Angel Locsin remains mum about her breakup with Luis Manzano

Although former couple Angel Locsin and Luis Manzano are finally talking to each other months after their breakup, Angel refused to talk about the reason for their split. “Ayaw ko talagang magsalita,” the actress said, adding that she is in no position to go into details since Luis is also keeping mum about the issue. “Alam n’yo naman ako, kahit dati hindi rin naman ako nagsasalita.” Angel also pointed out that she and Luis respect each other to divulge any private details.
KC Concepcion would like to try acting in indie films

Having a teleserye is a dream come true for KC Concepcion and now that Lovers in Paris has proven to be a successful project, KC reveals that she wants to try other things besides doing mainstream TV. “I would love to do indie. ‘Yun nga yung maganda this year na-fulfill ko na ‘yun pangarap ko na subukan lahat. Nagumpisa po ako sa theater, then nag-hosting na rin ako then movies then teleserye and commercials so maganda ‘yung feeling ko ngayon na masubukan lahat ng iba’t ibang klaseng paraan para umarte magawa ko and now it would be nice to do an indie film and it will be masaya talaga and parang experimental ng konti,” shared KC.
KC Concepcion would like to try acting in indie films

Having a teleserye is a dream come true for KC Concepcion and now that Lovers in Paris has proven to be a successful project, KC reveals that she wants to try other things besides doing mainstream TV. “I would love to do indie. ‘Yun nga yung maganda this year na-fulfill ko na ‘yun pangarap ko na subukan lahat. Nagumpisa po ako sa theater, then nag-hosting na rin ako then movies then teleserye and commercials so maganda ‘yung feeling ko ngayon na masubukan lahat ng iba’t ibang klaseng paraan para umarte magawa ko and now it would be nice to do an indie film and it will be masaya talaga and parang experimental ng konti,” shared KC.
Angel Locsin: ‘Hindi ako nagpapaligaw ngayon’

Angel Locsin said that while she continues to be busy with Shop and Share, the online charity auction that she started with fellow celebrities to raise funds for flood victims, she is also gearing up for her 2010 projects which includes a teleserye and a movie.
The actress said that her movie with Aga Muhlach, which had been previously postponed, will be due out next year. Angel said that she can’t wait to start working with the actor. “Wow, eh siyempre Aga Muhlach ‘yun, di ba? Sino ba naman ang tatanggi at sino ba naman ang ayaw? Very happy ako na nagkausap kami at sinabi niya na gusto niya akong makatrabaho. Siyempre ako rin gusto, so masaya.” Her highly-anticipated team-up with John Lloyd Cruz in a teleserye is also expected to happen in 2010.
Roxanne Guinoo will return to primetime TV via ‘Mahal Na Mahal Kita’

Roxanne Guinoo will soon start taping for her newest soap, Mahal Na Mahal Kita, where she stars opposite Sid Lucero and Rayver Cruz. The teleserye will be one of ABS-CBN’s major shows for the first quarter of 2010. When asked about her reaction when this project was first offered to her, Roxanne shared that it was truly worth the wait after her brief hiatus on primetime TV. “Matagal na itong napag-usapan e—kung anong magiging flow ng story, kung purely drama, tapos kung anong mga eksena ang kaya naming gawin—maganda talaga yung objective nung proyekto. Parang ibabalik ulit natin yung lakas ng drama sa viewers,” she told ABS-CBN.com after her special production number at the Star Magic World Tour concert in Araneta Coliseum last November 13.
KC Concepcion: “I’d love to take care of someone right now.”

Living the single life can be lonely too in the long run. And that applies even to model-actress KC Concepcion.
At the press conference held today, November 17, at Annabel’s restaurant on Tomas Morato, Quezon City, the daughter of Megastar Sharon Cuneta and ’80s matinee idol Gabby Concepcion hinted at her desire to be in a relationship. She remained coy though in revealing the lucky guy’s identity.
“I’d love to take care of someone right now. But in terms of marriage parang no na muna. I want to take care of someone but we also have a lot of work right now… It’s a blessing, you accept and you take it for what it is as it comes,” KC told members of the entertainment press who came to witness KC’s latest partnership with Swatch watches Philippines.
Anne Curtis and Angel Locsin nearing P1 million target through Shop and Share

