banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Luis Manzano accepts gay role in movie with his mom Vilma Santos

Masayang-masaya si Luis Manzano dahil isang successful year na naman ang nagdaan para sa music channel na MYX, ang sister channel ng ABS-CBN.
Kagabi, November 6, ay nagkaroon ng isang malaking concert na pinamagatang MYX Mo! sa open field ng SM Mall of Asia sa Pasay City. Ang MYX Mo! ay tribute to OPM music with almost 50 local bands and solo artists performing.

“It’s another year, a very successful year para sa buong MYX family!” sambit ni Luis. “So, what a better way to end the year through a MYX Mo!, di ba? Na talaga namang nakikitang sinusuportahan kami ng napakaraming tao.”

How does he feel na nakakasama niya ngayon ang mga bagong video jocks o VJ ng MYX na sina Robi Domingo, Chino Lui Pio, Bianca Roque, at Monica Yncierto? Ang apat na bagong VJs ang siyang nanalo sa VJ search na ginawa ng MYX kamakailan.

“Nakakasama ko na rin sila sa studio,” sagot ni Luis. “For them, it’s a good eye opener kung gaano kasuportado ang OPM ngayon sa Pilipinas. Sabi ko nga, kung dati, nasusuportahan puro ang foreign acts, bakit kailangang magdala ng ibang artists para tauhin ang isang concert? Pero ngayon, nakakagulat! All OPM VJ’s, mga Pinoy singers, pero grabe ang suportang ibinibigay! That is why, it’s very overwhelming at nakikita kung gaano karaming talents meron dito sa Pilipinas.”

Four to five years na raw na VJ si Luis sa MYX. Nagbiro pa nga siyang kakapapirma lang sa kanya ng MYX ng “another 20 years contract.”

“Sabi naman nila, they are very happy pa naman sa nako-contribute ko sa MYX since ako na ang pinaka-senior. Actually, yung aalis na ako, ni ayokong isipin kasi ito na ang kauna-unahang pamilya ko sa industriya,” sabi ni Luis.

Nararamdaman ba niyang tinitingala siya ngayon ng mga bagong VJs?

“I don’t wanna say that they all look up to me. Pero siguro, I set a good example kung paano ko minahal ang MYX. Ayoko namang itaas ang sarili ko sa pedestal, na iba ang nagawa ko. Siguro, iba lang ang nagawa kong example.”

Hindi raw maitatanggi ni Luis na enjoy na enjoy pa rin siya being a VJ.

“Definitely! Sa schedule ko na nagte-taping ako ng 20 hours, kung ano na ang nangyari, yung Myx sa akin ang parang relaxing time. Yung makasama ko ang MYX family, dahil bukod sa napakadaling trabaho naman, yung pamilyang nabuo namin, it’s very relaxing sa mga busy naming schedules.”

ANNE’S CONFIDANTE. Kinumusta naman ng PEP si Luis tungkol sa kinabibilangan niyang ABS-CBN primetime series, ang Dyosa. Balitang mai-extend pa ito until February of next year.

“Well, yun din ang balita namin,” sabi ni Luis. “Pero wala pa namang definite na nasasabi sa amin. Ang alam ko lang, we will be taping talaga until January. Yun ang alam ko. Pero in terms of until when, yun ang wala pa talaga akong alam.”

Kumusta naman sila sa set ngayong may balita na Anne Curtis is going through a depression dahil sa breakup nila ni Sam Milby? Ito rin daw ang dahilan kung bakit nagbakasyon muna si Anne ng isang linggo mula sa programa.

“You know, siguro sa amin sa Dyosa on the set… Hindi lang dahil sa Dyosa, pero alam naman ng lahat na whatever project namin ni Anne, from Kampanerang Kuba, I have always been there for her.

“So, sa Dyosa set, kung may pinagdadaanan man siya in particular, I was with her all throughout. Ganoon kami sa Dyosa set, suportahan naman kaming lahat dun. Walang ilangang factor talaga. At kapag magkasama kami sa standby area, itinatabi ko talaga ang upuan ko sa kama niya. At least, puwede kaming magkuwentuhan anytime, magkulitan, yung ganoong suportahan, or through text, Internet, yung ganoon,” lahad ni Luis.

