banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Actress Jean Saburit claims she was physically attacked by daughter Nicole Anderson

jean_saburit.jpg

What is it with youngsters today? Your own daughter to do this to you is appalling. Was it the upbringing? Was her daughter given a lot of freedom when she was growing up? I couldn’t imagine any of my siblings doing this to my mom. It is totally unacceptable.

- Chuva Chienes

Walang pag-aalinlangang inamin ng aktres na si Jean Saburit ang bali-balitang sinaktan at nilayasan siya ng kanyang dalagang anak na si Nicole Anderson.

Sa exclusive interview ng The Buzz na ipinakita kahapon, January 13, ikinuwento ni Jean ang mainit na pagtatalong naganap sa pagitan niya at ng kanyang anak ilang oras matapos sumapit ang Bagong Taon.

Kuwento ni Jean, “Pagdating niya, may tinatanong ako sa kanya kung nasaan yung Louis Vuitton bag ko. ‘Tapos sabi niya, ‘This is not the time to talk about it.’ Sabi ko, ‘When is the time to talk about it, Nicole? You’re never home.’”

Hindi umano inakala ni Jean na aabot sa pagiging pisikal ang argumento nila ng kanyang 18-year-old na anak.

“‘Tapos lumaban siya sa akin,” patuloy ni Jean. “Paglaban niya sa akin, tinadyakan niya ako sa ano, sa tiyan. Nung nasa floor ako, nakatayo lang siyang ganyan.

“Sabi niya, ‘You started it.’ Sabi ko, ‘Nicole, I can’t believe na anak kita.’ Sabi ko, ‘Kasi hindi ako ganyan sa magulang ko. Kanino ka nagmana? Or is it your friend?’”

Ang kaibigang tinutukoy ng dating aktres ay ang young actress na si Bianca King. Sa paglalarawan ni Jean, nagbago raw si Nicole simula nang mapabarkada siya kay Bianca. Dagdag pa niya, may pagkakataon pa raw na lumayas si Nicole at kina Bianca siya nakitira.

Dagdag ni Jean, “Simula nang mabarkada kina Bianca, this was two years ago, nag-argument kami [Nicole]. Tinext ba naman siya ni Bianca, ‘You’re stupid, b*tch, mom.’ And who is she to tell me na b*tch ako? Na stupid ako?”

Pagtataka pang sinabi ni Jean, “Kung talagang kaibigan mo sila, bakit ka nila ie-encourage na maglayas? Dapat ine-encourage niya [Bianca] yung anak ko na bumalik sa akin, di ba? Na asikasuhin yung pag-aaral sa States?”

Dahil sa mga pangyayari, isang mensahe ang inihayag ni Jean para sa anak. Aniya, “Nicole, I am not perfect, okay? I’m sorry if I screwed up before o kung may nakita kang hindi maganda sa akin. Pero siguro naman, favor naman, siguro kung may nagawa man akong negative, hindi mo na nakita yung magagandang nagawa ko. Kung ano’ng gusto niya, ibinibigay ko. Why are you treating me like this?”

Samantala, sumama din ang loob ng dating aktres nang malaman niya na boyfriend na pala ng kanyang dalaga si Jeremy Marquez, ang panganay na anak ng komedyanteng si Joey Marquez.

“Mukha nga akong tanga, ako nga yung huling nakaaalam, e,” salaysay ni Jean.

Tila wala talagang kaalam-alam si Jean sa pakikipagrelasyon ng kanyang anak kay Jeremy dahil natanong pa nito na, “Si Jeremy yung nakabuntis nung babae, yun ba yun?”

Patuloy pang pagtatanong ni Jean sa The Buzz, “Matanda na yun, di ba? Eighteen lang yung anak ko, e. E, kung buntisin niya yung anak ko? Papakasalan ba niya yung anak ko?”

Source: PEP

Popularity: 7% [?]

Bianca King is no hurry to achieve leading-lady status

bianca_king2.JPG

Naka-relax si Bianca King sa kanyang folding bed nang dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last Saturday, November 17, sa set ng My Only Love sa Loyala Grand Villas, Quezon City, at naabutan namin siyang nanonood ng feature about the Cristine Reyes-Carlene Aguilar controversy sa StarTalk.