Ang young actress na si Anne Curtis ang naging ka-partner ni Angel Locsin nang maisipan ng huli na buuin ang Shop and Share auction na makikita sa eBay.ph. Sinimulan nila ito noong halos kasagsagan pa ng bagyong Ondoy at Pepeng at ngayon, ika-third batch na raw itong pagri-release nila ng mga items in cooperation with the Philippine Red Cross. Isa sa mga items ay galing kay Manny Pacquiao.
Kagabi, sa launching ng Shop and Share sa 4th floor ng Gateway Mall, naikuwento ni Anne kung paano nagsimula ang worthy cause na ito.
Vina Morales is sad about Robin Padilla’s divorce

Vina Morales is happy to be working again after giving birth to her daughter Ceana. Vina sang at the Star Magic World Tour Concert held last November 13 at the Araneta Coliseum. The singer-actress is now back in shape to do concerts or acting jobs on TV or in movies. “Ang hirap magpapayat, ha ha ha! Nag-work out ako at I continue to watch what I eat. Kung ano ano na yata ang ginawa ko para pumayat. Pero kasi noon pang pregnant ako hindi naman talaga ako nagpabaya sa katawan ko. I had the right diet. So after I gave birth madali lang to get back in shape,” she shared.
KC Concepcion recounts her father’s intimate birthday celebration

Model/actress/singer KC Concepcion is happy with the turnout of her father’s recent 46th birthday celebration held last November 8 at the Manila Yacht Club.
PEP caught up with KC earlier today, November 12, during the Close-Up Halik Meter Challenge staged at the Market! Market! in Taguig City.
“It wasn’t what I was expecting. Sobrang ganda nung boat and puro ilaw favorite color ko pa ‘yong ilaw na purple na makikita mo sa dagat!” KC beamed with obvious excitement.
Bea Alonzo refuses to take Sam Milby’s special gift

Nakabalik na sa bansa ang aktres na si Bea Alonzo mula sa kanilang Heartthrobs Concert Tour sa Europe. At sa naging mainit na pagsalubong sa kanya ng SNN, malugod na ikinuwento ni Bea ang aniya’y napakasayang experience niya sa naturang lugar. Pagdaragdag pa nga niya kaugnay nito, kung mabibigyan daw siya ng pagkakatao’y nais niyang bumalik doon para makapag-travel sa iba pang bahagi nito.
Toni Gonzaga finally agrees to do a kissing scene

Toni Gonzaga finally did her first onscreen kiss that she shot for her latest movie, Ang Tanging Pamilya, which also stars former president Joseph Estrada, Ai-Ai de las Alas, and her leading man Sam Milby. The actress-host revealed that it took a lot of convincing before she finally agreed to do the kiss. “Hindi naman talaga ako nagki-kissing scenes, kaya lang sabi kasi nila sa akin, nina Ms. Malou Santos (Star Cinema managing director) (and people from) Star Cinema, ‘Hija 25 (years old) ka na.’ Matanda na raw ako,” Toni shyly recalled.
Anne Curtis admits that she and Kris Aquino share similar traits

Nito lamang huling panayam sa kanya patungkol sa pinaplanong biopic ng namayapa niyang ina na si Dating Pangulong Cory Aquino, buong galak na ipinaalam ni Kris Aquino ang kagustuhang niyang gampanan ni Kim Chiu ang role niya. Ani ni Kris, bagay na bagay di umano ang young actress to play her part during her younger years dahil liban sa paghanga niya sa talento nito bilang artista’y kuhang-kuha raw ng dalaga ang ilan sa prominent physical attributes niya, specifically her eyes.
Carrie Prejean just wouldn’t shut it. Watch her interview with Today Show here.

She just keeps dragging it on and on and on… Come on. The dethroned beauty queen, self-righteous and formerly Ms. California – Carrie Prejean was on the Today Show blabbing her mouth again.
She still says that these are all a consequence of her statement against “same-sex marriage”. Are you for real Carrie?
Having a sex tape (which a question she vehemently avoided when Meredith Vieira inquired about it) is soooooooo righteous isn’t it? Just don’t marry anyone of the same sex… just create sex video tapes. This topic is sickening already… she should just shut up and hide somewhere.
Angelica Panganiban admits Derek Ramsay is the center of her happiness

