banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Angelica Panganiban happy with her Villain of the Year award

angelica_panganiban.JPG

Mag-isang dumating si Angelica Panganiban noong Friday night sa Embassy Bar para sa Supreme to the Extreme Awards.  Nakausap ng si Angelica bago pa ang awards night kaya wala pa siyang masyadong masabi sa mapapanalunang award.

It turned out na ang Villain of the Year award pala ang mapapanalunan niya dahil sa primetime series nilang Iisa Pa Lamang. Pero may ideya na rin siya bago pa man pumunta na sa pagiging kontrabida raw niya siya na-recognize.


Read the rest of this entry »

Popularity: 40% [?]

Direk Bobot Mortiz explains why Kristine Hermosa and Riza Santos are out of “Banana Split”

banana_split2.JPG

Sa pocket presscon na pinatawag ng ABS-CBN para sa pinakabagong show nila na bubulaga this October, Banana Split, namigay muna ng saging na give-aways sa press bago nagsimula ang tanungan. Pati ang mga pagkaing inihanda sa presscon na ginanap sa 9501 Restaurant sa may ABS-CBN ay pawang may halong saging. Pakilala agad ng mga nagpa-presscon na ibang klase ang bagong all-female gag show na ito ng Dos—nakaaaliw, nakatatawa, at nakababaliw.

FEMALE VERSION. Sa pakikipanayam sa isa sa direktor ng show na si Direk Bobot Mortiz, sinabi nitong ang Banana Split ay ang female version ng dati nilang show nina Boyet de Leon, Jay Ilagan, at Johnny Delgado, na Goin’ Bananas.


Read the rest of this entry »

Popularity: 26% [?]

“Banana Split” girls agree their show gives them positive vibes

banana_split.jpg

Masayang nakipagkulitan sa entertainment press ang apat sa pitong nagseseksihang babae na kasama sa cast ng Banana Split—Angelica Panganiban, Cristine Reyes, Dianna Medina at Princess Ryan—during the presscon ng naturang bagong all-female gag show ng ABS-CBN na ginanap kahapon, September 25, sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

Wala sa presscon ang tatlo pang kasama sa cast na sina Roxanne Guinoo, Valerie Concepcion, at RR Enriquez.

Present din sa Banana Split presscon ang mga direktor nito na mag-amang Edgar “Bobot” Mortiz at Frasco Mortiz.


Read the rest of this entry »

Popularity: 27% [?]

Derek Ramsay says trust and time make his relationship with Angelica Panganiban work

derek_ramsay.JPG

Pagkatapos ng sunud-sunod na pagganap sa mga teleserye sa ABS-CBN, tulad ng Ysabella at Maging Sino Ka Man, marami ang nakapuna na mukhang nag-lie-low daw bigla ang career ni Derek Ramsay.

Hinulaan noon na kung maalagaan lang nang husto ang career ni Derek, maaaring sumunod ito sa yapak ni Piolo Pascual as leading-man material. Kaya nga may mga nanghihinayang sa pananahimik ngayon ng career ng Fil-Brit actor.


Read the rest of this entry »

Popularity: 24% [?]

Derek Ramsay denies Angelica Panganiban’s claim that they have broken up

derek_ramsey.JPG

Nagulat ang ilang malalapit na kaibigan ng magkasintahang sina Angelica Panganiban at Derek Ramsey nang pumutok ang balitang hiwalay na sila. Last month ay may bulung-bulungan na tungkol sa pagkakalabuan diumano nina Angelica at Derek. May nagtanong tungkol dito kay Angelica sa launching/presscon ng Mario D’boro, na ini-endorse nila ni Dingdong Dantes, pero tinawanan lang ni Angelica ang isyu.

“Hindi ko nga alam, e,” sabi ni Angelica noon. “May nagtanong nga sa akin niyan. Actually, nitong past few months, wala naman kaming pagtatalo na, wala kaming kahit na anong nangyari na para bang nag-away kami or nahiwalay kami. Wala kaming isyung ganun, kaya nakakagulat.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 34% [?]

Angelica Panganiban rushed to hospital due to hyperventilation

angelica.JPG

Magtatapos na noon ang Book 1 ng Maging Sino Ka Man nang pumasok ang isa sa mga bagong characters ng naturang ABS-CBN soap opera—si Angelica Panganiban. Misteryosa ang dating ng character niya na bigla na lang sumulpot dito at hanggang sa magtapos ang Book 1 ay walang naging linaw kung ano ang totoong koneksiyon niya sa apat na lead cast ng serye na sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Anne Curtis, at Sam Milby.

Sa huling episode nito, hindi na lang si Angelica ang ipinakita kundi maging si Rosanna Roces. Hudyat na siguradong hindi lang doon nagtatapos ang Book 1 at siguradong totoo ang napapabalita pa lang noon na may Book 2 ang naturang serye.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelica sa presscon ng Book 2 ng Maging Sino Ka Man last November 27, naikuwento ng young actress kung gaano kabigat ang character na ginagampanan niya sa primetime series na ito ng ABS-CBN.

