banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Bea Alonzo: “Huwag muna mag-lovelife, papayaman muna ako.”

bea_alonzo.JPG

Bea Alonzo considers 2008 as a lucky year for her, especially the last half,  because she was chosen to portray the title role in I Love Betty La Fea.

“This is a lucky year for me.  I’m so happy!” exclaimed Bea in an interview during the press conference for her newest endorsement, Belo Essentials, last Friday, October
30, at the Steak Town Restaurant on Sgt. Esguerra St., Quezon City.

She continued, “Sabi nga nila, ‘When it rains, it pours.’  Ngayon, nagpo-pour sa akin, sa
buhay ko, ng maraming-maraming blessings.


Read the rest of this entry »

Popularity: 31% [?]

Bea Alonzo on Jake Cuenca: “Nakakita ako ng someone who really cares for me.”

bea_alonzo.JPG

Tanggap ni Bea Alonzo na maaring para sa iba ay cliché na ang palagi niyang sinasabi na magkaibigan lang sila ni Jake Cuenca. But inspite of other people’s speculation ay firm pa rin ang aktres sa pagsasabing friends lang talaga ang samahan nila ni Jake.

PEP interviewed Bea during the launching of Star Magic Catalogue for 2009 on Sunday, September 28, at Edsa Shangri-La. Sinagot niya ang isyung lumabas na madalas daw napagkikita sa set ng I Love Betty La Fea ang aktor at dinadalaw siya.


Read the rest of this entry »

Popularity: 29% [?]

Bea Alonzo sank into depression before ABS-CBN gave her “Betty La Fea”

bea_alonzo.JPG

Kinontra ni Bea Alonzo ang sinabi ni John Lloyd Cruz na show lang ng young actress ang bagong primetime series ng ABS-CBN, ang I Love Betty La Fea. Ayon kay Bea, show nilang lahat ang Betty La Fea. John Lloyd plays Bea’s love interest, Armando.

“Sa title pa lang, I Love Betty La Fea, siya [John Lloyd] yung nagsasabi nun, e, si Armando. Kagaya ng sinabi niya, kung anuman yung success na nakukuha namin or our individual projects, isini-share din namin ‘yon. Kung anuman yung success ng A Very Special Love [John Lloyd’s movie with Sarah Geronimo], yun din ang success ko. Kasi proud ako sa kanya kasi sabay kaming nag-start, e. Sabay kaming nag-start sa soap opera.
“I mean, lahat ng shows namin, pareho lang kami. So, dito, coming from him, sobrang na-appreciate ko talaga na sinabi niya na matagal ko nang hinihintay ito, itong project. ‘Tsaka alam n’yo naman kung gaano ko kamahal ‘to, at kung gaano karami ang isinasakripisyo ko dahil sa proyekto na ito,” lahad ni Bea sa presscon ng I Love Betty La Fea kagabi, August 28.


Read the rest of this entry »

Popularity: 29% [?]

Bea Alonzo admits dating Jake Cuenca

bea_alonzo_jake_cuenca.JPG

During the grand press conference of I Love Betty La Fea last August 28, Bea Alonzo candidly admitted that she has been seeing Jake Cuenca for several months now.

What is the real score between her and Jake?

Bea admits, “We’re going out, actually, at nae-enjoy ko siya. Nag-e-enjoy ako going out.”

Why is she enjoying going out with Jake?


Read the rest of this entry »

Popularity: 29% [?]

Jake Cuenca would rather be friends with Bea Alonzo—at least for now

jake_cuenca_bea.JPG

Young heartthrob Jake Cuenca is obviously flattered when he was informed that Bea Alonzo reportedly cited him as her current showbiz crush.

“Of course, nakaka-flatter naman po talaga ‘yon… lalo na kung si Ms. Bea Alonzo ang nagsabi,” said Jake to the press last night, June 29, during the 16th anniversary gala of Star Magic held at the Isla Ballroom of the EDSA Shangri-La Hotel in Mandaluyong City.