Kung last year ay isang sasakyang Mini Cooper ang regalo ni Derek Ramsay sa girlfriend nitong si Angelica Panganiban sa kanyang birthday, isa namang mamahaling Hermes bag ang iniregalo ng aktor sa aktres for this year. Sa The Buzz kahapon, sinabi ni Angelica na sa puntong ito ngayon ng kanyang buhay ay wala na siyang mahihiling pa.
“Nasabi ko kasi sa sunud-sunod na blessings na natatangap ko, dumating ako sa point na hindi ko akalain na ‘pag magpi-pray ako, puwede ko palang sabihin na, ‘Lord okay na ako. ‘Yung iba naman po,” sambit ng dalaga. “Sobrang umaapaw lang na happiness ang nararamdaman ko. Sobrang masaya po. Di ko akalain.
Rey “PJ” Abellana advises daughter Carla to stay away from romance as she builds showbiz career

Sa bagong epsiode ng SRO Cinemaserye Presents ng GMA-7, ang “Carinderia Queen,” magsasama sa unang pagkakataon ang dating matinee idol na si Rey “PJ” Abellana at ang anak nitong si Carla Abellana.
Unang napabalita na mag-ama ang gagampanang papel nina PJ at Carla rito sa “Carinderia Queen,” tulad ng role na gagampanan nina Gina Alajar at Geoff Eigenmann, pero nagkaroon ng pagbabago. Mag-ina pa rin sina Gina at Geoff sa kuwento, pero hindi na mag-ama ang papel nina PJ at Carla.
Hindi naman daw na-disappoint si PJ sa pagbabagong naganap sa kuwento.
“In a way, na-surprise ako dahil… In the sense na bakit pa kami—just my personal thought—na bakit pa kami pagsasamahin na hindi naman kami mag-ama dito? At the same time, not only us, Carla and me, but also on the other hand, Geoff and Gina na mag-ina dito
Vina Morales is happy with sister Shaina Magdayao’s career

Vina Morales said that she is happy with sister Shaina Magdayao’s career, even as some people have claimed that Shaina is trailing behind her showbiz counterparts like Kim Chiu and Maja Salvador. “Naaalagaan siya and she’s doing very well. Kaya nga minsan-minsan na nga rin siya makita dahil kadalasan may taping siya and then she has ASAP pa and then movies pa. ‘Yung mga ganun so ako talagang thankful ako na naalagaan siyang mabuti ng ABS-CBN at Star Magic.”
Yeng Constantino admits being single sometimes gets to her

ABS-CBN.com caught up with Yeng Constantino at the rehearsals for the Star Magic Concert to be staged this November 13 at the Araneta Coliseum. The Pinoy Dream Academy’s first Grand Star Dreamer was sporting a new hairdo which prompted questions as to whether or not she had someone in mind who inspired the change. “Wala namang taong dahilan kung bakit ako blooming. Sobrang happy ko lang siguro sa buhay ko ngayon kaya napapansin niyong blooming ako. Conscious na rin ako sa look ko ngayon. Nararamdaman ko na kasing nagdadalaga na ako, kahit na dalaga naman na talaga ako, ha ha ha! Siyempre hindi na rin pwede ‘yung dati na haharap ako sa mga tao na magulo ang buhok ko. Bilang babae dapat naman siguro matuto akong magayos ng sarili ko.”
Glaiza de Castro describes her role in Stairway To Heaven as “exasperating”

Very effective si Glaiza de Castro sa kontrabida role niya bilang Eunice sa Stairway To Heaven. Hindi man niya pinanood nang buo ang original Korean version nito, pero marami ang nagsasabing kuhang-kuha raw ni Glaiza ang pagganap ng Korean actress na unang gumanap bilang Eunice, pati ang expression ng mga mata nito.
Natuwa naman si Glaiza sa mga natatanggap na feedback sa kanyang pag-arte. Ayon sa kanya, hindi raw talaga madaling gampanan ang character na ginagawa niya ngayon sa Stairway To Heaven, na napapanood gabi-gabi sa Telebabad block ng GMA-7.
Anne Curtis wants to help rebuild people’s lives with her charity auction.

