banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Dennis Trillo is not yet ready to sing a duet with Carlene Aguilar

dennis_trillo.JPG

Next week ay magse-celebrate na ng kanyang first birthday ang anak nina Dennis Trillo at Carlene Aguilar na si Calix Andreas. Mapapaaga ng konti ang birthday celebration ni Calix dahil sa September 22 pa talaga ang actual birthday niya.

Ayon kay Dennis nang makausap siya sa presscon ng latest film niya na I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films kagabi, September 1, isang malaking party ang inihahanda nila para sa unang kaarawan ng anak nila ni Carlene.


Read the rest of this entry »

Popularity: 15% [?]

Carlene Aguilar asks Cristine to stop mentioning her and Dennis Trillo’s son in interviews

carlene_aguilar.jpg

Naikuwento ni Carlene Aguilar na magkatulong sila ni Dennis Trillo sa paghahanda ng first birthday ng anak nilang si Calix Andreas. Sa September 22 ang actual birthday ni Calix, pero sa ibang petsa raw ang party. Kailangan daw kasi nila i-adjust ang celebration sa schedule ni Dennis.

“Ang hirap mag-organize ng party,” sabi ni Carlene. “Sana maging masaya ang anak ko at maganda kung nandun si Dennis. Stroller nga ang gift ni Dennis dahil nakalakihan na ni Calix ang stroller niya. Mahal siya, pero nakalimutan ko ang brand, ako pa naman ang bumili.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 16% [?]

Carlene Aguilar reacts to Dennis Trillo’s statement that she is still the one he wants to marry

carlene_aguilar.JPG

Humarap si Carlene Aguilar sa The Buzz last Sunday, August 3, para bigyang-linaw ang mga isyung kinasasangkutan niya. Una na ang isyu tungkol sa diumano’y pahayag ni Dennis Trillo na si Carlene pa rin ang gusto niyang pakasalan. Si Dennis ang ama ng anak ni Carlene na si Calix Andreas.

“Wala sa utak ko yung kasal ngayon, e. So, hindi ko pa rin talaga yun naiisip,” umpisa ni Carlene habang kausap ang mga host na sina Cristy Fermin at Ruffa Gutierrez.

Tinanong ni Ruffa si Carlene kung ano ang nararamdaman niya na siya pa rin ang gustong pakasalan ni Dennis kahit open na open pa rin ang pakikipag-date ng young actor kay Cristine Reyes.


Read the rest of this entry »

Popularity: 24% [?]

Carlene Aguilar on entering showbiz: “Kung maganda po ang opportunity na ibibigay sa akin, why not?”

carlene_aguilar.JPG

Former beauty queen Carlene Aguilar’s name has been absent from showbiz news for quite some time since her breakup with young actor Dennis Trillo and her controversial spat with Cristine Reyes. After overcoming those issues, Carlene has moved on and concentrated on caring for Calix Andreas, her son with Dennis.

TV hosts Joey de Leon and Lolit Solis interviewed Carlene early this afternoon, May 3, on StarTalk and asked about any news and progress the beauty queen has made as a celebrity and a mother.


Read the rest of this entry »

Popularity: 25% [?]

Carlene Aguilar confirms chance meeting with Dennis Trillo and Cristine Reyes

carlene_aguilar.JPG

Nagsalita na ang dating beauty queen na si Carlene Aguilar tungkol sa isyung balikan at pang-iisnab sa kanya nina Dennis Trillo at Cristine Reyes.

Noong April 13 sa The Buzz ay inamin ni Cristine ang panonood nila ng sine ni Dennis kasunod ang hindi inaasahang pagtatagpo nila ni Carlene sa Shangri-La Edsa Mall. Earlier that day ay nanggaling si Dennis sa bahay ni Carlene upang dalawin ang anak nila na si Calix Andreas. Pagkatapos ay pumunta sa isang mall ang dating beauty queen kasama ang kanyang ina. Dito niya nakita si Dennis kasama si Cristine na katatapos lamang manood ng sine.


Read the rest of this entry »

Popularity: 25% [?]

