banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Bruce Quebral confirms quitting showbiz

bruce_quebral.JPG

Mismong ang rumored girlfriend ni Bruce Quebral na si Wendy Valdez ang nagbalita na tatalikuran na ng dating Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 housemate ang showbiz at aalis na ito ng bansa.

Ayon kay Wendy ay sinubukan at sinuwerteng natanggap naman si Bruce as flight attendant sa isang international airline. Kinumpirma naman ito ni Bruce nang makausap siya last Sunday, September 28, sa launching Star Magic Catalogue 2009 sa EDSA Shangri-La sa Mandaluyong City.


Read the rest of this entry »

Popularity: 29% [?]

Bruce Quebral says relationship with Wendy Valdez is not a hindrance to his career

bruce_quebral_underwear.JPG

Puro guesting at modeling daw ang pinagkakaabalahan ngayon ni Bruce Quebral habang wala pa siyang regular show sa ABS-CBN. Yun ang naging pahayag ni Bruce sa PEP nang makausap siya sa taping ng Juicy sa TV5 kahapon, September 8.

Bagamat sinabi ni Bruce na okay lang sa kanya kung ito lang muna ang pinagkakaabalahan niya, aminado ang dating housemate ng Pinoy Big Brother na iba talaga kapag may regular show kang ginagawa.


Read the rest of this entry »

Popularity: 34% [?]

Bruce Quebral’s feelings for Wendy Valdez keep growing

bruce_quebral.JPG

Isa sa pinakamaagang dumating sa Mercator Charity Exhibit: Resolution sa Mall of Asia noong Lunes ng gabi, June 16, ang Mercator model na si Bruce Quebral. Katulad ng ibang contract models ng Mercator, isa si Bruce sa mga sumasali sa events ng iba’t ibang foundations na tinutulungan ng kanilang agency.

At present, naghihintay lang si Bruce kung ano ang susunod na project na gagawin niya after Palos.


Read the rest of this entry »

Popularity: 19% [?]

Bruce Quebral reveals his birthday wish

bquebral.jpg

I am beginning to admire Bruce Quebral. Imagine wishing a selfless wish for your birthday? Not only is he hot outside, he is definitely hot inside! Bruce, you are one example of how close family ties are in the Philippines. We will do everything for our families first. I wish that YOUR wish will come true for you!

- Chuva Chienes

Isa sa tinawag na “Yuletide Babies” ng Star Magic ang Pinoy Big Brother 2 ex-housemate na si Bruce Quebral. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bruce sa birthday presscon para sa December celebrators kaninang tanghali, December 13, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Wish daw ni Bruce sa birthday niya sa December 29 na mas maging stable na ang kanyang pamilya at magtuluy-tuloy na ang paggaling ng kanyang ina.

“May asthma po kasi si Mommy at thankful po ako ngayon na may kinikita na ako at naibibili ko na siya ng tamang medicine and food na puwede lang niyang kainin. Marami po kasing bawal na pagkain sa kanya,” pahayag ni Bruce.

Last Sunday, December 9, ay nag-guest si Bruce sa sitcom ni Aga Muhlach na That’s My Doc, kung saan gumanap siyang bading for the first time. Hindi ba siya nagdalawang-isip na gampanan ang naturang role?

“Hindi po, sure po naman ako sa sarili ko,” diretsong sagot ni Bruce. “Natawa lang po ako nang nagte-taping na kami. Pero sabi po sa akin, i-enjoy ko lang yung character, i-acting ko na lang. Wala po akong ginayang kakilalang bading, inisip ko lang si Wendy [Valdez] kapag umaarte siya noong magkasama kami sa Margarita. Medyo po mahirap dahil ang haba ng eyelashes na ginamit ko at yung shoes na ipinagamit sa akin ng production, hindi nagkasya kaya nag-rubber shoes na lang ako. Size 13 po kasi ang size ng paa ko.”