Anne Curtis and Angel Locsin’s shopandshare.ph charity auction has already earned USD18,000 after selling the first batch of items donated by various celebrities. ABS-CBN.com caught up with Anne after the October 31 episode of Showtime where the actress admitted how busy she is with the said auction. “Ito kailangan ko na nga ayusin ngayon kasi hinihingi na ng lola mo (Angel Locsin) ‘yung mga pictures ng second batch na items so medyo busy-busyhan na. After Showtime, ito kaagad ‘yung inaasikaso ko, if not going house to house ng mga artists and celebrities para dun kumuha ng pictures ng mga items nila.”
Marian Rivera disappointed by shelving of Nieves

Ikinalungkot ni Marian Rivera na hindi na matutuloy ang pagbibidahan niyang pelikula na Nieves, na entry sana ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre. Pansamantalang naisantabi ang pelikula dahil sa reported health problems ng direktor nito na si Mike Tuviera.
Ayon kay Marian, nalungkot siya talaga dahil ngayon lang siya mawawalan ng entry sa taunang film festival.
Sarah Geronimo shines in Metro Magazine’s November issue

Singer-actress Sarah Geronimo graces the cover of Metro Magazine’s November issue. Metro focuses on what makes Sarah the next big thing, now that she carries dual titles of “Pop Star princess” and “box office queen.” The cover story traces how Sarah, now 21, has evolved into a successful showbiz celebrity from her humble beginnings.
The issue also details how Sarah reaffirms that she’s no longer a child but won’t be straying from her wholesome image and how she’s one of the top singers of the country but maintains a simple life to keep her happy. Metro also shows another side of Sarah, that of a fashion icon in a fashion spread featuring some of the country’s top designers.
November is also Metro Magazine’s Annual Gift Issue, packed full of ideas and items that should suit even the most discerning recipient. For those who love to travel, Metro features the 20 must-dos for the world traveller. Metro Magazine is available at newsstands nationwide. Log on to www.metromagazine.ph for more information on the latest issue of Metro Magazine.
via Sarah Geronimo shines in Metro Magazine’s November issue :: ABS-CBN.com.
Ruffa Gutierrez says she’s genuinely happy for Zoren Legaspi and Carmina Villaroel

Inabutan namin si Ruffa Gutierrez during dinner break sa set ng Shake, Rattle & Roll XI na official entry ng Regal Films para 2009 Metro Manila Film Festival. Excited si Ruffa about this project dahil pagkatapos ng maraming taon ay magtatambal silang muli ng ex-boyfriend niya na si Zoren Legaspi sa “Ukay-Ukay” episode ng SRRXI. “Actually, last year ko pa ito hinihingi kay Mother (Lily Monteverde). Kasi masyado akong nagandahan sa trailer ng ‘Silent Night’ last year. Sabi ko, ‘Mother, next year isali mo naman ako sa Shake.’ Hindi nila alam na I would be interested to do horror movies. So, early this year nag-usap kami ni Roselle (Monteverde, daughter of Mother Lily). Nu’ng sinabi niya na, ‘O, interesado ka pa ba na gawin ’yung Shake?’ ‘Yeah, why not? Oo, basta maganda ‘yung istorya.’ So, nu’ng inoffer sa akin ito, tuwang-tuwa ako. Kasi this is my second Shake, Rattle and Roll. The first time I did Shake siguro mga 90s ‘yun. Hindi ko na maalala, eh. Mga first four siguro ‘yung ginawa kong Shake,” lahad ni Ruffa.
Kapamilya stars admire Angel Locsin’s nonstop charity work

With the help of Anne Curtis, Kris Aquino, and Dimples Romana, Angel Locsin was able to get support from fellow celebrities to raise funds for the typhoon victims via an online auction known as Shop and Share. Kim Chiu even recounted to ABS-CBN.com the first time she learned about this project. “May nagtext sa akin na unknown number. Akala ko kung sino. Tapos sabi niya si Anne daw siya. So tinawagan ko, sabi ko, ‘Hello, ikaw ba talaga si Anne?’ Oo daw, tapos inexplain niya na magpapa-auction nga daw sila sa internet tapos yung proceeds mapupunta sa Red Cross. So sabi ko, ‘O sige game ako,” she began.
Anne Curtis says she rarely has time for a social life

Anne Curtis is happy that her new show, Showtime, is already earning high ratings even if it was just launched a week ago. The show is receiving a lot of good feedback and advertisers are lining up to support the show. “Super saya ako ngayon, yes, thank you talaga. Super happy kami sa results ng ratings and everything about the show. Lahat kami super happy talaga.” She believes that her team-up with co-hosts Vhong Navarro and Vice Ganda works since the two are natural comedians and she did not have a hard time adjusting to them. “Si Vhong naman kasi nakaka-work ko ‘yan sa ASAP, iba lang kasi hindi siya variety show. And si Vice Ganda, this is not the first time we worked together. Sabi nga niya lahat ng regular show niya sa ABS-CBN ako ang nakakasama niya like ‘yung Dyosa.”
Angel Locsin admits she and Luis Manzano are not yet okay

