banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Angelika dela Cruz reveals she is already married and three-months pregnant

angelika_dela_cruz1.JPG

Isa sa sa exclusive stories ng Showbiz Central ngayong hapon, October 12, ay ang pag-amin ng aktres na si Angelika dela Cruz na siya ay kasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Orion Casareo at siya ay tatlong buwang buntis na. Pero umaga pa lang ay kausap na si Angelika sa pamamagitan ng text nang binati namin siya sa kanyang bagong kalagayan.

Hindi na niya kami tinanong kung ano ang alam namin. Isang mahabang text na lang ang kanyang ibinigay. Ito ang nilalaman ng kanyang text message sa PEP:


Read the rest of this entry »

Popularity: 26% [?]

Angelika dela Cruz happily tells wedding engagement to non-showbiz boyfriend

angelika_dela_cruz.JPG

“Nag-propose na! Last two or three weeks ago,” Angelika giggles as she breaks the news about the marriage proposal she got from her boyfriend of three years, Orion Casareo.

In a taped interview with Startalk aired yesterday, October 11, the Lalola actress detailed the night she got engaged to her boyfriend.


Read the rest of this entry »

Popularity: 20% [?]

Angelika dela Cruz fearlessly accepts contravida roles

angelika_dela_cruz.JPG

Hindi na raw issue para kay Angelika dela Cruz na ang ibinibigay sa kanyang mga roles ngayon ay parating nakakalaban ng bida. Ilang telenovela na raw kasi ang nilabasan niya kunsaan kontrabida siya, pero napapansin naman ang kanyang performance. Yun naman daw ang mahalaga.

“Siguro naman, hindi nila ibibigay sa akin ang gano’ng mga roles kung hindi ko kakayanin,” diin ni Angelika.


Read the rest of this entry »

Popularity: 21% [?]

Angelika dela Cruz takes two for kissing scene with Wendell Ramos

wendell_ramos_angelika_de_la_cruz.JPG

A true professional, kahit may fever at medyo paos ang boses, um-attend pa rin si Angelika dela Cruz ng presscon ng Sine Novela na Una Kang Naging Akin ng GMA-7, noong Huwebes, August 28, sa Sapphire Room ng Mandarin Suites sa Gateway, Cubao, Quezon City. Nagpaliwanag naman si Angelika.

“Umaga na po kasi kami natapos ng taping. This morning,” nakangiting sagot ni Angelika. “Sa Monday [September 1] na po kasi ang pilot telecast namin, after ng Vaklushi season ng Daisy Siete and we need to promote it.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 39% [?]

Angelika dela Cruz disclaims rumor she and non-showbiz boyfriend have already wed

angelika_dela_cruz.JPG

Fans of Angelika dela Cruz have good reason to speculate about their idol since rumors suggest that Angelika has already tied the knot with a man referred to only as “Mr. Orion.” Startalk host Butch Franciso interviewed Angelika yesterday via phone patch to ask whether or not the good news was true.

“Totoo bang magpapakasal ka sa isang ‘Orion’?” Butch asked.


Read the rest of this entry »

Popularity: 23% [?]

Angelika dela Cruz postpones Austrian trip in favor of “Una Kang Naging Akin”

angelika_dela_cruz.JPG

Halos two hours pa lang daw siyang nakakatulog mula sa pagte-taping ng Babangon Ako at Dudurugin Kita ng GMA-7, nang makausap ng PEP si Angelika dela Cruz.

Dahil daw kasi sa pag-ulan last Tuesday sa Noveleta, Cavite, hindi sila nakatapos ng taping, kaya kinailangan din nilang bumalik doon kahapon, May 28, at pagkatapos ay dumiretso sa Manila Memorial Park in Parañaque, para ituloy ang taping doon.


Read the rest of this entry »

Popularity: 32% [?]

Captain Barbell will fly again with Darna come 2008

darna.jpgcaptain-barbell-5.jpg

Gumawa ng movie ad trailer ang GMA-7 para sa mga bagong primetime shows nito for 2008. Ipapalabas ang nasabing trailer sa lahat ng sinehan starting this Christmas, sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival 2007. Hindi pa man nagsisimula ang MMFF, ipinakita na ito sa premiere night ng Resiklo noong Sabado sa SM Mega Mall. Sandwiched ang apat na shows sa pinaka-teaser ng Valentine movie ng GMA Films at Regal Films na A Very Special Love, ngunit si Richard Gutierrez lang ang ipinakita, with a blurb that says, “she is definitely coming this Valentine.”

Ang unang ipinakita ay ang Joaquin Bordado nina Robin Padilla at Iza Calzado. Heavy ang special effects ng trailer dahil nabubuhay ang mga tattoo sa katawan ni Robin as Joaquin Bordado na parang nag-a-apoy.

