banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Iwa Moto’s suitor laughs off sex-video scandal

arvi_encelan.JPG

Kumalat via blind item ang isang hindi kagandahang balita patungkol sa bagong nali-link sa young actress na si Iwa Moto—na may sex video diumano. Ayon sa blind item, the guy—a model with foreign blood—ay nagsi-self-sex habang kinukunan ng ibang tao. Napangalanan si Iwa bilang the girlfriend in question sa blind item, but not the guy since wala pa siyang pangalan sa larangan ng mainstream showbiz.

On our way to Station 168 Internet Café Friday night, December 7, biglaan kaming nagkita ni Iwa na simply dressed with minimum makeup at nagkumustahan.

“Wala pa rin pong bago, Zaido pa rin,” sagot niya.

Biglang kumambiyo si Iwa to tell us na siya ang magiging cover girl ng Uno magazine ni Diether Ocampo for the January-February 2008 issue. Early this year, nag-FHM cover girl na rin siya.

“For a change!” sabay tawa ng StarStruck 3 First Princess.

Bigla niya ring nabanggit na lalabas na ang kanyang 2008 calendar for Ginebra San Miguel. Hindi namin matatandaan kung sino ang 2007 calendar girl ng GSM kung kaya’t si Iwa na ang nag-supply: “Si Angelica Panganiban po.”

Pagkatapos ay may lumapit kay Iwa na isang guwapong semi-kalbo na lalake at ipinakilala ng young actress. Arvi Encelan ang pangalan ng kasama ni Iwa at bigla naman naming naalala ang blind item about them, so tinanong namin si Iwa kung si Arvi ang boyfriend niya.

“Naku, hindi pa po, we’re still dating pa lang,” sagot ni Iwa. “Siya po ang nali-link sa akin na boyfriend ko raw, pero hindi pa po talaga. Ayoko muna.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 21% [?]