Pero nagsasabi ba sa kanya si Anne ng mga pinagdadaanan nito?

“Oo naman!” bulalas ni Luis. “She’s been very vocal about everything and anything, especially sa aming dalawa. More on sa akin. Pero siyempre, kung anuman ang sinasabi niya sa akin, it’s between Manzano and her.” (”Manzano” ang tawag ni Anne kay Luis.)

Paano naman niya naipapakita ang suporta niya sa kaibigan?

“Well, palagi ko ngang sinasabi kay Anne na one of my duties in life is to make sure she’s happy and to protect her. At palagi ko rin sinasabi sa mga interview na kapag may nanloko or nanakit talaga kay Anne, ako ang unang-unang makakalaban.

“Pero yung nangyari naman sa kanila [Anne and Sam] is very, very personal. And I believe na, you know, usapan lang siguro ang kaya… Hindi sa…walang lokohan na nangyari, walang ganoon,” paglilinaw niya.

Dugtong ni Luis, “Sabi ko nga kay Anne, ‘Kaming mga nasa buhay mo, antibiotics lang kami. Kami yung pampadagdag-galing. Pero yung healing will only come from you.’ So, kung anuman ang problema nila, sila ang dapat na mag-ayos, sila lang ang may alam.”

ANGEL IN AUSTRALIA. Sa ibang balita, naikuwento ni Luis na kakaalis lang ng
rumored girlfriend niyang si Angel Locsin, kasama si Piolo Pascual para sa shooting ng pelikulang Land Down Under sa Australia. Two and a half weeks daw mawawala ang aktres sa bansa.

Mami-miss daw ni Luis si Angel. Pero naiintindahan naman ng binata na kailangan ni Angel na magtrabaho.

Kumusta na nga ba sila ni Angel ngayon?

“Kung anuman kami dati, masasabi ko na ganoon pa rin hanggang ngayon,” sagot ni Luis. “Napakaganda nga ng sinabi nung ma-feature kami sa TV Patrol, ni Mario Dumaual. Yung annotation na, hindi kami napapakialaman, hindi kami nagagamit in any kind of publicity. Happy na ako na hindi kami napag-uusapan na ganoon. What you see is what you get sa aming dalawa.”

Posible ba silang magkasama in a soap or movie ni Angel?

“Wala kaming planong magtrabaho together,” diretsong sagot ni Luis. “Pagpipiyestahan lang kung anuman ang meron sa aming dalawa. Mas nalalagay sa spotlight kung anuman yun. So, I’m perfectly happy na may sarili akong ginagawa at may sarili siyang ginagawa. At very personal ang sa amin, outside all the showbiz cameras and lights.”

Dagdag ni Luis, puwede raw silang lumabas together sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya o simpleng guesting sa isang show. Pero hindi raw sila papayag na magtrabaho sa isang soap opera na matagal na panahong ginagawa.

Ikinuwento rin ni Luis na masayang-masaya ang mommy niya, Governor Vilma Santos, dahil nakapunta siya, kasama si Angel, sa birthday party ng actress-politician sa kapitolyo ng Batangas last November 3.

MOVIE WITH MOMMY VI. Ibinalita rin ni Luis sa PEP na tuloy na tuloy na ang pagsasama nilang mag-ina sa isang Star Cinema movie. Tinanggap na ni Luis ang role bilang gay lover ni John Lloyd Cruz sa pelikula, na magsisilbi ring directorial comback ni Olive Lamasan.

“Tuloy na tuloy na!” masayang sabi ni Luis. “It has a gay theme to it, but beside the gay theme, nandoon na ang mother and son, which is kami ng mommy ko. But there is a very, very different love story, two different stories on top of it.”

May kissing scene ba sila ni John Lloyd?

“Meron sa script, pero inaayos pa namin,” sabi ni Luis.

Pero matagal ba niyang pinag-isipan bago niya ito tinanggap?

“Matagal din, kasi yung initial offer sa akin, wala pang script. Kumbaga, napag-uusapan lang. Siyempre, kahit paano, it’s different kapag may nakikita ka nang script na binabasa. Noong nabasa ko ang script, saka na ako nag-oo.”