“Sa ngayon, sa sobrang bigat, hindi ko alam kung ano ang pinasok ko! Sobrang bigat pala ng teleserye na ito!” natatawa niyang sabi.

Kuwento pa ni Angelica, sa taping daw nila isang araw bago ng presscon ay bigla siyang naisugod sa hospital.

“Nag-hyperventilate ako kasi everyday kaming nagte-taping,” panimulang salaysay ng young actress. “So, parang everyday mabigat ang karga mo at hindi mo naire-release sa maayos na paraan. So, kahapon [November 26] ng umaga, nang nagte-taping kami, tumatakbo ako at hinahabol ako ng nanay ko [Rosanna]. Umiiyak kaming dalawa. So, ilang takes ‘yon.

“Siyempre, ang hirap sundan ng camera. Takbo ulit. ‘Tapos may eksena kami ni Kuya Ipe [Philip Salvador], so parang ang lahat nandito lang [sabay turo sa dibdib niya]. Parang gusto mong sumabog. So, noong gabi na siya, parang noong buong araw nga, parang nanginginig ako. Nahihirapan akong huminga kasi nga may sakit ako sa puso, di ba? So, alam ko na hindi na normal ang paghinga ko.

“So, noong gabi, biggest scene sa akin yung kukunan. Noong binabasa ko pa lang ang script, kinakabahan na ako. Kabadung-kabado na ako. Nanginginig na ako. Sinabi ko sa kasama ko, ‘Ate, pahingi naman ng tubig. Siyempre, nakabihis na ako, nag-i-internalize na ako. ‘Tapos, noong nilalagyan na ako ng garter for lapel, nanginginig ang paa ko na hindi ko na siya makontrol. ‘Tapos, sabi nila ang lamig ko nga raw hanggang sa wala na akong namalayan,” lahad ng young actress.


Read the rest of this entry »

Popularity: 8% [?]

Derek Ramsey on girlfriend Angelica Panganiban: “She’s my inspiration now.”

 

derek_angie1.jpg

Bagong pasok sa cast ng teleseryeng Maging Sino Ka Man Book 2 ng ABS-CBN ang character ni Derek Ramsey. Siya ang gaganap na Joaquin delos Santos at makakatambal niya ang real-life girlfriend na si Angelica Panganiban.

Masarap kausap ang binata dahil very candid at straightforward itong sumagot sa mga tanong at intrigang ibinabato sa kanya. Walang kiyeme, kumbaga.

Ang unang tanong ng PEP (Philippine Enetrtainment Portal) sa kanya during the presscon of ABS-CBN’s upcoming TV series last night—November 28—sa Plaza Ibarra, Timog, ay tungkol sa pagsasama nila ni Angel sa isang proyektong pang-telebisyon. How does it feel na makakatrabaho mo si Angel (ang tawag ni Derek kay Angelica)?

“We’ve worked together sa Ysabella ni Angel. Excited uli ako working with her dito. Ever since, bilib na ako kay Angel as an actress, especially noong mapanood ko siya sa movie na A Love Story. She’s really good and great actress. I’m also looking forward working with new people. This is such a wonderful cast, and I’m so proud to be part of this teleserye,” bungad ni Derek.
Read the rest of this entry »

Popularity: 8% [?]

Angelica Panganiban on boyfriend Derek Ramsey: “He’s almost perfect and he treats me like a princess.”

panganiban.JPG

Tiyak na magmamarka ang role ng young actress na si Angelica Panganiban
sa Book 2 ng isa sa pinakamalaki at award-winning teleserye ng ABS-CBN,
ang Maging Sino Ka Man.
Ginagampanan niya rito ang character ni Maria Lena Rubio Madrigal, ang
“jologs at lukaret” na anak ni Rosanna Roces. Kapatid niya sa ama si
Bea Alozno at mai-involve din siya rito kay John Lloyd Cruz.

Makakatambal din ni Angelica sa naturang serye ang kanyang real-life
boyfriend na si Derek Ramsey kaya’t tiyak na mas lalong lalalim pa ang
kanilang samahan dahil lagi silang magkasama sa taping. Tanong tuloy ng
entertainment press kay Angelica sa presscon ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik kagabi, November 27, ay kung gaya nina Anne Curtis at Sam Milby ay magkakaroon din sila ng kissing scenes at love scenes dito.

“Naku, marami kaming kissing scenes dito ni Derek na dapat abangan!
Kayo ang mananawa sa dami ng kissing scenes namin at may love scenes
din kami!” natatawang sabi ni Angelica.

Nakunan na ba ang mga eksenang ‘yon? May kaba ba sa kanilang dalawa?


Read the rest of this entry »

Popularity: 12% [?]

Derek Ramsey explains Angelica Panganiban’s sudden exit from “Ysabella”

angelica_derek.JPG

Last Saturday, October 6, sa pre-final week ng U Can Dance Ver. 2 ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga host ng show na si Derek Ramsay. Natatawa nga ito at nagbibirong sa final week daw nila, next Saturday, October 14, mapapanood na naman siyang sumayaw, along with his co-host Iya Villania.