“Kung ako sa kanya [Cristine], hindi na lang ako magsasampa ng demanda,” sabi ni Bianca nang tanungin namin ang kanyang opinyon tungkol sa isyu. “Para sa akin, aksaya lang ng pera ‘yan at saka oras. Wala ring pupuntahan ‘yan. The best thing to do, pagharap-harapin kami with Dennis [Trillo], at doon natin tingnan kung sino sa amin ang nagsasabi ng totoo.”

Ayon pa kay Bianca, dapat ay pinag-uusapan na lang daw ang problema nila in private. Kaso nga, hindi naman siya direktang kasangkot sa sitwasyong ito.

“Ayoko namang makaladkad pa sa ganyan. Kaibigan ko si Cristine, and I think I just have to respect her decision. Since tinanong mo ako about that, I just gave a piece of my opinion,” nangingiting pahayag ni Bianca.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Nabanggit din na hindi na natuloy si Cristine sa Joaquin Burdado bilang isa sa leading ladies ni Robin Padilla. Nanghihinayang si Bianca rito.

“Sayang, kasi, kung sa akin inalok ‘yan, wow, grab na!” natawang sabi ni Bianca. “Pero hindi rin natin masasabi kung ano ang gusto talaga ni Cristine. Siya lang ang nakakaalam sa sitwasyon niya, at nakaabang lang tayo sa puwede niyang sabihin.

“Pero doon sa reason ni Cristine, ‘pag nalaman natin, baka nga hindi natin panghinayangan kung bakit ganoon ang naging decision niya.”

FROM BAD TO GOOD. Kung tutuusin, maganda ang takbo ng career ni Bianca. Pagkatapos ng partisipasyon niya sa Marimar, mayroon na agad kapalit—ang My Only Love, na isang pambihirang pagkakataon for her to play a goody-goody role.

“Marami na kasi akong nagampanang contravida roles, and this is a breather na rin for me,” sabi ni Bianca. “Noon kasi, kapag nagpupunta ako sa mall, may mga lumalapit sa aking matatanda. One time, may pumalo sa akin ng payong. Ang sabi ba naman, ‘Ikaw talaga, ang sama-sama mo!’

“Nakakaloka! I just explained to them that it was just a role. Hindi naman ibig sabihin, masamang tao na talaga ako,” napapailing na kuwento ng mestisahing aktres.

MANAGER’S CHOICE. Kinumusta namin kay Bianca ang sitwasyon nila ng manager niyang si Arnold Vegafria. May lumabas kasing isyu na si Say Alonzo ay parang tumiwalag na sa kampo ni Arnold at nakatikim daw ito ng panunumbat at masasakit na salita mula kay Arnold dahil doon.

“Narinig ko na ‘yan, pero matagal nang nangyari,” paliwanag ni Bianca. “I guess, more than a year na. Kami ni Arnold, hindi naman siguro maiaalis sa ibang manager-talent relationships ‘yon, na may time na nagkakalabuan din kami. Small hitches, but we always talk. Wala namang hindi naaayos sa magandang usapan, di ba?

“May time kasi na may katigasan din ang ulo ko. Mapili kasi ako sa trabaho. Naiinis si Arnold kapag ganoon, tanggi ako nang tanggi. Sometimes kasi, hindi niya naiintindihan. Ayokong magtrabaho kung pinipilit ko lang ang sarili ko doon sa trabaho at hindi ko gusto ang ginagawa ko.

“Pero siyempre,” patuloy niya, “ang gusto ni Arnold, bigyan ako nang bigyan ng trabaho. Marami nga namang iba na walang trabaho, pero ako, may inaalok sa akin.

“Laging may nakukuhang trabaho si Arnold sa akin, kaya naiinis siya kung lagi akong nagtatatanggi. Baka raw kasi kung nariyan na ang right break, hindi na ibigay sa akin kasi ang naging image ko, I always turn down offers. Kaya iniintindi ko na lang ‘yon.”

Sabi pa ni Bianca, nawala na lang daw bigla si Say, at hindi na niya nakausap pa. Hindi siya puwedeng magbigay ng komento dito dahil hindi niya alam ang puno’t dulo ng anumang misunderstanding, kung mayroon man, between her manager and Say.

“Pero para sa akin, old issue na nila ‘yan. So far, okay kami ni Arnold kaya walang problema sa amin,” pahayag ni Bianca.

STRUGGLING ACTRESS? Ang impression ng iba kay Bianca ay struggling pa rin dahil hindi pa dumarating sa kanya ang mas malaking offer, samantalang may kontrata rin naman siya sa GMA-7, na guaranteed na may two shows siya a year. For two years ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA-7.