Read the rest of this entry »

Popularity: 22% [?]

John Lloyd Cruz says he has no apprehension playing Armando in “I Love Betty La Fea”

john_lloyd_cruz1.JPG

Sa kauna-unahang press conference for Star Cinema movie na A Very Special Love, na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, napag-usapan din ang teleseryeng I Love Betty La Fea ng ABS-CBN. Pinakamatunog kasi ang pangalan ni John Lloyd na siyang gaganap bilang leading man ni Bea Alonzo na si Armando.


Read the rest of this entry »

Popularity: 23% [?]

John Lloyd Cruz not against Jake Cuenca for Bea Alonzo

 

john_lloyd_cruz.JPG

John Lloyd Cruz will turn 25 on Tuesday, June 24, the day marked on the Catholic calendar as the feast day of St. John the Baptist. Born on this day, he was hence named after this patron saint. Yesterday, June 20, at lunchtime, nagpa-birthday presscon para sa kanya ang Star Magic ng ABS-CBN sa 9501 Restaurant sa The Loop. Bago nakipag-usap sa entertainment press, kinantahan muna siya ng ” Happy Birthday” at pinag-wish bago nag-blow ng honey cake served to the press after. So, ano nga ba ang birthday wish niya?


Read the rest of this entry »

Popularity: 32% [?]

Bea Alonzo explains ‘natural’ breast enhancement

bea_alonzo.JPG

Nabigla si Bea Alonzo sa mga nakapansin ng paglaki ng dibdib niya ngayon during the pressscon kung saan pormal na siyang ipinakilala bilang bida sa Pinoy version ng Betty La Fea. Duda tuloy ng iba ay nagparetoke ng boobs ang young actress.

“Hindi, ah! Kahit tingnan ninyo pa,” biro ni Bea. “Mamatay man ako, hindi ako nagpa-enhance. Hindi ko nga alam kung bakit lumaki.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 24% [?]

Bea Alonzo and John Lloyd Cruz touted as new Box Office King & Queen

bea_alonzo.JPG

Wala pa mang official announcement na inilalabas ang Guillermo Mendoza Memorial Foundation, pero malakas ang bulung-bulungan na sina Bea Alonzo at Johh Lloyd Cruz ang napiling Box Office King & Queen this year dahil sa box-office success ng pelikula nilang One More Chance ng Star Cinema.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bea sa dressing room ng ASAP ‘08 kahapon, February 10, sinabi ng young actress na kung sila nga ni John Lloyd ang tatanghaling Box Office King & Queen, isa itong magandang regalo sa kanya sa pagpasok ng taon. Pero nilinaw niya na sa ngayon ay wala pa siyang natatanggap na anumang imbitasyon o impormasyon man lang galing mismo sa Guillermo Mendoza Foundation.


Read the rest of this entry »

Popularity: 10% [?]

Bea Alonzo hurt by blind item claiming she’s a disrespectful daughter

bea_alonzon.JPG

Sa nakaraang presscon ng Maging Sino Man Book 2 noong November 27 sa Plaza Ibarra, Timog, Quezon City, naging emosyonal si Bea Alonzo nang mapag-usapan ang tungkol sa blind item na lumabas kamakailan. Tungkol ito sa isang young actress na pa-sweet ang image pero grabe raw kung sigaw-sigawan ang kanyang ina porke’t siya ang breadwinner sa kanilang pamilya. Hindi man binanggit ang pangalan, very obvious sa nasabing blind item na si Bea ang tinutukoy.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa aktres, inamin ni Bea na noong nakarating sa kanya ito, sobra ang sakit na idinulot nito sa kanya lalo pa’t wala itong katotohanan.

“Before I came in this presscon, narinig ang tungkol sa blind item na ‘yan. Ang sakit nun…ang sakit marinig kasi kahit mamatay man ako ngayon, kaharap ko ang Diyos, never kong sinagot ang Nanay ko. I think yun ang pinakahuli kong gagawin sa buhay ko at never kong gagawin,” ang bulalas ng isa sa pinakamaningning na bituin sa Kapamilya network.