Dennis Trillo: “I have learned my lessons.”

dennis_trillo2.JPG

Masaya at panay ang ngiti ng young actor na si Dennis Trillo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving dinner ng Zaido: Pulis Pangkalawakan sa executive lounge ng GMA Network Center last Monday, Janury 29. Nasa last two weeks na ang Zaido at nagpapasalamat sila na napanatili nito ang mataas na rating since nagsimula sila noong October 1, 2007. “Totoo po, masaya na ako talaga ngayon dahil naayos ko na ang lahat ng mga naging problema ko noon,” nakangiting wika ni Dennis. “Nagsimula po ang taon namin ni Carlene [Aguilar, his ex-girlfriend] na maganda dahil nagkasundo na kami sa lahat ng bagay, lalo na yung tungkol sa aming anak na si Calix Andreas. Basta po wala akong trabaho, free ako anytime na dalawin si Calix.”


Read the rest of this entry »

Popularity: 10% [?]

Dennis Trillo still standing after the storm

dennis_trillo1.JPG

Aminado ang matinee idol na si Dennis Trillo na kinabahan siya sa maaaring naging epekto sa career niya at sa personal niyang buhay ng mga negatibong kontrobersiya sa kanila nina Carlene Aguilar at Cristine Reyes. Ito ang ipinagtapat ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang saksihan namin ang mall tour kaugnay ng promosyon ng kanyang All Out of Love album under IndiMusic sa SM Pampanga noong Linggo, Enero 27.
Read the rest of this entry »

Popularity: 7% [?]

Carlene Aguilar leaves all her hatred behind, fixes relationship with Dennis

carlene_aguilar.JPGCould this be influenced by the Martin & Pops news? I think it’s good that couples are trying to fix their issues and not running away from them. It’s too easy these days to walk away from a relationship. It seems like people give up much easier than before. I do hope the best for Dennis and Carlene. More power to all the couples in the world!

Namangha kami nang makita namin si Carlene Aguilar sa press conference ng Marie France kanina, January 23. Malaki kasi ang nabawas sa kanyang timbang mula nang ma-interview siya ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang Disyembre. Twenty-one pounds daw ang nawala sa kanya kaya tila balik pigurang beauty queen na naman siya.Bukod sa kanyang pagpayat, kapansin-pansin din na maaliwalas na ang kanyang dating. Hindi tulad dati na mahahalatang may kinikimkim siyang sama ng loob. Ngayon ay mababanaag na ang kasiyahan sa kanyang mukha.

“Wala na kasing galit, ayoko nang isipin yung dating mga intriga. Mas maganda na fresh start ngayong 2008. Hindi lang para sa akin kundi para na rin sa baby [Calix Andreas],” pahayag ni Carlene.

Ikinuwento rin ng dating beauty queen na nakapag-usap na sila ni Dennis Trillo, ang ama ng kanyang anak. Natapos na rin daw ang episode sa kanilang buhay na may sama ng loob.


Read the rest of this entry »

Popularity: 4% [?]

Dennis Trillo defends himself against Carlene’s “kuripot” accusation

Dennis Trillo apparently had enough.

Reacting to ex-girlfriend Carlene Aguilar’s recent statement accusing the young actor of being “kuripot” in giving financial support to their love child, Calix Andreas, Dennis sent entertainment columnist Ricky Lo a breakdown of the amount allegedly asked by the former beauty queen for their son.

Food allowance [milk, vitamins, water] - P10, 000

Home / lodging allowance - P10, 000

Clothing allowance - P10, 000

Utilities - P5, 000

Travel allowance - P5, 000

Laundrywoman’s salary - P4, 000

Yaya salary - P6, 000

Doctor’s fee and vaccinations - P5, 000 to P10, 000

Total amount - P50, 000 to 60, 000 per month

Dennis admitted honestly that he felt the amount being asked from him is just too much. Carlene, on the other hand, argued that she’s merely basing the figures “in accordance with the law.”

In an email letter she sent to Showbiz Central, Carlene derided Dennis for giving a paltry sum intended for Calix placed in a red Chinese envelope commonly known as “ampao” last December 16.