“Hindi ako nagmamadali,” paglilinaw niya. “Alam kong darating din ang tamang break for me. At ayokong isipin na struggling ako, kasi magaganda na rin ang exposures na naibibigay sa akin sa GMA-7.

“Nagpapasalamat ako sa GMA-7 dahil masaya ako sa ibinibigay nila sa akin. Besides, I’m still studying at gusto ko talagang makatapos ng pag-aaral. Hindi ako puwedeng basta mag-full time sa showbiz career ko.

“Naka-enrol ako sa Dela Salle College of St. Benilde, taking up Filmmaking. Pero yun nga lang, naka-leave ako dahil ang akala ko, matutuloy ang shoot ko for Batanes. E, nagkaroon ng hassles sa sked ng tapings ko. But I have to go back immediately. Tuloy-tuloy pa rin dapat ang studies ko, at gusto ko talagang makatapos.”

Source: PEP

Popularity: 12% [?]

Bianca King focuses on her career and Film Making course

bianca_king.JPG

Kahit busy siya sa career dahil sa back-to-back projects niyang Marimar at My Only Love—where she plays Trixie, ang ka-love triangle nina Rhian Ramos at Mark Herras—sa GMA 7, tuloy pa rin ang buhay-estudyante ni Bianca King. Nag-aaral siya ngayon taking up Film Making sa College of St. Benilde.

Kahit dire-diretso ang trabaho niya, Bianca is proud and happy na nasa ikalawang taon na siya sa kanyang college course.

“Last year po, nagawa ko siya nang dire-diretso hanggang nag-leave lang ako nung September. Kasi dapat magsu-shoot kami ng Dagaw sa Camarines, ‘tapos biglang nag-re-script sila, so parang tinanggal na yung mga Camarines shoo, eh, na-apply ko na yung leave ko,” ang panimula niyang kuwento.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Kaya kapag medyo lumuwag ang kanyang hectic schedule, naninibago raw talaga siya. “Parang nasanay ako, tsaka kasi gusto ko yung feeling, eh. Parang one day artista ako, tapos the following day, kailangan kong mag-aral. Parang mas naki-keep ko yung sanity ko kung ganun.”

Ilang years na lang bago siya maka-graduate?

“Siguro at the rate I’m going, since nag-a-under load ako, maybe two-and-a-half years.”

Inusisa siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit film making ang kinuha niyang kurso, gusto ba niyang maging direktor?

“Producer,” ang mabilis niyang sagot. “Gusto kong maging scriptwriter ‘tsaka producer.”

Ayaw niyang maging direktor?

“Hindi ko po masasabi ngayon, pero parang masyado siyang technical. Parang gusto ko, ako yung gumagawa ng concept. Gusto ko ako yung nag-iisip kung sino yung casting na babagay doon, yung gagawa ng budget para sa isang show, pipili ng director, mga ganyan. Gusto ko, ako yung nagmo-monitor sa buong show or movie.”

Kahit ang kanyang personal na buhay ay okay rin dahil Bianca is exclusively dating a non-showbiz guy. Ano na nga ba ang status ng relationship nila? May MU o mutual understanding na ba sila?

“Ganun na siguro.”

Pero bata pa raw siya kaya hindi pa niya kaya ang pumasok sa isang seryosong relasyon. Yung guy naman ay mas matanda raw ng konti, four years ang agwat ng kanilang edad at graduate na ito sa college. “25 siya, 21 ako,” ang sabi ni Bianca.

Ayon pa young actress, “Kahit medyo bata pa rin siya, mature na siyang mag-isip. Kasi medyo mature na rin akong mag-isip eh, tsaka bilang babae sobrang independent ko talaga.

“Kaya parang hindi tama na maging seryoso, kasi can you imagine kung meron akong relationship na sobrang seryoso, siyempre maraming mga bagay na hindi ko na magagawa. Hindi ko naman sinasabing mangingi-alam, parang hindi ako makakapagtrabaho ng maayos, yun.”

Source: PEP

Popularity: 7% [?]

Marian Rivera and Bianca King get physical in their “Marimar” confrontation scene

marimar2.JPG

Napabalitang napaiyak daw si Bianca King sa set ng Marimar pagkatapos ng isang pisikal na eksena between her character Natalia and Marian Rivera’s Marimar/Bella. Nagkasampalan ang mga characters nila at sa request ng kanilang direktor na si Joyce Bernal, kung puwede raw ay gawin nilang makatotohanan ang eksena. Tinotoo nga nina Marian at Bianca ang sampalan nila na ikinagulat ni Bianca after the scene.

