Ariel & Maverick explain delay of their movie for GMA Films
Medyo matatagalan pa raw bago matapos ang pelikula nina Ariel and Maverick para sa GMA Films dahil nagkaroon daw ng konting aberya. Unang-una ay bigla raw nabuntis ang kanilang director na si Aleah Aliporo Eugenio at pangalawa, marami pa raw silang kulang na mga eksena kaya kailangan nilang bumalik sa Amerika.
Paliwanag ni Maverick, “Hindi naman maiiwasan ang mga ganyan, e. Alam namin na marami ang naghihintay for the movie at one year in the making na nga ito. Pero mga 70 percent of the movie na ang na-shoot namin. May mga eksena na kaming nakunan dito, e. Yung mga scenes na lang sa U.S. ang kulang. Kapag okey na ang lahat at matuloy na kami, mga ten days of shooting ang gagawin namin. So, malamang na baka early next year na ito maipalabas.”
ariel and maverick comedy show gma 7 gma films philippine television primetime comedy robin padillaPopularity: 26% [?]


