“Guess po how much? Five thousand pesos!” exclaimed Carlene in disbelief. “Nalaman niya kasi na ‘yan daw ang amount na binibigay ng isang actor sa mga pamilya niya, eh, mas mahal pa dun yung suweldo ng yaya ni Calix,” she added.


Read the rest of this entry »

Popularity: 7% [?]

Carlene Aguilar on Dennis Trillo: “My son doesn’t deserve a dad like him.”

dennis_trillo2.JPG 

Lalong lumabo ang posibilidad na magkasundo sa pagpasok ng Bagong Taon sina Dennis Trillo at Carlene Aguilar. Nabuhay at muling uminit ang sagutan ng ex-lovers dahil sa phone-patch interviews sa kanila ng StarTalk kahapon, December 29.

Sa interview sa kanya nina Butch Francisco at Lolit Solis, sinagot ni Carlene ang tanong kung may Christmas gift si Dennis para sa kanilang anak na si Calix Andreas. Natawa si Carlene nang sabihin nito na walang regalo si Dennis kay Calix. Binanggit din niya na apat o limang beses pa lamang dumadalaw si Dennis sa kanilang lovechild magmula nang dumating sila buhat sa Amerika, kung saan isinilang ni Carlene si Calix.

Mabilis na nag-react si Dennis sa pamamagitan din ng phone-patch interview. Sa pakikipag-usap ni Lorna Tolentino kay Dennis, ipinahayag nito ang sama ng loob niya dahil sa patuloy na pagsasalita ni Carlene laban sa kanya.

Pinabulaanan din ni Dennis ang claim ng dating karelasyon na wala siyang Christmas gift para kay Calix at apat na beses lamang niyang dinadalaw ang anak.

Dahil na rin siguro ng matinding sama ng loob kay Carlene, naikuwento ni Dennis na “unreasonable” ang monthly financial support na hinihingi ni Carlene para kay Calix.

Nang minsang magpunta siya sa bahay nina Carlene, hindi raw siya pinapasok kaya naghintay lamang siya sa labas ng gate.

Napanood at narinig din ni Carlene ang interview ng StarTalk kay Dennis. Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Sa pamamagitan ng email na ipinadala niya sa Showbiz Central, isa-isa niyang sinagot ang mga akusasyon sa kanya ni Dennis.


Read the rest of this entry »

Popularity: 6% [?]

Dennis Trillo and Carlene Aguilar settle differences for their son

dennis_carlene.JPG

Magandang balita ang nakarating sa PEP (Phillipine Entertainment Portal) na nagkausap sina Dennis Trillo at Carlene Aguilar. Nadadalaw na raw uli ng young actor ang anak niyang si Calix Andreas. Last week lang daw nagkita’t nagkausap ang dalawa at nagtapos ang pag-uusap na ‘yon na welcome na uli si Dennis na madalaw ang anak.

Ito ang dahilan kung kaya’t masaya si Dennis na umalis patungong Japan noong December 8 dahil nabawasan siya ng isang mabigat na problema. Kasama ni Dennis sa Japan ang grupo ng SiS na magkakaroon ng show para sa Filipino community roon.

Sa presscon ng Shake, Rattle, & Roll 9, naalaala ng PEP na malungkot si Dennis nang amining hindi na niya nakikita ang anak. Wish din niya na sana sa Pasko ay makita’t makapiling niya ang anak.

Sa magandang nangyari, magiging masaya ang Christmas at New Year ni Dennis at maibibigay niya nang personal ang first Christmas gift niya sa anak.


Read the rest of this entry »

Popularity: 8% [?]

Ara Mina gives Dennis Trillo the cold treatment

aramina.JPG

Masaya si Ara Mina para sa kapatid na si Cristine Reyes pagkatapos malampasan nito ang kontrobersya sa pagitan nila ni Carlene Aguilar. Unti-unti na rin daw nabibigyan ng pansin ang kanyang nakababatang kapatid at nakikilala ang kakayahan bilang artista.