From the direction of Mac Alejandre and Argel Joseph, Joaquin Bordado also stars Mark Herras, Iwa Motto, and Cristine Reyes, although may usap-usapan na planong lumipat ng bakuran ang nakababatang kapatid ni Ara Mina.


Read the rest of this entry »

Popularity: 14% [?]

Angelika dela Cruz’s contract signing with GMA-7 postponed

angelikadlc.JPG

Hindi pala natutuloy ang pagpirma ng exclusive contract ni Angelika dela Cruz sa GMA-7 kagabi, November 21. Matatandaang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita na nakatakdang pumirma ng two-year exclusive contract si Angelika kagabi sa GMA Network Center. Pero imbes na contract signing ay nag-shoot muna siya para sa plug ng mga bagong shows ng Kapuso network for 2008. Ipalalabas ang naturang plug sa lahat ng sinehan habang ongoing ang 2007 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

Kahit wala pang napipirmahang kontrata, kabilang si Angelika sa soap opera na Babangon Ako’t Dudurugin Kita na pagsasamahan nila ni Yasmien Kurdi. Remake ito ng 1989 Viva Films movie nina Sharon Cuneta at Hilda Koronel kasama si Christopher de Leon at idinirek ni Lino Brocka.

Nakausap ng PEP ang ama ni Angelika na si Mr. Ernie dela Cruz kagabi, November 21. Sinabi nito na kaya hindi pa sila nakakapirma sa GMA-7 ay may mga inaayos pa sila sa ABS-CBN para walang nang problema oras na magkapirmahan na sila sa Kapuso network.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

“Ongoing pa kasi ang Prinsesa ng Banyera. Pero sa huling pakikipag-usap namin, papatayin na lang ang character ni Angelika sa show,” sabi ni Daddy Ernie.

“Wala naman kaming pagtutol doon kasi nga we already made our decision. Wala namang exclusivity si Angelika sa Dos and we feel that going back to GMA-7, mas maraming magagandang mangyayari sa kanya.

“Bago kami pumirma, gusto muna naming maayos ang pagpapaalam ni Angelika sa Dos. Natutuwa naman ako at welcome pa rin si Angelika sa dating tahanan niya. Kapuso na naman ulit ang anak ko,” masayang pahayag ng ama ni Angelika.

May mga nagsasabing na-frustrate daw si Angelika sa paglipat niya sa ABS-CBN dahil imbes na magbida siya sa mga teleseryeng kinabilangan niya, naging kontrabida siya. Pero pinabulaanan ni Daddy Ernie ang usap-usapang ito.

Sa katunayan, nagpapasalamat nga raw sila ng kanyang anak sa ABS-CBN dahil kahit kontrabida ang kadalasang napupuntang roles kay Angelika, magaganda naman daw ang mga naging projects nito.

“Wala kaming masasabing masama laban sa Dos,” diin ni Daddy Ernie. “Noong lumipat si Angelika doon, tinanggap nila ang anak ko with open arms. Naging maayos naman ang pakikipagtrabaho ng anak ko sa kanila. Kung ano man ang mga lumalabas na tsismis, e, tsismis lang talaga ‘yon. Basta si Angelika, walang nakabangga na kahit sino sa Dos.”

Ayon pa kay Daddy Ernie, dalawang taon nga raw ang kontratang pipirmahan ni Angelika sa GMA-7 at maganda raw ang mga napagkasunduan nilang mga projects.

“Hindi lang kasi sa paglabas sa mga soap dramas, pati ang first love ni Angelika na singing ay magagamit nang husto. Kaya maganda ang pagbabalik ni Angelika sa GMA-7,” sabi ni Daddy Ernie.

Source: PEP

Popularity: 6% [?]

Angelika dela Cruz happy with Kapamilya and role in “Prinsesa ng Banyera”

banyera_princess.jpg

I think Angelika is an awesome actress.  I watched her in “Bituing Walang Ningning” tv series and was amazed with her acting ability.  I hope that this series (although a pilot at this time) will make it and run for a few seasons.  Besides, having Kristine Hermosa on the show does help too!!  We’ll see….

- Chuva Chienes

Mukhang masaya naman si Angelika dela Cruz sa bagong assignment na ibinigay ng ABS-CBN sa kanya. Gumaganap ng offbeat role si Angelika sa afternoon soap opera, Prinsesa ng Banyera. Hindi masasabing all-out kontrabida ang papel niya rito, kundi tipong multi-dimensional character na makaka-emphatize pa rin ang mga tao.

“Natutuwa ako dahil sa feedback, naiintindihan nila where my character is coming from. Yun lang ang gusto ko, yung kahit bad girl yung character, makikita ng mga tao yung soft side niya. That’s what I like best sa role ko as Daphne, dahil nakaka-challenge talaga,” sabi ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang dumalaw kami sa taping ng Prinsesa ng Banyera.