Ready na ba siya to play a gay role?

“I cannot say naman na I’m ready, pero there will come a time na kailangan kong maging ready.”

Hanggang saan ang kaya niyang gawin?

“Pene!” natatawang biro ni Luis. “Wala akong idea honestly, abangan na lang nila. Pero for a company as big like Star Cinema to produce a very, very different, out-of-the-box movie, dapat talagang abangan.”

Ano ang naging reaction ng mommy niya nang tanggapin niya ang movie?

“Very, very happy na tinanggap ko! Pero si Mommy ko kasi, never na nakialam. Never na sinabi niyang ‘Luis, tanggapin mo.’ So, every time na magte-text siya, ‘Anak, no pressure ha. Just let me know.’

“So, noong finally, tinanggap ko, sinabihan ko rin siya kaagad. Nang malaman niyang tinanggap ko, sabi nga niya, ‘Praise God!’ May ganoon!” natatawa niyang kuwento.

Magiging senyales na ba ito ng pagiging daring na ni Luis?

“I don’t even want to call it daring, it’s different,” sabi niya. “Ang daring kasi, showing, let’s say, nudity. It’s daring like it’s something different that when people get to watch it, maiintindihan nila kung bakit it’s different and it’s not daring. It’s just a very mature Luis and John Lloyd.”

Ayon kay Luis, wala pa raw definite title ang movie nila. Most probably, magsisimula na rin mag-shoot ang mommy niya this year. Pero sila raw ni John Lloyd ay malamang na by next February pa, and most of their locations ay sa New York, U.S.A.

Popularity: 31% [?]

Angel Locsin explains absence in Folded & Hung fashion show

angel_locsin.JPG

Iniintriga ang hindi pagsipot ni Angel Locsin sa 10th anniversary fashion show ng Folded & Hung last Thursday, Oct. 23, sa Avenue, Makati City, kung saan ay rumampa ang mga endorsers nito sa pangunguna nina Maja Salvador, Joem Bascon at, sa finale, ang paglitaw ni Claudine Barretto.

Umugong ang alingasngas na nag-iiwasan sina Claudine at
Angel at hindi pa rin daw tapos ang away nila, kaya hindi sila puwedeng magsama
at magsabay.


Read the rest of this entry »

Popularity: 33% [?]

Angel Locsin avoids talking about Claudine Barretto, but insists they’re “okay”

angel_locsin.jpg

Fresh from the success of For The First Time nina Richard Gutierrez at KC Concepcion, in-announce agad ng Star Cinema Productions ang susunod na proyektong ipo-produce nila. Pagbibidahan naman ito ng inaabangan ding tambalan sa big screen sa unang pagkakataon nina Piolo Pascual at Angel Locsin.

More than two weeks sina Piolo at Angel sa isang probinsiya sa South, kung saan sila magsisimulang mag-shooting next week. Pagkatapos ay lilipad na sila papuntang Australia para mag-shoot sa bandang Outback area ng naturang bansa for almost a month. Pero bago pumunta ng Australia, pupunta muna ng Bangkok, Thailand si Angel dahil may raket siya roon.


Read the rest of this entry »

Popularity: 26% [?]

Piolo Pascual and Angel Locsin set to start shooting their film for Star Cinema

piolo_pascual_angel_locsin1.JPG

All out ang support ni Piolo Pascual sa pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion, ang For The First Time, sa direksiyon ni Joyce Bernal mula sa Star Cinema Productions. Inindorso ni Piolo na panoorin ng mga fans ang For The First Time, na magbubukas na sa August 27.

Sad to say, hindi makakarating si Piolo sa premiere night ng movie nina KC at Richard sa Martes, August 26, sa SM Megamall. By that time, nagsu-shoot na kasi si Piolo ng kauna-unahan niyang pelikula with Angel Locsin mula sa Star Cinema.

Nakatakdang umalis ngayong weekend sina Piolo at Angel patungong Bukidnon para doon mag-shoot. Kailangan nang simulan nina Piolo at Angel ang pagsu-shoot ng movie nila dahil may nakalaan nang playdate for their movie sa buwan ng Nobyembre bilang bahagi pa rin ng 15th anniversary ng Star Cinema.