“Proud ako sa kapatid ko,” ang nasambit ni Ara noong makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand opening ng bagong Serve disco bar sa Araneta Coliseum. Ayoko rin namang lalait-laitin ang kapatid ko, ‘di ba?”

Sa FHM calendar, ikinuwento ni Ara na napakaseksi ni Cristine. Matutuloy na rin ang unang pelikulang pagsasamahan nilang magkapatid.

“Ibibitin muna namin kayo kung sino ang producer namin. But it’s a digital film,” sabi ng aktres na makakatambal ni Manny Pacquiao sa Metro Manila Film Festival entry na Anak ni Kumander.


Read the rest of this entry »

Popularity: 11% [?]

Carlene Aguilar on relationship with Dennis Trillo: “We’re not okay.”

carlene_aguilar.JPG

Ilang araw din ang itinagal ng pangungumbinse ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Carlene Aguilar na makipagkita at magbigay ng kanyang panig tungkol sa naging isyu niya with Cristine Reyes.

Nang humarap sa amin ang dating beauty queen, mapapansing mas maaliwalas na ang kanyang aura. Malaki na rin ang ipinayat niya. Handa na raw siyang mag-move on sa mga isyung gumulo sa buhay niya nitong mga huling buwan.

DISAPPOINTED. Tulad ni Dennis Trillo, hangga’t maaari raw ay ayaw nang magsalita ni Carlene tungkol sa mga isyung naglalabasan.

Akala niya raw ay matutuldukan na ito nang magsalita si Dennis noong isang linggo sa Kapuso Network shows. Pero tila lalong ikinagalit ni Carlene ang mga tinuran ni Dennis sa kanyang interviews.

“Actually, yung sinabi niya yung fault niya, hindi niya binigyan ng closure ‘di ba? Yun ang sinabi niyang fault niya. Pero besides yun, meron pa, kaya nagalit ako. Alam niya yung reason, so sana huwag lang yun ang sinasabi niya. Kung magku-kuwento siya ng lahat-lahat…kulang,” ang pahayag ni Carlene.


Read the rest of this entry »

Popularity: 7% [?]

Dennis Trillo finally speaks up about Cristine and Carlene

dtrillo2.JPG

Binasag na ni Dennis Trillo ang kanyang katahimikan tungkol sa mga isyung nag-uugnay sa kanya sa ina ng kanyang anak na si Carlene Aguilar at sa sinasabing karelasyon niya ngayon na si Cristine Reyes.Galing pa si Dennis mula sa shows niya sa Tarlac at Subic nang humarap siya sa media kaninang madaling-araw, November 24. Halatang pag0d na pagod si Dennis dahil madaling-araw na naganap ang interview na ito.

Nakiusap ang manager ni Dennis na si Popoy Caritativo na maging direkta na ang mga tanong sa young actor dahil ayaw na nitong madagdagan pa ang stress ng kanyang alaga. Dinaramdam daw kasi ni Dennis ang mga nagaganap nitong mga huling araw.


Read the rest of this entry »

Popularity: 14% [?]

Cristine Reyes and Carlene Aguilar kiss and make up

carlene_aguilar4.JPG

All’s well that ends well sa pagitan ng young actress na si Cristine Reyes at ng beauty queen na si Carlene Aguilar. Naging emosyonal ang pagtatagpo nina Cristine at Carlene—kasama ang kanilang mga abugado at ilang pinagkakatiwalaang mga tao—nang sa wakas ay mapagdesisyunan ng parehong kampo na magkapatawaran at mag-usap nang masinsinan.

Sa isang kuwarto sa Rembrandt Hotel sa Quezon City naganap ang pag-uusap ng dalawang kontrobersiyal na showbiz figures kaninang alas-dos y media ng hapon, November 23.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ang abugadong si Dexter Licuanan ang nag-initiate ng pagkikita nina Cristine at Carlene, makaraang mapanood nito ang panayam at paghingi ng “sorry” ni Carlene sa The Buzz ng ABS-CBN last Sunday, November 18.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Si Atty. Licuanan ang tumatayong abugado ni Cristine sa isinampa nitong kaso laban sa dating beauty queen makaraang kumprontahin siya nito sa taping ng All Star K ng GMA-7 sa Broadway Centrum noong November 7. Ang pinag-ugatan ng kanilang alitan ay ang young actor na si Dennis Trillo, na ama ng anak ni Carlene at nababalitang karelasyon ngayon ni Cristine.