“Nami-miss ko kung paano kaming dalawa dati pero hindi ko siya nami-miss,” ito ang statement ni Angel Locsin nang tanungin kung nangungulila ba siya sa dating boyfriend na si Luis Manzano. Naging usap-usapan din ang pagkikita ng dalawa sa ASAP para sa opening number ng programa dahil pareho nilang hindi alam na magkikita sila kung kaya’t pareho silang nasorpresa. “Dun lang uli kami nagkita tapos biglaan pa,” paliwanag ni Angel. “Hindi ko alam na kasama sa opening kaya medyo nakakaloka ang reaction ko.” Dagdag pa niya, sa tingin din niya ay nagulat si Luis sa nangyaring pagkikita. “Nagulat naman talaga ako and siya rin naman siguro nagulat, kaya lang mas kaya niyang dalhin ang sarili niya.”
Angel Locsin says Luis Manzano will always have a special place in her heart

Sa isang maikling panayam sa SNN nito lamang October 19, matapang na sinagot ni Luis Manzano ang mga intrigang pilit pa ring nagli-link sa kanila ng dati niyang kasintahang si Angel Locsin. Kaugnay ng nasabing panayam, nabanggit rin ng naturang aktor na sa kabila ng sinapit ng relasyon nila ng aktres ay nananatili pa ring mayroong nakalaang espesyal na puwang ang dalaga sa puso niya.
At matapos nga ang matagal na pananahimik, kanina sa SNN ay nagsalita na rin si Angel kaugnay ng naturang isyu. Hindi na itinanggi ng dalaga ang muling pagbabalik ng komunikasyon sa pagitan nila ni Luis lalo na nang mag-umpisa ang proyekto nila ni Anne Curtis na Shop and Share para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Ani niya, isa raw kasi si Luis sa marami pa nilang masugid na supporter simula noong maitatag nila ang naturang campaign.Pagbabahagi naman ng dalaga patungkol sa tunay na estado ng kasalukuyan nilang relasyon ng dating boyfriend, “Inaayos namin na maging magkaibigan kami.
Marami pa kaming kailangang ayusin.” At nang sinubok ngang alamin ng SNN kung ano ang tinutukoy niyang kailangan nilang ayusin, ngumiti lamang siya at sinabing “Well, si Luis na lang siguro dapat magsabi sa inyo.”Katulad ni Luis, inamin ni Angel na hanggang ngayo’y may espesyal na parte pa rin ang dating karelasyon sa puso niya. Paliwanag nga niya, sadyang malalim daw ang pinagsamahan nilang dalawa kaya hindi ganoon kadaling balewalain ito. Ngunit nang direkta siyang tinanong kung hanggang sa kasalukuya’y mahal pa rin niya si Luis, nakangiti siyang tumugon ng “Uhm, ayan yung mga tanong na di ko kayang sagutin sa ngayon.”
via Angel Locsin says Luis Manzano will always have a special place in her heart :: ABS-CBN.com.
Bea Alonzo is nervous about her reunion movie with John Lloyd Cruz :: ABS-CBN.com

Bea Alonzo admitted that she feels nervous about her reunion movie with John Lloyd Cruz even if they have been onscreen partners for many years. “Kinakabahan kasi si John Lloyd andami nang nagawa. Napatunayan na niya ang sarili niya at ang galing-galing niya so nakakakaba sa part ko kasi nga ibig sabihin kailangan ko talagang mag-work ng mas matindi kasi siya ‘yung kasama ko.” Bea clarified though that she is looking forward to working on a movie again with the actor, whom she last worked with in 2007’s One More Chance. “Sobrang natutuwa ako. ‘Yun lang ‘yung words sa utak ko ngayon dahil talagang excited ako.”
Rica Peralejo reveals why she wants Piolo Pascual to attend her wedding

In between the Star Magic concert rehearsal and catching up with her celebrity friends, Rica Peralejo was constantly fielding calls on her cellphone last Monday inside the ABS-CBN compound. Apparently, she still has her hands full with all the preparations for her beach wedding this coming January at the latest. “Naayos na namin ang food, stylist, venue, at ang guest list. Pero tama nga ang sabi ni Mareng Judy Ann (Santos). Tinawagan ko kasi siya, sabi ko, ‘Mare gusto ko kasi maliit lang (yung kasal).’ ‘O ilan ba ang iimbitahan mo?’ Sinabi ko yung number, pero sabi niya, ‘Ay magba-balloon pa ’yan.” Pero true enough habang tumatagal marami kang naalalang tao na kailangang iinvite mo,” she said in an interview with the network’s entertainment media.
Angel Locsin clarifies rumored transfer to Viva