Read the rest of this entry »

Popularity: 20% [?]

Luis Manzano still unsure about accepting gay role

luis_manzano.JPG

Nakorner si Luis Manzano, right after ma-interview nang one-on-one ni Luis ang ina niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto for his show Entertainment Live!.

Present din nga si Luis sa presscon ng kanyang ina as endorser of Bear Brand’s “Laki Sa Gatas” Nutrition Education Campaign. Pero this time, as member of media ang dating ni Luis na matiyaga pang naghintay sa ina niya na tapusin ang presscon proper just to interview her.

Agad kinumusta ng PEP kay Luis ang tungkol sa offer ng Star Cinema Productions sa kanya na gumanap bilang gay lover ni John Lloyd Cruz sa first movie na pagsasamahan nila ng Star For All Seasons.


Read the rest of this entry »

Popularity: 19% [?]

Governor Vilma Santos likes positive effect of Angel Locsin on Luis Manzano

vilma_santos1.JPG

Nagpahayag si Batangas Governor and Star For All Seasons Vilma Santos sa posibilidad na magsama ulit sila sa pelikula ng perennial rival niya, ang Superstar na si Nora Aunor. Kung meron daw kasi na dapat magsalba ng career ni Nora sa pelikula, malaki ang maitutulong ni Governor Vi dito.

“Ay, hindi,” sagot ng actress-politician sa PEP. “Wala namang problema doon. Sana makita, kasi hindi ko naman siya nakakausap, e. Alam mo ang ibig kong sabihin? Pero kung ano yung nalalaman ninyo, nakakarating din sa akin. Hindi ko alam kung confirmed, but the way things are going, mukhang hindi nga maganda. Tama ba ako?”


Read the rest of this entry »

Popularity: 19% [?]

“Lobo” devours July primetime NUTAM rating contest

piolo_pascual_angel_locsin.JPG

Angel Locsin’s first fantaserye as a Kapamilya bowed out of contention with flying colors. Cornering the top spot, Lobo—which had its last episode on July 11—emerged as the most watched program last month in the nationwide primetime race alongside Cesar Montano’s The Singing Bee.

According to the latest NUTAM (Nationwide Urban TV Audience Measurement) study conducted by AGB Nielsen Media Research Philippines for the month of July, both Lobo and The Singing Bee accumulated identical 33.4 percent ratings, followed by June leader Dyesebel.


Read the rest of this entry »

Popularity: 17% [?]

Luis Manzano stands by rumored girlfriend Angel Locsin amidst past issue with Claudine Barretto

 luis_manzano_angel_locsin.JPG

Masuwerte si Angel Locsin dahil may defender siya sa lahat ng isyung idinidikit sa kanya sa katauhan ng rumored boyfriend niya na si Luis Manzano.

“Of course, it gets to her sa laki ng mga isyung naibabato sa kanya. But she’s smiling. Ang gusto niya, magtrabaho. And I think, 99 percent na mga kilala niya, alam ang totoo,” pagtatanggol ni Luis kay Angel sa press conference ng Dyosa sa Manila Ocean Park noong August 4.


Read the rest of this entry »

Popularity: 6% [?]

Luis Manzano has set no restrictions for rumored girlfriend Angel Locsin

angel_locsin_luis_manzano.JPG

Tinanong ng PEP si Luis Manzano tungkol sa isyung kinasasangkutan ng nababalitang girlfriend niya na si Angel Locsin at Claudine Barretto. Noong Miyerkules, July 23, ay nagharap na sina Claudine at Angel sa conference room ng Star Cinema para linawin ang isyu sa pagitan nila. Kasama ni Claudine that time ang kanyang asawang si Raymart Santiago.

“I know, I know… Well, one siguro is they’re married. That’s one thing naman na Claudine and Raymart, they are married. Pero ayoko nang dugtungan ‘yon. Pero kumbaga, the whole time I knew what was happening na rin naman na… I mean sa kanya [Angel], I know what’s happening naman.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 23% [?]

