banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Beth Tamayo stops in vitro fertilization to concentrate on showbiz work

beth_tamay9o.JPG

Tumigil muna si Beth Tamayo sa kanyang in vitro fertilization session at ang pagharap muna sa pag-taping ng TV show ang kanyang hinaharap.

Inaamin naman ni Beth na hanggang ngayon ay wala pang kasiguraduhan ang pag-conceive niya ng baby. Ilang buwan din ang isinakripisyo niya para sa pag-undergo ng in vitro fertilization at puro negative ang nagiging resulta.


Read the rest of this entry »

Popularity: 16% [?]

Beth Tamayo tapes “Maalaala Mo Kaya” episode in New York

 beth_tamayo.jpg

Dumating last Sunday, October 21, ang magandang aktres na si Beth Tamayo mula sa Amerika kung saan nag-taping siya ng isang special episode para sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN.

“We left Manila for New York City last October 8. Magkakasama kami sa MMK episode nina Princess Punzalan na based na in Connecticut and si Raymond Bagatsing na based naman sa Los Angeles,” kuwento ni Beth sa PEP (Philippine Entertainment Portal) through text message.

Kasama ni Beth na lumipad papuntang Amerika ang ina niyang si Mrs. Zeny Tamayo.

“Nag-taping kami for three days. Then the rest of the days ng stay namin, I spent with my Mom going around kasama ang best friend ko na based sa New York,” sabi pa ng aktres.

Then, lumipad na sila ng kanyang ina patungong Los Angeles to meet up with some relatives and friends. Nagkita rin sa Los Angeles sina Beth at ang best friend niyang si Judy Ann Santos, na may show doon with boyfriend Ryan Agoncillo.

“Hanggang Amerika, kami pa din ang magkasama!” bulalas ni Beth.

After L.A., ipinasyal naman ni Beth ang kanyang ina sa Las Vegas.

Ang Maalaala Mo Kaya episode nina Beth, Princess, at Raymond ay mula sa direksiyon ni John D-Lazatin. Last week of November or first week daw ng December ito malamang ipalabas sa ABS-CBN.

Source: PEP

Popularity: 8% [?]