Sa panayam ng PEP kay Atty. Licuanan, ipinaliwanag niya, “I sincerely feel her [Carlene’s] apology and so I spoke to Cristine. Nagkataon naman na napanood din pala ni Cristine ang nasabing The Buzz interview at nauunawaan din daw nito ang pinanggalingan ni Carlene bilang isang babae. Dun lang nagsimula until my client decided to schedule a meeting with Carlene—at ito na nga.”

Kasama ni Cristine ang kanyang ina na si Mrs. Frances Marie Klenk habang si Carlene naman ay kasama ang isang kaibigan na tumatayong legal adviser din niya.

Ayon sa kuwento ni Atty. Licuanan, nag-usap nang sarilinan sina Cristine at Carlene, nag-iyakan at nagkapatawaran. Ang resulta ay ang pag-uurong ng demanda ni Cristine laban kay Carlene.

At press time ay kasalukuyang dina-draft ang motion para i-withdraw ang kaso at nangako ang kampo ni Cristine na first thing in the morning sa Monday, November 26, ay isusumite na nila ito sa korte.

Ayon pa sa abugado ni Cristine, nagbigay rin ng statement si Carlene na bukod sa paghingi niya ng apology kay Cristine ay nauunawaan na raw niya ang mga taong kanyang tinatawag na kaibigan. Hindi niya raw dapat na itinuturing na kaaway ang young sexy actress dahil gaya niya ay isa lamang din itong biktima.

Sinubukan din ng PEP na kunan ng pahayag si Dennis Trillo habang nag-uusap pa ang dalawang babaeng nauugnay sa kanya, subalit hindi nito sinasagot ang aming tawag.

Source: PEP

Popularity: 8% [?]

Bianca King is no hurry to achieve leading-lady status

bianca_king2.JPG

Naka-relax si Bianca King sa kanyang folding bed nang dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last Saturday, November 17, sa set ng My Only Love sa Loyala Grand Villas, Quezon City, at naabutan namin siyang nanonood ng feature about the Cristine Reyes-Carlene Aguilar controversy sa StarTalk.

“Kung ako sa kanya [Cristine], hindi na lang ako magsasampa ng demanda,” sabi ni Bianca nang tanungin namin ang kanyang opinyon tungkol sa isyu. “Para sa akin, aksaya lang ng pera ‘yan at saka oras. Wala ring pupuntahan ‘yan. The best thing to do, pagharap-harapin kami with Dennis [Trillo], at doon natin tingnan kung sino sa amin ang nagsasabi ng totoo.”

Ayon pa kay Bianca, dapat ay pinag-uusapan na lang daw ang problema nila in private. Kaso nga, hindi naman siya direktang kasangkot sa sitwasyong ito.

“Ayoko namang makaladkad pa sa ganyan. Kaibigan ko si Cristine, and I think I just have to respect her decision. Since tinanong mo ako about that, I just gave a piece of my opinion,” nangingiting pahayag ni Bianca.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Nabanggit din na hindi na natuloy si Cristine sa Joaquin Burdado bilang isa sa leading ladies ni Robin Padilla. Nanghihinayang si Bianca rito.

“Sayang, kasi, kung sa akin inalok ‘yan, wow, grab na!” natawang sabi ni Bianca. “Pero hindi rin natin masasabi kung ano ang gusto talaga ni Cristine. Siya lang ang nakakaalam sa sitwasyon niya, at nakaabang lang tayo sa puwede niyang sabihin.

“Pero doon sa reason ni Cristine, ‘pag nalaman natin, baka nga hindi natin panghinayangan kung bakit ganoon ang naging decision niya.”