May two-year contract si Bruce sa Star Magic mula nang i-absorb ang contract ng mga PBB 2 ex-housemates from Dream Big Productions.

“Wala pa po akong regular show ngayon sa Channel 2, pero may mga TV guestings po ako—out-of-town shows with the PBB 2 housemates. Naghu-host ako sa mga malls to promote Kawasaki motorcycle,” pagbabalita ng model-turned-actor.

Tinanong din namin si Bruce tungkol sa balitang may tampo raw sa kanila ni Wendy si Alfie Lorenzo. Pinadaan lang daw kasi nina Bruce at Wendy sa manager ng huli ang pasasalamat nila sa tulong sa kanila ng kolumnista at talent manager ni Judy Ann Santos.

“Pinuntahan na po namin ni Wendy si Tito Alfie at nagkausap na kami. Nag-sorry kami at nagpasalamat na sa kanya. Okay na po kami,” sabi ni Wendy.

Kumusta naman sila ni Wendy, nanliligaw pa ba siya o sila na?

“Non-stop pa rin po ang panliligaw ko kay Wendy,” pag-amin ni Bruce. “Pero nagkakaintindihan po kami na dapat wala muna kaming commitment sa isa’t isa. Tutok po muna kami sa career and family dahil pareho kaming breadwinner. Bata pa rin naman kami, I will just turn 26 sa birthday ko.”

Paano siya magsi-celebrate ng Christmas? Magkasama ba sila ni Wendy?

“Sa Cainta lang po kami, sisimba kami sa Midnight Mass sa December 24. Darating po ang mga relatives namin, mayroon pang manggagaling sa States at saka sa mga relatives namin from Pampanga and Laguna.

“Wala pa po kaming pinag-uusapan ni Wendy for Christmas. Pero siguro po, baka sa December 25 kami magkakasama dahil may Christmas party yata for us ang fans namin,” lahad ni Bruce.

Popularity: 6% [?]

Bruce Quebral on relationship with Wendy Valdez: “Hindi pa kami seryoso.”

bruce_wendyvaldez.jpg

Kahit gaano kaanghang ang mga tanong sa model/actor na si Bruce Quebral ay lagi pa rin siyang nakangiti kung sumagot. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Bruce sa Movie Writers on the Loose, The Repeat ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last October 13 sa Zirkoh Timog, hindi siya tinatanan ng mga maiintrigang tanong.

Unang tanong sa kanya ay ano ang reaksiyon niya sa sinasabing mukha raw siyang macho dancer?

“Wala lang po. Ano po ang magagawa ko kung ‘yon ang tingin nila,” nakangiting tugon ni Bruce. “Pero ang ganyang klase ng trabaho po ang hindi ko puwedeng gawin sa buhay ko. Pinalaki kaming marangal ng mga magulang ko at siguro po, hindi naman ako magugutom sakaling ayawan ko man ang ganyang trabaho.”

“Pero kung mabibigyan po ako ng role ng macho dancer, why not? Trabaho po ‘yon and if I can show my worth as an actor through that kind of role, I will do it with conviction,” pahabol pa niya.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

RELATIONSHIP WITH WENDY. May paliwanag din si Bruce sa lumabas nilang pahayag ng rumored girlfriend niyang si Wendy Valdez, co-housemate niya sa Pinoy Big Brother, na wala silang relasyon nito. Ayon kay Bruce, totoong sinabi niya ito pero hindi raw ito nangangahulugang wala na siyang pagmamahal kay Wendy.

“I love her very much,” diin niya. “Pangangatawan ko po yung sinabi ko noong nasa loob pa kami ng Bahay ni Kuya na kahit na lumabas kami, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Na talagang siya lang sa buhay ko at hindi ipagpapalit sa iba.”

Kung matandaan nga kasi, nagsalita si Bruce kay Wendy nang ma-evict siya sa Pinoy Big Brother. “Huwag kang mag-alala, ikaw pa rin, kahit wala na ako sa Bahay, hindi kita kalilimutan. Kahit nasa labas na tayo, ipagpapatuloy natin ang ating pagmamahalan,” sabi pa nga ni Bruce sa isang maramdaming tagpo during his eviction.