Unlike before na lagi na lang iniintriga si Angelika with her co-stars, ngayon ay wala nang ganitong mga isyu. Sa Bituing Walang Ningning kasi ay pinagsabong sila ni Sarah Geronimo.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

“Maraming parating na mga salita, na kesyo sinabing ganoon, ganyan. When I was younger, I must admit, madali rin akong mairita. Nagre-react talaga ako,” sabi ng aktres.

“Ngayon, siguro nga, nag-mature na ako. I think a lot first. ‘Tapos ang ginagawa ko, kinakausap ko yung taong involved. Very friendly, para walang gulo.

“Nakakapagod na rin yung ganyan. For a time before, madali akong maapektuhan. Ngayon, bale wala sa akin. For as long as I’m happy with what I’m doing, wala akong sinasagasaan, I feel things will always get better.”

ANGELIKA & KRISTINE. Noong nasa GMA-7 pa si Angelika, pinagsabong sila ni Kristine Hermosa dahil kay Jericho Rosales. Dating ka-loveteam ni Angel si Jericho, ‘tapos ay nagkaroon ng buildup kina Echo at Tintin dahil lumipat from ABS-CBN to GMA-7 si Angelika. Ngayon ay magkasama na sila ni Kristine sa Prinsesa ng Banyera.

“Natatawa nga ako kapag naiisip ko ‘yon,” sabi ni Angelika. “Pero alam ni Tintin ‘yon, never akong nakipag-away sa kanya dahil wala naman kaming dapat pag-awayan.

“Tatawanan mo na lang yung mga naging intriga sa amin dahil…kanino ba napunta si Echo sa tunay na buhay? Kay Heart [Evangelista], di ba? Who would ever think? Kanino ba napunta si Tintin? Di ba kay Diet [Diether Ocampo]? So, iisipin mo, makikipag-away ka ba dahil diyan. At the end of the day, you will end up as friends, gaya sa nangyari sa amin ni Tintin.”

Kuwento pa niya, “Hindi basta naniniwala ang iba, pero sa set, maski itanong mo kahit kanino, masaya kami ni Tintin. Nag-uusap kami, nagbibiruan. Walang mabigat na feeling sa set. Really, I am very glad that we’ve become friends ni Tintin.”

SWITCHING CHANNELS. Okay naman pala siya with Tintin at sa ABS-CBN. Pero bakit kumakalat ang balitang lilipat na naman siya sa GMA-7?

“How can I do that?” nagtataka niyang sabi. “Mayroon kaming teleserye na matagal pa bago matapos. Kasi kahit umalis ako sa GMA-7, hindi ako nag-burn ng bridges. Alam nila ‘yan.

“I keep communication lines open pa nga, with Tita Wilma [Galvante] up to now, kay Anette [Gozon]. Every now and then, nangungumusta ako sa kanila, ganoon din sila sa akin. Kasi naiintindihan nila noon yung paglipat ko. Yun lang ang masasabi ko.

“Dedma ako sa lipatan issue dahil okay lang ako sa ABS-CBN. At saka hindi na rin kasi bago ang ganyang mga isyu, kahit sa ibang artista. Mayroon na ring mga taga-Dos na lumipat sa Siete, ganoon lang. Kung saan ka masaya,” aniya pa.

Pero totoo bang sumama ang loob niya dahil after Bituing Walang Ningning, ang ibinigay sa kanya ay super-villainess role sa Pedo Penduko at ang mga Engkantao? It took a year after she got another meaningful teleserye like Prinsesa ng Banyera.

“I must admit, medyo nabagalan na talaga ako,” pag-amin ni Angelika. “Dati kasi, kahit talk shows, nabibigyan ako. Okay lang sa akin, basta ba may regular exposure. Pero iniisip ko na rin, hindi na ako bumabata.

“Wala namang hindi napapag-usapan, e. Pero iniisip ko na rin ang klase ng exposures na ibinibigay sa akin dahil hindi rin ‘yan nakukuha sa maramihan,” paliwanag niya.

Samantala, mukhang palaban na si Angelika sa kissing scenes. Nag-aapoy kasi ang mga eksena nila ni Rafael Rosell sa Prinsesa ng Banyera.

“Matagal na akong nakikipag-kissing scene, ano ba?” tawa ni Angelika. “From my first kissing scene with Robin Padilla [in the movie Hari ng Selda], hindi na bago ‘yon, but I see to it na done in good taste lahat. Maski itong sa teleserye namin, we all have to do our best.

“Roles lang naman ‘yan. Gusto ko rin namang mabigyan ng justice ang portrayal ko. E, kung dadayain ko ‘yun, mahahalata lang, ako rin ang masisira,” paliwanag ni Angelika.
Source: PEP

Popularity: 9% [?]