FROM BAD TO GOOD. Kung tutuusin, maganda ang takbo ng career ni Bianca. Pagkatapos ng partisipasyon niya sa Marimar, mayroon na agad kapalit—ang My Only Love, na isang pambihirang pagkakataon for her to play a goody-goody role.

“Marami na kasi akong nagampanang contravida roles, and this is a breather na rin for me,” sabi ni Bianca. “Noon kasi, kapag nagpupunta ako sa mall, may mga lumalapit sa aking matatanda. One time, may pumalo sa akin ng payong. Ang sabi ba naman, ‘Ikaw talaga, ang sama-sama mo!’

“Nakakaloka! I just explained to them that it was just a role. Hindi naman ibig sabihin, masamang tao na talaga ako,” napapailing na kuwento ng mestisahing aktres.

MANAGER’S CHOICE. Kinumusta namin kay Bianca ang sitwasyon nila ng manager niyang si Arnold Vegafria. May lumabas kasing isyu na si Say Alonzo ay parang tumiwalag na sa kampo ni Arnold at nakatikim daw ito ng panunumbat at masasakit na salita mula kay Arnold dahil doon.

“Narinig ko na ‘yan, pero matagal nang nangyari,” paliwanag ni Bianca. “I guess, more than a year na. Kami ni Arnold, hindi naman siguro maiaalis sa ibang manager-talent relationships ‘yon, na may time na nagkakalabuan din kami. Small hitches, but we always talk. Wala namang hindi naaayos sa magandang usapan, di ba?

“May time kasi na may katigasan din ang ulo ko. Mapili kasi ako sa trabaho. Naiinis si Arnold kapag ganoon, tanggi ako nang tanggi. Sometimes kasi, hindi niya naiintindihan. Ayokong magtrabaho kung pinipilit ko lang ang sarili ko doon sa trabaho at hindi ko gusto ang ginagawa ko.

“Pero siyempre,” patuloy niya, “ang gusto ni Arnold, bigyan ako nang bigyan ng trabaho. Marami nga namang iba na walang trabaho, pero ako, may inaalok sa akin.

“Laging may nakukuhang trabaho si Arnold sa akin, kaya naiinis siya kung lagi akong nagtatatanggi. Baka raw kasi kung nariyan na ang right break, hindi na ibigay sa akin kasi ang naging image ko, I always turn down offers. Kaya iniintindi ko na lang ‘yon.”

Sabi pa ni Bianca, nawala na lang daw bigla si Say, at hindi na niya nakausap pa. Hindi siya puwedeng magbigay ng komento dito dahil hindi niya alam ang puno’t dulo ng anumang misunderstanding, kung mayroon man, between her manager and Say.

“Pero para sa akin, old issue na nila ‘yan. So far, okay kami ni Arnold kaya walang problema sa amin,” pahayag ni Bianca.

STRUGGLING ACTRESS? Ang impression ng iba kay Bianca ay struggling pa rin dahil hindi pa dumarating sa kanya ang mas malaking offer, samantalang may kontrata rin naman siya sa GMA-7, na guaranteed na may two shows siya a year. For two years ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA-7.

“Hindi ako nagmamadali,” paglilinaw niya. “Alam kong darating din ang tamang break for me. At ayokong isipin na struggling ako, kasi magaganda na rin ang exposures na naibibigay sa akin sa GMA-7.

“Nagpapasalamat ako sa GMA-7 dahil masaya ako sa ibinibigay nila sa akin. Besides, I’m still studying at gusto ko talagang makatapos ng pag-aaral. Hindi ako puwedeng basta mag-full time sa showbiz career ko.

“Naka-enrol ako sa Dela Salle College of St. Benilde, taking up Filmmaking. Pero yun nga lang, naka-leave ako dahil ang akala ko, matutuloy ang shoot ko for Batanes. E, nagkaroon ng hassles sa sked ng tapings ko. But I have to go back immediately. Tuloy-tuloy pa rin dapat ang studies ko, at gusto ko talagang makatapos.”

Source: PEP

Popularity: 12% [?]

