among the girls, si Rich ang naging close ko ngayon kasi siya ang ginagawang ka-loveteam ko. Hindi ko siya girlfriend kasi hindi naman ako nanliligaw sa kanya. Matatawa si Rich kasi ayaw niyang ma-link sa akin. Friends lang daw kami,” banggit ng StarStruck 4 Ultimate Hunk.

Dahil nga mukhang nagkakalabuan na sina Kris at Mart, posible kayang maging close ulit sila ni Kris at ligawan niya ito ulit? Naudlot kasi ang magandang pagtitinginan nila noon dahil kay Mart.

“Gusto ko munang maging close ulit kay Kris,” sabi ni Aljur. “Kasi noon, nagkatampuhan kami. Matagal din kaming di nagkausap. Ayokong namang matawag akong manunulot, di ba? Kaya okay lang na maging close ulit kami ni Kris. Bahala na kung ano ang mangyari.”

Source

Popularity: 18% [?]

StarStruck Ultimate Hunk Aljur Abrenica blames his inexperience for “Lola Basyang” incident


aljur2.jpg

“Baguhan pa lang po ako, hindi ko pa po alam ang lahat,” ang paulit-ulit na paliwanag ni Aljur Abrenica tungkol sa nangyari sa taping noon ng Mga Kuwento Ni Lola Basyang.

Hindi na dapat lumabas ang balitang ito kung saan nagdamdam diumano ang StarStruck 4 Ultimate Hunk sa pagtrato sa kanya ng production staff ng Mga Kuwento Ni Lola Basyang. Ang kaso, tumawag ang StarStruck director na tumatayong tatay-tatayan (some say “manager’) na si Rommel Gacho sa executive producer ng Lola Basyang na si Otep Buncalan.

Tila iba ang nakarating sa StarStruck director kung kaya’t ang ibang production staff ng Lola Basyang ang nagkuwento ng mga tunay na nangyari during the taping.

Sinigaw-sigawan diumano ng assistant director na si Rado Peru si Aljur at tinawag ding bakla.

Ayon sa mga nandoon, kung masigawan man daw si Aljur ni Rado, hindi naman daw ito personal, trabaho lang. For the record daw, walang na-take one si Aljur sa lahat ng scenes niya for his Lola Basyang episode na “Ang Kapatid Ng Tatlong Maria.”

Sumasagot din daw ang StarStruck winner sa associate director at may isang scene pa ang ipinaulit sa kanya dahil nagkamali siya ng blocking. Nagdahilan pa raw ang young actor na kung susunod siya sa blocking, hindi siya makikita ng camera.

Hindi rin daw totoo na tinawag ni Rado si Aljur na bakla. Dahil may kahinaan ang boses ng bata, pinalakas ito para mahagip ng kanyang lapel with a comment na “ang lamya-lamya mong magsalita, parang bakla.” - Check out his Friendster account after the JUMP.


Read the rest of this entry »

Popularity: 7% [?]