Angel Locsin’s camp speaks up about rift with Claudine Barretto

angel_claudine.JPG

Finally, nagsalita na rin ang kampo ni Angel Locsin sa gitna ng mainit na kontrobersiya na nangyayari sa pagitan ng young actress at ng kasamahan niya sa ABS-CBN na si Claudine Barretto. Nagsimula ang sinasabing alitan nina Angel at Claudine nang minsang magtagpo sila sa salon ni Pin Antonio.

Unang lumabas ang balita tungkol sa alitan nila sa pamamagitan ng isang blind item, na later on ay pinangalanan din. Noong simula ay walang gustong magsalita kaya naman puro haka-haka lang ang lumabas.


Read the rest of this entry »

Popularity: 25% [?]

Angel Locsin laughs off issue regarding Marian Rivera’s number one spot in FHM Phils.’ Sexiest list

angel_locsin.JPG

Mixed emotions si Angel Locsin sa nalalapit na pagtatapos ng kauna-unahan niyang teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Lobo. By this time maaaring nakunan na ang mga huling eksena ni Angel at Piolo Pascual para sa huling dalawang linggo ng Lobo.

“Masaya ako na… actually, masaya ako na matatapos kami dahil ito yung masasabi ko na after ten years na binalikan ko, magiging proud pa rin talaga ako na natapos namin yung ganito kagandang show at naaliw ako dahil natuwa talaga ang mga tao,” lahad ni Angel nang makapanayam ng PEP.


Read the rest of this entry »

Popularity: 23% [?]

Angel Locsin to replace Claudine Barretto as endorser of Folded & Hung?

claudine_barretto.JPG

Will there be an issue between Claudine Barretto and Angel Locsin over the Folded & Hung endorsement?

Minsan nang nagkrus ang landas ng Kapamilya actresses na sina Claudine at Angel over a supposedly snubbing incident. Kalilipat pa lang ni Angel sa ABS-CBN noon.

It was reported that when she was assigned to a dressing room already occupied by Claudine and other Star Magic female stars, lumabas daw si Claudine hanggang sa tuluyan nang nagpalipat ito sa ibang dressing room.


Read the rest of this entry »

Popularity: 30% [?]

Roselle Monteverde-Teo on upcoming Angel-Piolo Star Cinema movie: “Commit the crime first, bago ang reaction.”

angel_locsin.JPG

In-announce ni Angel Locsin sa kanyang birthday presscon na ginawa sa 9501 Restaurant ng ELJ Bldg., ng ABS-CBN, na tuloy na ang pelikula nila ni Piolo Pascual sa Star Cinema.

“Before the year ends” ang narinig ng PEP na shooting ng pelikula na wala pang title.


Read the rest of this entry »

Popularity: 21% [?]

Who’s dating who? KC and Luis, Luis and Angel, Richard and KC>>>> ANO VEY?!!!

There are lots of rumors flying all over the place regarding the lives of the young stars ngayon. Of course, one of the hottest topic is who’s dating KC Concepcion? The ever-palos responses of KC and the hints hints of Ruffa. Hmmm..

Recently, Luis Manzano was spotted with KC while it is known to the public that Luis is dating Angel Locsin?

Watch THE BUZZ video with Kris, Boy and Ruffa as they discuss the issue after the JUMP


Read the rest of this entry »

Popularity: 39% [?]

Angel Locsin finally dares to bare in “Cosmopolitan”

angel_locsin.JPG

Trust Angel Locsin to take everyone by surprise. Despite being a constant fixture on FHM’s 100 Sexiest Women in the World poll, Angel has chosen to pose in a swimsuit for the very first time on the cover of Cosmopolitan magazine.

“First time ko ‘to,” she told the Cosmo team during the shoot, “I hope it turns out well. Inisip ko kasi, if gagawin koto, it might as well be on Cosmo.” After all, posing for Cosmo would mean reaching fun fearless females like herself.


Read the rest of this entry »

Popularity: 19% [?]

Becky Aguila: “T’was good to see old friends in GMA.”

becky_aguila.JPG

Sa February 24 pa talaga ang kaarawan ni Ms. Wilma Galvante, ang senior vice-president for entertainment TV ng GMA-7, pero binigyan siya ng asalto ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films noong Biyernes, February 22, ng gabi sa Imperial Palace Suites.