Dinadaan na lang ni Derek sa biro na sa gagawin niyang pagsasayaw sa final episode ay malamang daw na wala pang 30 minutes ang gagawin niyang pagre-rehearse. Pero sabay-bawi na sinabing siguro ilang araw ang kailangan niya for rehearsal dahil aminado siyang pinag-aaralan pa rin niya ang dancing.

Samantala, tinanong na rin ng PEP si Derek tungkol sa biglaang pagkawala ng kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban sa primetime series na Ysabella, na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

“Yung role naman ni Angelica sa Ysabella is that…she was really just a guest and she’s not naman really a main character,” paglilinaw ng sexy model-actor. “Her character came in… Sabi nga, ang dami ngang nag-react. But I always tell her na kung nakuha mo ang reaction na ‘yon, yun naman talaga ang description ng character mo.

“At kung nagre-react man sila, it means you did your job very well. So, ‘yon. Her character was just supposed to come in… Ako kasi, aalis talaga ako ng seven weeks, so ginawan nila ng side story para may maisingit sila every now and then,” paliwanag ni Derek.

Ano naman ang naging reaction ni Angelica sa pangyayari? Sa pagkawala niya kasi sa Ysabella, may mga lumalabas na usap-usapan na dahil daw ito sa protesta ng ilang mga viewers or fans na hindi nagustuhan ang pagpasok ng character ng young actress sa soap.

“With her head held high,” mabilis na sagot ni Derek. “Actually, it was even her who first admitted na maganda ang chemistry namin ni Judy Ann, that of Mitos and Ysabella. Pero hanggang doon lang ‘yon, di ba?

“But Judy Ann and I, we’re good friends outside of work. Sa trabaho, siguro nagre-reflect dahil magkaibigan kami at madali kaming magkatrabaho. So, si Angel, she’s the person to admit na maganda ang chemistry namin.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

“Hindi naman siya naapektuhan kasi marami rin naman ang nagsasabi na mas maganda ang ginawa niya,” patuloy ni Angelica. “Marami rin ang nagsasabi na ang cute namin doon, may nagsasabi rin na mas cute sina Mitos at Isay, so iba-iba talaga. Wala naman talagang everybody will say na okay sa isang bagay lahat.”

Dagdag pa ni Derek, hindi niya iniisip na kaya may mga protesta sa pagpasok ni Angelica sa Ysabella ay dahil hindi sila tanggap ng mga tao bilang magkasintahan.

“I don’t think so,” sabi ng model-actor. “Ayaw nila yung role niya. Kasi ang ganda na nga ng istorya na na-develop between Mitos and Isay, and the people really got attached to the Mitos and Isay story and that’s why the people are reacting.

“Which is good dahil ibig sabihin, lahat na kaming artista really did our job very well. Kasi ‘yon naman talaga ang aim. Dapat kasi, maiinis sa akin ang mga tao, antipatiko, sosyal…so that’s what happened at first, I got feedback na naiinis sila sa character ko. Pero nang magka-love story na and saw the other side of Mitos, doon naman sila na-fall in love sa Mitos-Isay tandem,” pagtatapos niya.

Source

Popularity: 12% [?]

Maricel Soriano, Aga Mulach, Angelica Panginiban - A Love Story

Kanina, bago umalis papuntang Ireland and kaibigan kong stewardess na si Tasha, tinawagan ako at sa pagsagot ko pa lang ng hello, eto ang bati sa ‘kin.

Tasha: Don wori, ayl tek ker op yu, aym a doctor.. ay thot i kud fretend yu don’t eksis!

Chuva: Ano na naman ang mga pinagpapapanood mo?! At may linya ka na namang mi-ne-memorya dyan….

Tasha: Shempre ang trailer ng bagong movie ni Maricel and Aga - ang A Love Story.

Chuva: Ay oo nga, I want to watch that film too!! I have been waiting for the DVD - - do you have it na ba?

Tasha: Gaga, wala pa no. Sabi nga ni mommy, “Bakit pa kasi pinag-i-ingles pa nila si Maricel? Eh alam naman nilang malakas ang accent nun?!” *Humagalpak ng tawa*

Chuva: In fairness, mukhang maganda naman yung film.. sige, hanapin ko sa YouTube yung trailer.. pakikinggan ko.

Well, after listening to the trailer, she wasn’t that bad naman. I thought talagang matigas ang accent eh hindi naman pala. Shempre, dahil number one fan ako ng megastar, hindi ako puedeng mag-kowment no?!



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner


So, to prove the point that it wasn’t that bad, I am posting the trailer. Thanks to alodia84 for posting the full trailer on YouTube. The movie looks sooo good!! I wanna see it now!

Popularity: 19% [?]

A Love Story - Maricel Soriano, Aga Mulach, Angelica Panginiban

The movie is a huge success…

Popularity: 18% [?]