Sexy actor Allen Dizon realizes his dream of winning an acting trophy
Mukhang mababawasan na ang pagpapa-sexy ni Allen Dizon ngayong matatawag na siyang isang award-winning actor.
Kailan lang ay napanalunan ni Allen ang ikalawa niyang Best Supporting Actor trophy sa nakaraang FAMAS Awards para sa papel niya bilang laos na macho dancer sa pelikulang Twilight Dancers. Sa naturang pelikula rin kinilala si Allen sa Star Awards for Movies earlier this year.
Ayon kay Allen, noong nagsisimula pa lang siya bilang isang sexy actor ay pinangarap na niyang manalo ng acting award. Hindi nga lang niya inasahan na maaga itong darating sa kanya.
“Noon nga, kapag nanonood ako ng mga awards night sa TV, parang nag-iilusyon ako noon na manalo ng award. Kunwari, may acceptance speech pa ako!” tawa ni Allen.
allen dizon awards night best supporting actor famas awards macho dancer sexy actor sexy image star awards twilight dancersPopularity: 8% [?]






