Isa sa tatlong matitinding sorpresa sa advance birthday celebration ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday, October 25, ang live guesting ni Angel Locsin sa show. Sa October 29 pa ang birthday ng King of Talk pero nagsilbing maagang regalo ang muling pagharap ni Angel kay Boy para sa isang madibdibang interview.
Matatandaang kalilipat lang ni Angel from GMA-7 to ABS-CBN noong August 2007 at ipinagkatiwala niya ang kanyang kauna-unahang panayam bilang Kapamilya sa The Buzz. Ang una niyang nakaharap, iniyakan at nakausap nang masinsinan sa telebisyon ay si Boy. Mula noon, isang magandang samahan na may tiwala at respeto ang nabuo sa pagitan ng aktres at ng TV host.
Sa bawat kontrobersiyang kinasasangkutan, sa bawat isyung ipinupukol sa kanya, laging may soft spot sa puso ni Angel para sa kanyang Tito Boy. At noong Linggo ay naganap nga ang kanilang muling paghaharap.
Bago nagsimula ang interview ay kaagad na binati ni Angel si Boy, “Na-miss ko kayo, Tito Boy, happy birthday!”
Mabilis namang pinasalamatan ni Boy si Angel at sinabi pang malaking bagay para sa kanya ang pagpunta ni Angel nang hapon na iyon sa The Buzz.
SHOP AND SHARE. Sinimulan ni Boy ang interview kay Angel sa pagkumusta sa inilunsad na proyekto ng aktres na Shop and Share, kung saan nangalap sina Angel ng mga gamit ng mga celebrities na ipinapa-auction. Ang perang mula sa nabiling mga items ay ibibigay sa mga biktima ng nagdaang bagyong Ondoy at Pepeng.
Boy: Kumusta naman, how is it doing, yung Shop and Share?
Angel: Sobrang nakakatuwa na… kasi yung iba nagrereklamo na ang mahal daw nung bidding. Pero yung binigay kasi naming starting price sobrang baba, as in nasa one-fourth lang yata nung original price. Pero dahil ang mga tao, sa kagustuhang tumulong kahit na lumalampas na siya dun sa original price niya, dun sa brand new price niya, basta makatulong, bid lang nang bid.
Boy: As of now ba, Angel nakamagkano na kayo?
Angel: Natapos na po natin yung first batch natin sa Shop and Share, meron tayong pina-bid na pitong items. Ngayon nag-e-expect po kami na makakakuha kami ng… kasi nabili na po, e, mga nasa twelve thousand dollars na po. ‘Tapos ngayon po magre-release kami… kasi yung iba ang akala puro mga mamahaling gamit lang. Pero kasi, sa amin kasi, mas gusto namin yung, ‘Eto, espesyal na gamit namin. Ibibigay namin para lang makatulong.’
Nilinaw rin ni Boy na wala sa presyo kung gaano kamahal ang items na ipinagbibili kundi kung gaano kahalaga ang mga ito sa mga artistang nagmamay-ari ng mga gamit. Agad naman itong sinang-ayunan ni Angel.
Boy: Angel, tanong ng bayan, you’ve been doing a lot quietly, consistently mula noong… bago pa nga mag-Ondoy e, you’ve been doing a lot of things for this country, for the community. Ang tanong, why are you doing this?
Angel: Why? Actually, Tito, sa akin kasi parang, bakit hindi, e, obligasyon natin bilang Pilipino na tumulong sa kapwa natin Pilipino, di ba? I mean, siyempre, kung ako yung nakalagay dun sa ganung sitwasyon, nag-e-expect din ako na meron akong kamay na mahahawakan. Ganun lang, parang kung ano lang yung kaya kong ibigay sa kapwa ko. Ang mga taong ito, sila ang naglagay sa akin kung nasaan ako ngayon, bakit hindi ko kayang suklian?
ALMOST SHIFTED CAREER. Isang malaking rebelasyon naman ang sumunod na pahayag ni Angel.
Boy: Angel, itong karanasan mo, itong pagtulong ninyo… I like it when you said kayo kasi instrumento ka lamang at ang ating mga kasamahan dito sa industriya. Pero ang tunay na tumutulong, kasama kayo, kasama tayo ay ang taong bayan, hindi ba? Pero itong karanasan mo sa Ondoy at saka sa Pepeng, what is life-changing? Somebody told me na parang nagbago ang iyong pananaw sa buhay?