“Wala ‘yon,” sabi ng kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na malapit sa isa kina Marian at Bianca nang hingan namin ng kuwento sa nangyari sa dalawang young actress sa taping ng Marimar.

“Confrontation scene ito nina Marian and Bianca. Si Direk Joyce, before the take, nag-request sa kanila na kung puwede gawin nilang makatotohanan para hindi ulit-ulitin ang take. E, si Marian, ang dami na niyang pinagdaanang ganitong eksena. Remember noon yung sa kanila ni Odette [Khan, sa afternoon soap Muli]? Sanay na siya. Si Bianca, first time niya pala ito kaya nagulat siya after the take. Naiyak,” kuwento ng source ng PEP, na ang tinutukoy ay ang makatotohanang sampal at sabunot na natanggap ni Marian mula sa beteranang character actress.

Mabuti na lang daw at good friends sina Marian at Bianca kaya naintindihan nila na trabaho lang ang kanilang ginawa.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

“After that, nag-dinner na silang dalawa para pag-usapan nga ito. Kasi good friends sila, so para hindi lumaki ang usapan, inayos na nila ito. Sabi nga ni Marian kay Bianca, ‘O, baka gawing intriga rin ito sa atin, so ready ka na lang,” lahad pa ng source.

Sa kuwento ng Marimar ay magpapanggap si Natalia (Bianca) na siya ang nawawalang anak ni Don Gustavo (Jestoni Alarcon), pero ang totoo palang anak nito ay si Marimar (Marian).

Source: PEP

Popularity: 12% [?]

Joross, Bianca revealing photos hit the Net

joross_bianca.jpg

Early last year, sumabog ang mga cell phone video scandals ng mga artista na unang umikot sa mga Internet groups, sites at, blog na pinick-up ng mga manunulat sa diyaryo at pati na rin ang mga showbiz talk shows sa TV.Most of the stars involved categorically denied na sila nga ang mga nakunang hubad, the likes of Karel Marquez na nakunan supposedly nang nakahubad sa Boracay. But some hoping for that proverbial 15 minutes of fame actually admitted it was them on the video, tulad nina Cedric Carreon na kinunan daw ng sex partner at si Teri Onor na umiihi sa toilet bowl.

Nagkaroon ng clamp down sa TV ang mga video scandals nang pinag-initan ng halos lahat ang isang sex video ng dalawang lalaki na ang isa raw ay si Piolo Pascual. All the showbiz talk shows decided to stop reporting the burgeoning new type of high tech scandals.

Nagkasya na lang ang mga taga-kalat ng ganitong uri ng pictures at video sa mga kung anu-anong city and province “scandals” of private persons doing it na ngayon ay compiled na rin in one DVD.

Recently though, unti-unti na namang naglalabasan ang mga litrato ng mga artista in delicate and daring situations.

Nauna na rito ang kissing photo nina Bianca King and Antoinette Taus sa Boracay na although hindi idinenay ni Bianca sa S-Files interview sa kaniya, wala naman daw itong malisya at “sisterly kiss” lang daw ito.

Nasa Internet na rin ang shower scene ni Bruce Quebral sa Slovenia Big Brother and immediately, someone already converted the video into a 3gp format kung kaya’t umiikot na rin ito sa mga cell phones.

Kadi-deny lang din ni Dennis Trillo ng supposedly cell phone video niya na unang naibalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at isa sa mga unang pasabog ng magbubukas na Showbiz Central sa GMA-7 this Sunday.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Earlier, may dalawang pictures din na umikot sa Internet, although hindi masyadong napick-up ng mga diyaryo. Una ay ang former Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate na si Bianca Gonzales na kinunan nang nakaharap at kita ang panloob nito, supposedly without her panties on (the news headline says “Bianca does a Britney”). In closer view, mayroon namang suot si Bianca, skin colored nga lang and parang see-through ang underwear niya.

Today, April 24, isa na namang picture ang umiikot sa mga gay Yahoo groups, that of Joross Gamboa. Self-picture ang litrato ni Joross na naka-topless at mababa ang kaniyang red shorts that shows his hair below his navel. Noticeable din ang umbok sa kaniyang shorts.

Sinubukan naming i-text si Joross to comment on this at para maitanong na rin namin kung paano ito nakuha sa kaniya.

Source: PEP

Popularity: 6% [?]