“Kami pa rin po hanggang ngayon, pero hindi pa po kami kapwa seryoso. Pareho po kaming breadwinners sa aming mga pamilya kaya iba po ang focus namin. Kahit na magkasama kami lagi, ang trabaho namin ang aming priority. Sa ngayon po, wala po muna kaming panahon sa seryosong pag-ibig,” paliwanag ni Bruce.

Puwedeng sabihing ironically, hindi pa sila seryoso pero lagi naman silang magkadikit. Kapansin-pansin pa rin ang sweetness nila at kung hindi lang nagsalita si Bruce sa PEP na hindi pa sila sa tunay na buhay, sasabihin mong handa na sila sa isang seryosong bagay.

“Ganyan lang po kami… Sweet sa isa’t isa pero ang totoo po, wala pa po kaming seryosong relasyon, trabaho lang po muna,” pahayag ni Bruce.

DRAMATIC CHANGES. Napag-alaman din ng PEP mula kay Bruce na maraming dramatic changes sa buhay niya simula nang mag-artista na siya. Ramdam daw niyang bumuti ang kalagayan ng kanyang pamilya.

Mas malinaw na raw ngayon na may pagkukunan sila ng kanyang pamilya ng ikabubuhay sa araw-araw. Natugunan na rin daw ni Bruce ang maraming pangangailangan lalo na ‘yung mga obligasyon nila noon.

“Nagpapasalamat po talaga ako at nabigyan ako ng ganitong pagkakataon,” pangwakas na pahayag ni Bruce.

Popularity: 10% [?]

Uma Khouny to Bruce Quebral: “Huwag ka na maki-ride.”

uma.jpg

Tila yata hindi na naman magpapaawat ang Pinoy Big Brother Season 1 housemate na si Uma Khouny sa isyu niya sa PBB alumna na si Wendy Valdez.

Nasa loob pa lang ng Bahay ni Kuya si Wendy noon ay nagpahayag na si Uma ng hindi nito pagkagusto sa ugaling ipinapakita ng baguhang aktres. Matatandaang nagbitaw ng salita ang binata noon ng, “Wala siyang kuwentang tao.”

Nasundan ito ng isa pang komento na hindi nagustuhan ng Margarita star. Sa isang artikulo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) , walang kagatul-gatol na isinagot ni Uma ang “Wendy” nang tanungin ito ng press kung sino sa mga Season Housemates 2 ang “plastic.” Hindi naman ito pinalampas ni Wendy at nagpahayag siya ng, “Sana huwag na lang maki-ride.” At ngayon ay isa na nga itong kontrobersiya.

Nitong ika-23 ng Setyembre, live na nagsagutan via phone patch sina Uma at Wendy sa Entertainment Live. Sa kanilang pag-uusap, bumanat na kaagad si Uma tungkol sa pag-iyak diumano ni Wendy. “Diyusko naman, Wendy, wala pa ko pero…hello, umiiyak ka na? And it’s paawa-iyak.”

Nadagdagan pa ito nang nakapanayam siya sa binyag ng anak ni Nene Tamayo noong September 26. Aniya, ” Aminin natin, pag umiyak ang artista sa TV, kukunin mo ang sympathy ng taong-bayan.”

Lalo pang nagpanting ang tenga ni Uma nang makarating sa kanya ang sinabi ni Wendy. Ayon daw sa baguhang aktres, “Well, this is the first time na mabastos ako ng isang lalaki. Sana ma-realize mo na lalaki ka.”

At ngayon, nagpapakita na rin ng suporta ang rumored boyfriend ni Wendy na si Bruce Quebral. Nang tanungin siya ukol sa mga balitang susugurin nito si Uma at susuntukin pa raw kung magkita sila, “Di ko siya papatulan kahit sa physical, kahit siya ang mauna. Di ko siya papatulan. I’ll just sue him.”