Angel: Muntikan na akong mag-shift ng career, e. Kung ako lang po yung masusunod, ha, gusto kong mas makatulong pa. Kaya lang, siyempre, kailangan ko ring magtrabaho, kailangan ko ring kumita, para makatulong. Mahal ko rin naman itong ginagawa ko. Nag-e-enjoy rin ako. Pero parang muntikan na akong… ano kaya kung gawin ko ito every day. Kasi hindi lang ito yung problem. Hindi lang porke’t dumating si Ondoy at si Pepeng, nagkaroon tayo ng problema. Kahit noon marami na tayong problema.
NOT TRANSFERRING TO VIVA. Sumunod na nilinaw ni Angel ang intrigang lilipat na siya ng Viva from Star Cinema. Diumano’y nakipag-meeting na raw siya sa excutives ng Viva.
Boy: Pero habang ginagawa mo ang lahat ng magagandang bagay dito sa iyong buhay at para sa kapwa nating Pilipino na nagangailangan ng tulong ay hindi ka pa rin tinitigilan sa mga intriga. Ang pinaka-latest, ikaw raw ay lilipat ng Viva at naghiwalay na naman daw kayo ng iyong manager na si Becky Aguila, na nandito ngayon sa studio. Iiwan mo na raw ang Star Cinema. Once and for all, sagutin mo ‘yan.
Angel: Akala ko noong una, parang joke. Pinagtatawanan ko pa nga siya kasi ang tagal ko na kasing hindi nagtatrabaho, di ba? Sinabi niya [Becky] sa akin, ‘tapos natawa lang ako. ‘Tapos nabasa ko na nga sa diyaryo. Hindi naman natin siguro masisisi yung taong nagsulat noon kasi ang tagal na niya akong hindi nakikita sa TV.
Pero, hindi po, wala pong katotohanan yun. Naging friends lang po kami sa Facebook ni Ma’am Veronique [del Rosario, Viva Films executive]. Pero wala naman pong ganun. At saka kagagaling ko lang po sa isang matinding transfer. Parang wala po akong plano na pagdaanan ulit yung mga pinagdaanan ko noon.
Boy: Ang iyong proyekto with Aga Muhlach, kumusta naman?
Angel: Hindi po, kasi… pero sabi po ng Star Cinema, ‘eto pong November, baka matuloy… or next year. Gusto ko po kasing makatrabaho si Kuya Aga po.
OPEN TO DO A REGAL FILMS MOVIE. Alam na ng lahat ngayon na si Heart Evagelista ang magiging anak ni Sharon Cuneta sa Mano Po 6, under Regal Entertaiment. Una ngang kumalat noon na gusto ni Sharon ay si Angel ang gaganap bilang anak niya. Pero hindi nga natanggap ni Angel ang movie dahil na rin sa exclusive contract niya sa Star Ciema.
Boy: Wala bang panghihinayang kahit konti?
Angel: Siyempre meron. Hindi naman ako magpapaka-plastic, kasi meron, e. Alam naman ng lahat na siya talaga ang gusto kong makatrabaho personally, si Ms. Sharon, gustung-gusto ko siyang makatrabaho.
At saka pinakiusapan ko talaga si Tita Malou [Santos , Star Cinema executive] at ang Star Cinema. Pumayag naman siya na maayos na yung lahat sa amin ni Mother [Lily Monteverde]. Kahit na anong gawin n’yo, Regal baby pa rin talaga ako. At gusto ko lang sanang maayos yun na, sige, gagawa ako ng pelikula, kahit nga libre.
Kaya lang siguro… bubusina lang ako kay Heart, ha, wala akong… I’m happy for her, pero siyempre parang mas may bagay dun sa role, ganyan. Mas napili lang siguro nila Mother. Pero anytime naman bukas lang din po ang pinto ko. Sana lang huwag magsarado yung pinto n’yo.
Boy: Puso mo, kumusta naman ang lagay?
Angel: Okay naman siya. Hello. [sabay tingin sa kanyang dibdib.]
Boy: Daddy mo, kumusta?
Angel: Okey naman si Daddy. Ayun, nandun pa rin, nagba-bike sa bahay. Sobrang healthy pa rin siya. Binabantayan niya yung savings ko ngayon. Si Daddy, nakakatuwa kasi pinaplano niya lahat, yung investments ko, ganun. Para in the future kung hindi man ako magtagumpay dito sa ginagawa ko, meron akong mapaghuhugutan.