 

Si Ms. Lilybeth Rasonable, ang vice-president for drama, entertainment TV, ang isa sa mga in charge sa invitation at isinama niya sa list ang pangalan nina Becky Aguila at ang mga alaga nitong sina Jennylyn Mercado, pati na rin si Angel Locsin. Ang paglipat noon ni Angel sa ABS-CBN ang nagsimula ng gulo sa pagitan ng kampo nina Becky at ng GMA-7.


Read the rest of this entry »

Popularity: 18% [?]

Luis Manzano readily talks about “bonding” with Angel Locsin

angel_locsin_luis_manzano.JPG

After being initially turned off by the “user” rumor about him, Luis Manzano is now ready and open to talk about his “bond” with Angel Locsin.With a 15 percent increase in sales from 2006, Unilab and Kremil-S renew their contract with ABS-CBN’s young TV host-actor for another year of campaign. Tuwang-tuwa ngang humarap si Luis in a pink top (Kremil-S color) sa press kaninang tanghali, February 15, sa ABS-CBN compound dahil maganda ang pasok ng taon for him—starting with this renewed endorsement, a Komiks project kung saan lalabas siyang superhero, a new season of Pinoy Big Brother Teen Edition, and three more endorsements.


Read the rest of this entry »

Popularity: 18% [?]

Angel Locsin admits talent-manager relationship with Becky Aguila is “not perfect”

piolo_pascual_angel_locsin_lobo.JPG

Katabi ni Piolo Pascual ang kapareha niya sa Lobo na si Angel Locsin habang ini-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor tungkol sa pagsusumite ng rejoinder-affidavit ng talent manager at TV host na si Lolit Solis para sa libel case na isinampa laban sa kanya nina Piolo at Sam Milby.Napakapaloob sa rejoinder-affidavit ni Lolit ang pagkukuwestiyon niya sa reply-affidavit nina Piolo at Sam kung saan inilatag nila ang affidavits ng kanilang mga testigo, kung saan kasama si Angel. Magkasama diumano sina Piolo at Angel na nagpi-pictorial para sa Timex sa oras na sinabi ni Lolit na nakita niya sina Piolo at Sam na nagbubulungan sa isang isang coffee shop sa Hotel Sofitel.


Read the rest of this entry »

Popularity: 16% [?]

Is Shaina Magdayao the new Gretchen Barretto?

shaina_magdayao.JPG

Bag na ayaw sabihin ang brand—dahil baka magalit daw ang ini-endorse na Secosana bag—ang Christmas gift ni John Prats kay Shaina Magdayao. Pero kahit marami nang nairegalo sa kanya ang young actor, hindi pa raw boyfriend ni Shaina si John.

Sa presscon ng Lobo kahapon, January 23, naurirat nang husto si Shaina sa kanila ni John. Pero wala pa ring nadinig na pag-amin ang press sa kanya. Hanggang ngayon, nanliligaw pa rin daw ang binata sa kanya, kahit natsismis na pumupunta siya sa bahay ni John. Ang sinabi lang ni Shaina, sa lahat ng manliligaw niya, si John ang pinaka-pursigido sa lahat at closest sa kanya.


Read the rest of this entry »

Popularity: 16% [?]

Pilar Pilapil: “What and where I am now is because of show business.”

pilar_pilapil.JPG

Kasama ang beteranang aktres na si Pilar Pilapil sa pinakabagong serye ng ABS-CBN, ang Lobo na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Angel Locsin.

Medyo matagal ding nawala sa sirkulasyon si Pilar. Matatandaang ang huling TV project niya ang ang cameo role niya sa Marimar ng GMA-7. Kaya naman sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa veteran actress sa presscon ng Lobo kahapon, January 23, sa Studio 1 ng ABS-CBN ay tinanong namin siya kung ano ang dahilan at naisipan niyang muling umarte sa harap sa kamera at tanggapin ang Lobo.

Aniya, “Actually ABS-CBN has been very dear to my heart because I’ve been here many times in the past. I am not running away from show business. Show business is also very dear to me. What and where I am now is because of show business.


Read the rest of this entry »

Popularity: 15% [?]