banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Andrew Schimmer recalls harassment by gay strangers

 andrew_schimmer.JPG

Naikuwento ni Andrew Schimmer sa set ng pelikulang Eskandalo na dinidirek ni Joven Tan, ang isang hindi malilimutang insidente ng aktor sa Embassy bar sa Makati, involving a gay.

“Ewan ko ba, sanay na akong nilalapitan ng indecent proposals, pero ayokong kumagat sa ganyan. Kahit sabihin pa nilang nagmamalinis ako, or what. Hindi ako talaga kasi ganoon.


Read the rest of this entry »

Popularity: 31% [?]

Andrew Wolfe on Cesar Montano’s spar challenge: “Mismatch”

andrew_wolfe.JPG

Tinanggihan ni Andrew Wolfe ang hamon ni Cesar Montano na magbakbakan sila sa boxing ring sa Pinoy Mano-Mano, ang reality TV show ng huli sa ABS-CBN.

Sa interview ng model-actor sa radio program nina Ms. O (Ogie Diaz) at Ms. F (Fernan de Guzman) na Wow! Ang Showbiz! (dzXL), ang rason ng pangtanggi nito ay baka raw may mapikon siya uli kung sasali.

Dagdag pa ni Andrew, mismatch sila ni Cesar dahil mas mataas daw siya dito, mas malaki ang built, at mas mabigat. At kung si Rommel nga raw na kapatid ni Cesar na di-hamak na mas malaki sa aktor ay natalo ni Andrew, malamang daw na matalo niya rin si Cesar.

“Hindi talaga fair ang laban,” wika pa ni Andrew.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Pero kung talaga raw gusto ni Cesar na magsagupaan sila, gagawin daw ‘yon ni Andrew for charity. At ang mapapanalunan niya ay mapupunta sa Bantay Bata Foundation.

Paalala lang ni Andrew, “Basta walang pikunan. Walang hahabol sa akin ‘pag nanalo ako at kukuyugin ako. Dapat, walang gano’n!”

Matatandaan na sinugod ni Cesar si Andrew sa isang celebrity boxing match noon nang diumano’y ‘dinaya’ ng huli ang kapatid nitong si Rommel. Ang naturang kontrobersiya ang nagbunsod sa model-actor na lisanin muna ang showbiz.

Source: PEP

Popularity: 7% [?]