ANGEL SURPRISES BOY. Akala ng lahat ay tapos na ang interview pero may biglang ipinakiusap si Angel kay Boy.
Angel: Tito Boy, puwede bang humirit. Kasi parang lagi lang ikaw yung may tanong. Puwede bang ako naman ang magtanong sa iyo?
Boy: Teka muna, ha. Sorpresa ito.
Angel: Hindi naman kita papaiyakin. Pero okey lang, Tito Boy, feel free lang. Kasi di ba parang lahat, wala akong maisip na hindi pa dumaan sa iyo Tito Boy, di ba? Parang lahat nakaharap mo na at naitanong mo na halos lahat. Pero ano po kaya kung mag-isa ka lang, nakatingin ka sa ‘Salamin,’ tahimik ang lahat, nakatingin ka sa malayo, ano kaya yung isang tanong na tinatanong mo sa sarili mo, Tito Boy?
Boy: Wow… may mga panahon kasi, Angel, na kahit gaano ka kalakas, kahit gaano ka katapang, may mga bagay na hindi mo kaya. So, may mga bagay na hindi ka sigurado. May mga bagay na kahit anong gawin mo, hindi ka puwedeng lumaban.
Ako pag mag-isa na lang ako, dalawang bagay. Una, parang when you’re so blessed, I ask God na parang hanggang kailan ba ito? Pero you always say, I must have done something good in my life, to deserve all the blessings. Pangalawa, ay walang iyakan, ha. But no, I always ask God. I always say, hindi tanong, sinasabi ko sa Diyos na sana’y pahabain pa ng konti ang buhay ng Nanay [Lesing].
Angel: Bago ko tanungin ang birthday wish, sobrang na-touch naman ako doon.
Boy: Alam mo, I stop wishing for myself. Dahil wala na akong mahihiling pa, di ba? Parang basta masaya lang at malusog ang aking ina, at sana’y masaya at malusog ang lahat ng nanay sa Pilipinas, at sa buong mundo. Dahil pag masaya at malusog ang nanay ko, parang masaya at malusog na rin ako. That’s a wish.
Pangalawa, kapayapaan ng loob, katahimikan, dahil sobra nang maingay minsan ang ating mga mundo. Pagmamahal. And I want to be a better person, I still want to be a better person and a lot of things. I want to be better to the people. I want to be forgiving. I want people to forgive me. Sana ako’y mapatawad din ng maraming tao na minsan ako’y nagkamali.
At sana’y mapatawad tayo ng ating kalikasan na matanggal na nating binabastos. Kaya tayo’y pinarurusahan. Yun lang yung mga bagay na sumasagi sa aking isipan. I realize na ang mga wishes ko para na sa mga tao mahalaga sa akin, mahal ko. Nanay, mga kaibigan, Pilipinas, this is a time in our lives I think when we have to love this country. Mag-isa lang yan, e.
Angel: Tito Boy, sobrang nakikita ko kung bakit maraming taong nagmamahal sa iyo kasi karapat-dapat ka naman talaga. Ako, Tito Boy, yung mga pinagdanan ko noon sa mga tao, hindi ko mapagdadaanan yun ng maayos kung hindi ikaw yung nasa tabi ko noon. Maraming salamat talaga. Pero yun talaga ang mensahe.
Boy: Di ba, this is the only country we have, the only life we have..? And it is our responsibility para maalagaan ito. Kaya sana malusog tayong lahat, lahat ng mga nanay at tatay na nagmamasid sa ating pag-uusap ngayon.
via PEP.ph
Katrina Halili reacts to the DOJ’s decision regarding her case against Hayden Kho Jr.

The Department of Justice has finally reached a decision regarding the case of Katrina Halili against cosmetic surgeon Hayden Kho Jr., which the actress filed last June under Republic Act 9262, or the Anti-Violence Against Women and Children Act.
Last October 22, the DOJ approved the indictment of the celebrity doctor in the complaint filed by Katrina, stemming from the video showing them in explicit sexual acts.
The DOJ’s resolution states: “We find that the evidence presented by complainant during the preliminary investigation merit the prosecution of said respondent for violation of RA 9262.”