Dagdag pa niya, “Sa buhay ko, siya yung taong pinakamamahal ko, more than my brother, more than Mico o kahit sa lahat pa. Di ko gagawin yun sa kanya.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 7% [?]

Maging Sino Ka Man Book (Season) 2 - Coming in December

ABS-CBN winner of Star Awards’ Best Drama Series is about to begin in December for its second season.

Confirmed Cast:

  • John Lloyd Cruz
  • Bea Alonzo
  • Anne Curtis
  • Sam Milby
  • Angelica Panganiban
  • Christopher de Leon
  • Philip Salvador
  • Rosanna Roces
  • Chin-Chin Guttierez
  • Bembol Roco
  • Glenda Garcia
  • Bing Pimentel
  • Irma Adlawan
  • Smokey Manoloto
  • Keanna Reeves
  • Malou de Guzman
  • Ronaldo Zamora

Watch the trailer after the jump…


Read the rest of this entry »

Popularity: 19% [?]

Interview with John Lloyd Cruz on his real and reel relationships

jlcruz.JPG

Halos lahat ng entertainment press na dumalo sa presscon ng pinakabagong pelikula ng Star Cinema, One More Chance, ay nagkakaisa sa impression na very much in love at ibang-iba ang aura at outlook ni John Lloyd Cruz. Ginanap ang naturang presscon kagabi, October 25, sa ABS-CBN compound, Quezon City.

Mas witty at halos lahat ng tanong na ibinabato sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay game na sinasagot ng young actor.

PEP: Based on the title of your movie One More Chance, may episode ba sa buhay mo na puwede mo pa ring bigyan ng one more chance?

John Lloyd: Kung ang tanong ay kung nangyari na ba sa akin na nagbigay ako ng one more chance, nangyari na. Pero siguro nga, that very moment ay mas nangibabaw ang pain kesa sa iba mo pang nararamdaman. Pero sa pangyayaring ‘yon, kasabay naman ang pag-move on. Nakikita mo ang kagandahan ng labas. Ang nangyari din sa akin, nakita ko ang kagandahan ko, ng ibang tao. At may nakita ka ring tao na nakita mo yung kagandahang ‘yon.

PEP: Naging girlfriends mo sa showbiz sina Kaye Abad at Ciara Sotto. Sino sa dalawa ang puwede mong bigyan ng one more chance, si Kaye na nasa Cavite o si Ciara na nasa Las Vegas na ngayon?

JL: Sa tingin ko naman po, sapat na po ang kalagayan ko ngayon. Kasi sa tingin ko, meron na rin silang kanya-kanyang buhay ngayon at masaya sila sa buhay nila. I don’t think kailangan pa silang tanungin or bigyan ng one more chance.

TANDEM WITH BEA. Kung pagmamasdan sila ng kapareha niya sa pelikula na si Bea, halatang mas lalo pa silang naging kumportable sa isa’t isa. In fact, at ease na at ease lang si John Lloyd nang paulanan ng biro ang ka-loveteam during the presscon.

PEP: Napakaganda ng chemistry niyo ni Bea sa pelikula. Pinagtatakahan ng karamihan, paano nga ba’t hindi kayo talaga naging kayo?

John Lloyd: Alam n’yo, sa tingin ko, kahit sinong lalaki, hindi mauubusan ng salita para hindi ma-in love sa isang Bea Alonzo. Sabihin na nating destiny. Hindi ko masasabing hindi darating ang destiny na ‘yon. Pero siguro, hindi pa lang talaga kami dinadapuan.

PEP: How do do you feel na ngayon ay mas open na si Bea sa relasyon niya sa kanyang boyfriend na si Mico Palanca?

JL: Well, happy ako na ganyan na ang approach niya pagdating sa personal life niya. Unang-una, mahirap yung meron kang itinatago. E, napakaliit ng Manila para magtago kayo. Sinong lolokohin n’yo, mga sarili n’yo?