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Pero hindi naman daw imposibleng magkaayos ang dalawang dating housemates sa Bahay ni Kuya. Nang tanungin si Uma tungkol sa kanilang pagbabati, “Why not? Wala naman siyang ginawa sa akin. Siguro naman, di siya plastic sa labas ng Bahay ni Kuya, who knows? If I didn’t do anything wrong, I won’t say sorry.”

Pero humirit pa si Uma kay Bruce. “Kay Bruce, kung gusto niya patahimikin ako, ang sasabihin ko lang, huwag ka na maki-ride.”

Na sinagot naman ng varsity player-turned-model-and-actor sa Entertainment Live. Sabi ni Bruce, “Hindi naman ako nakiki-ride. Nakita ko lang ang need na ipagtanggol si Wendy. Hindi ko na ma-take ang mga pinagsasabi niya. Hindi ko na ma-take na makita si Wendy na nasasaktan.”

Ano naman kaya ang mensahe ni Bruce para kay Uma? “Okay naman kami ni Wendy na makipag-usap.”

Mukhang aabangan na lang nating lahat kung magkakausap nga o maayos ang gusot na ito sa pagitan ng former PBB housemates.

Source

Popularity: 11% [?]

Bruce Quebral defends Wendy Valdez against Uma Khouny

uma_khouny.jpg

“I’m not mad at Uma, pero sana maisip niya na sumosobra na siya. Kung sa kanya ay katuwaan ito, well it’s not funny anymore kasi nagiging personal na siya sa mga sinasabi niya. Konting respeto naman sa tao,” says Bruce Quebral (left) about Uma Khouny’s (right) comments against Wendy Valdez (center).

Naaapektuhan din pala si Bruce Quebral sa nagiging word war ng nali-link sa kanya na si Wendy Valdez at sa Pinoy Big Brother Season 1 housemate na si Uma Khouny.

Sa naging panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bruce ay sinabi nitong naaawa siya sa kanyang ladylove na si Wendy dahil sa mga masasakit na sinasabi ni Uma rito.

“Nakakalungkot lang isipin na kapwa Kapamilya pa ang tinitira ni Uma,” sabi ni Bruce. “Dapat nga nagtutulungan kami, nagsusuportahan. Pareho-pareho kaming produkto ng Pinoy Big Brother. Sana ay nagkakasundo kami pero bakit siya nang-aaway? Ano ba ang kasalanan ni Wendy sa kanya?

“Para sa akin, wala siyang right na sabihan si Wendy ng masasakit na salita kasi he doesn’t know who she is. Nagkakilala sila sa loob ng Bahay Ni Kuya na saglit lang, pero parang ang dami na niyang alam kay Wendy. It’s not fair for Wendy or sa kahit kanino sa amin. I wish na sana tumigil na siya kasi hindi na maganda ang mga sinasabi niya. Nagiging personal na siya masyado.”

Nilinaw ni Bruce na hindi siya galit kay Uma, pero sa ginagawa raw nito kay Wendy ay para wala na raw itong respeto sa tao. Isipin na lang daw sana nito na pare-pareho silang talents ng ABS-CBN at hindi sila dapat nagsisiraan.

“Lahat kami under one TV station. Magka-Kapamilya kami, pero bakit may ganyang siraan? I’m not mad at Uma, pero sana maisip niya na sumosobra na siya. Kung sa kanya ay katuwaan ito, well it’s not funny anymore kasi nagiging personal na siya sa mga sinasabi niya. Konting respeto naman sa tao,” saad ng model-actor.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner


Bukod nga sa mga sinasabing hindi maganda ni Uma kay Wendy, pinag-react din namin si Bruce sa sinabi rin ni Uma na mas sikat ang unang batch ng PBB kesa sa second batch.

“That is Uma’s opinion at hindi ko siya kokontrahin diyan,” sagot ni Bruce. “Kung ‘yon ang paniniwala niya, it’s okay. Wala naman kaming sinasabing mas sikat kami sa kanila. At saka ang ganyang mga sinasabi niya, hindi
nakakatulong sa kahit sinuman sa amin. Lumalabas pa tuloy na hindi kami magkakasundo. Hindi sa amin nag-umpisa ‘yan. Kami naman, careful kami sa mga binibitawan naming salita. Ayaw naming makasakit ng kasamahan namin sa trabaho.”

Samantala, wala pa raw bagong show si Bruce after ng biglaang pagkawala ng soap opera nila ni Wendy na Margarita sa ABS-CBN 2. Naghihintay na lang daw si Bruce na tawagan siya for a new project.

“Okay lang na maghintay ako kasi makakapagpahinga ako for a change,” nakangiting sabi ni Bruce. “Since nagsimula kasi ang Margarita, hindi na kami nakapagpahinga. Ngayon siguro ay mag-i-spend muna ako ng time with my mom sa Rizal. Medyo okay na siya at habang wala pa akong show, I can tend to her needs at maka-bonding ko ulit ang pamilya ko.”

Source

Popularity: 11% [?]

Joross, Bianca revealing photos hit the Net

joross_bianca.jpg

Early last year, sumabog ang mga cell phone video scandals ng mga artista na unang umikot sa mga Internet groups, sites at, blog na pinick-up ng mga manunulat sa diyaryo at pati na rin ang mga showbiz talk shows sa TV.Most of the stars involved categorically denied na sila nga ang mga nakunang hubad, the likes of Karel Marquez na nakunan supposedly nang nakahubad sa Boracay. But some hoping for that proverbial 15 minutes of fame actually admitted it was them on the video, tulad nina Cedric Carreon na kinunan daw ng sex partner at si Teri Onor na umiihi sa toilet bowl.

Nagkaroon ng clamp down sa TV ang mga video scandals nang pinag-initan ng halos lahat ang isang sex video ng dalawang lalaki na ang isa raw ay si Piolo Pascual. All the showbiz talk shows decided to stop reporting the burgeoning new type of high tech scandals.

Nagkasya na lang ang mga taga-kalat ng ganitong uri ng pictures at video sa mga kung anu-anong city and province “scandals” of private persons doing it na ngayon ay compiled na rin in one DVD.

Recently though, unti-unti na namang naglalabasan ang mga litrato ng mga artista in delicate and daring situations.

Nauna na rito ang kissing photo nina Bianca King and Antoinette Taus sa Boracay na although hindi idinenay ni Bianca sa S-Files interview sa kaniya, wala naman daw itong malisya at “sisterly kiss” lang daw ito.

Nasa Internet na rin ang shower scene ni Bruce Quebral sa Slovenia Big Brother and immediately, someone already converted the video into a 3gp format kung kaya’t umiikot na rin ito sa mga cell phones.

Kadi-deny lang din ni Dennis Trillo ng supposedly cell phone video niya na unang naibalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at isa sa mga unang pasabog ng magbubukas na Showbiz Central sa GMA-7 this Sunday.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Earlier, may dalawang pictures din na umikot sa Internet, although hindi masyadong napick-up ng mga diyaryo. Una ay ang former Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate na si Bianca Gonzales na kinunan nang nakaharap at kita ang panloob nito, supposedly without her panties on (the news headline says “Bianca does a Britney”). In closer view, mayroon namang suot si Bianca, skin colored nga lang and parang see-through ang underwear niya.

Today, April 24, isa na namang picture ang umiikot sa mga gay Yahoo groups, that of Joross Gamboa. Self-picture ang litrato ni Joross na naka-topless at mababa ang kaniyang red shorts that shows his hair below his navel. Noticeable din ang umbok sa kaniyang shorts.

Sinubukan naming i-text si Joross to comment on this at para maitanong na rin namin kung paano ito nakuha sa kaniya.

Source: PEP

Popularity: 6% [?]