PEP: Sa tingin mo ba ay malaki rin ang naging influence mo kay Bea since dati ka pang very open with your lovelife?

JL: Hindi ko alam kung ganun kalaki ang impluwensiya ko kay Bea. Kung ganoon man, kung naiimpluwensiyahan ko siya, happy ako dahil naniniwala akong mas madali ang buhay nila together kung wala silang itinatago.

NOT MEANT TO BE. Sa presscon, inamin ni Bea na sa halos limang taon na sila ni John Lloyd bilang magka-loveteam. May punto talaga sa buhay ni Bea na umasa siyang one day sana ay ligawan siya ng binata.

PEP: Hindi rin ba sumagi sa isip mong ligawan si Bea or maging kayo na?

John Lloyd: Sinabi ko nga, kahit sinong lalaki na mapunta sa sitwasyon ko, na makatrabaho ang isang katulad ni Bea, imposibleng hindi sumagi sa isip mo na magustuhan siya at gusto mong ligawan. Kaya lang, mas nangibabaw yung takot na magpatuloy. Hindi siya real love kung tutuusin dahil may takot, e.

PEP: Saan nanggaling ang takot na ‘yon?

JL: Siyempre, iniisip mo yung trabaho. Siyempre, at that time, sobrang focus kami sa trabaho namin. Ingat na ingat kami…ewan ko, parang sinalungat ko yung trend na hindi ba, kapag loveteam nagiging kayo, tapos hindi magiging maganda ang kakalabasan?

Inaamin ko rin naman na may point din sa buhay ko na…not muntik na… pero sumagi rin sa isip ko. Naniniwala ako na kahit siguro sa inyong lahat, mangyayari ‘yon. Siguro hindi sapat.

LIZ UY. Ayon kay John Lloyd, wala talaga silang specific date na sine-set kung kailan nag-start ang relationship nila ng girlfriend niyang si Liz Uy, fashion editor ng Preview magazine. Halatang-halata ang pagiging in love ng young actor sa kanyang girlfriend.

PEP: Ilang taon na ba kayo ni Liz na mag-on?

John Lloyd: Hindi naman kasi kami nag-ano…wala kaming sine-set na date. We’ve been going out for quite a while. Basta, wala kaming sine-set na date. Siguro we’ve been going out for two years.

PEP: Gaano ka ba ka-happy ngayon with your girlfriend?

JL (nakangiti): Happy ako, happy kami…happy!

PEP: Naniniwala ka ba sa loyalty or being monogamous?



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

JL: Siyempre naman, I believe in fidelity! Simple lang sa akin, like kung ano ang ayaw gawin sa ‘yo, huwag mong gawin.

PEP: Sa palagay mo ba ay mas click ang relasyon mo sa isang hindi taga-showbiz?

JL: Hindi naman po tayo naglalagay ng qualities or nagse-set ng standard. Naniniwala akong kapag dumapo sa ‘yo, yun, darating siya kahit na ano.

PEP: Si Liz na nga ba ang huling babae sa buhay mo?

JL: Mahirap magsalita… Alam n’yo, kahit sinong tao, basta nandoon ka sa relationship na ‘yon, nandoon kayo sa now… ‘Eto ang present, you always wish na kayo na. Hindi mo naman in-appoint na someday, you’ll end up together and we’ll live happily ever after. Hindi mo naman kinokontra ‘yon. Pero kung tatanungin mo ko kung siya na, kung may plano na kami, wala pa.

PEP: Kailan kaya ‘yon, if ever?

JL (natatawa): Magpa-presscon po ako! If ever man, very simple lang siguro. Tight, e, tight ang budget. Chinese, e!

(Ang tinutukoy ni John Lloyd sa kanyang pagbibiro ay ang pagiging Chinese ng kanyang girlfriend.)

Source: PEP

Popularity: 12% [?]