Ara Mina tries to defend her sister against the Carlene Aguilar Issue

Ara Mina tried to defend sister Cristine against the issue going on between Carlene Aguilar and Dennis Trillo. She adamantly insist that Dennis Trillo should say something about the issue and that he needs to clear the message in the media on what is really going on. She gave Dennis a chance to explain to the public. Watch this.


Dennis Trillo Talks about the Cristine-Carlene Issue
Uploaded by starmometerdotcom

Ara Mina Talks About Cristine and Dennis
Uploaded by starmometerdotcom

Thanks to my friend Chris of starmometerdotcom for the video upload.

Popularity: 8% [?]

Carlene Aguilar breaks her silence about encounter with Cristine Reyes

carlene_aguilar3.JPG

I wonder why this is such an issue? Is it because of Carlene Aguilar, Cristine Reyes or Dennis Trillo? I am totally confused. Why would a whisper prompt a lawsuit? In fairness though, if Dennis admitted his faults - they should just be able to let it go. But I assume, this is normal for a love triangle. Until one wins, they will keep at it. Watch when the other one lets go of Dennis, the other one will let go as well. It is the challenge that they are hungry for.

- Chuva Chienes

Beauty queen Carlene Aguilar, who has been tight-lipped since her reported confrontation with young actress Cristine Reyes on November 7 during the taping of All Star K in Broadway Centrum, broke her silence in an exclusive The Buzz interview with Boy Abunda, aired this afternoon, November 18.

In the one-on-one interview, Carlene spilt every ounce of her pent-up emotions—resentment, love, and hope. At first she thought that staying silent would calm down the issue. But instead it took up more and more power, leading to speculations on what she really whispered to Cristine during their encounter and prompting the latter to file a lawsuit.

For Carlene, everything was meant to be between herself, Cristine, and the man they are both involved with—matinee idol Dennis Trillo. But because of the media frenzy that Cristine and her sister Ara Mina whipped up, Carlene finally chose to go all-out publicly and explain her side.

At the start of the interview, Boy expressed wonder at why Carlene chose to break her silence. Was it because she could not bear the write-ups any longer?

“Kasi Tito Boy, it’s too much,” Carlene explanied. “Yung accusations toward me… I tried to keep mum but I can’t stay that way any longer kasi alam kong wala akong ginagawang masama. Yung nanunugod ako, yung palengkera ako… Basta sobrang dami na.”

“Umpisahan natin doon sa nanugod,” Boy said. “Nanugod ka nga ba noong araw ng November 7?”

“Unang-una, Tito Boy, gusto ko i-clear at gusto kong sabihin sa inyong lahat na hindi ako nanugod,” Carlene stressed. “Walang ganoon. Pumunta ako para kay Jenny [Miller] para ibigay ang pasalubong ko sa kanya. The night before [November 6], I called her. In-invite ko siyang manood ng Beyonce concert. Sabi niya, may taping siya the next day. Sabi ko, ‘Sige, ‘pag nakakuha ako ng ticket idadaan ko sa taping and, at the same time, ibibigay ko na pasalubong ko.’”

THE ENCOUNTER. Carlene then went on to explain that before going to the Beyonce concert, she dropped by at the Broadway Centrum to see Jenny, only to find out that her friend was still rehearsing. Carlene decided to sit down and wait. That was when she saw Cristine who was also a guest on All Star K.

“Honestly, Tito Boy, sa totoo lang, I wasn’t too happy to see her [Cristine],” Carlene bluntly said. “Kasi noong nasa ano pa lang ako, States, nali-link na siya kay Dennis and siyempre showbiz, nali-link, ganoon. So, tinawagan ko si Dennis. Sabi ko, ‘Totoo ba ito, ganyan?’ He denied na there’s something going on between him and her. Ako naman, kampante ako. Kami nun, e, that time. Noong umalis ako, kami [ni Dennis].”

It was then when Carlene revealed that she wanted to meet Cristine in person since she found out something about her and Dennis when she was still in the States.

“I called her up and I asked her. Okay ang pag-uusap namin, our conversations were very cordial,” Carlene said.

“When I was in the States, I think I called her up two times. Noong bumalik na ako, one time. So all in all, three times. So, nandoon na din ako [sa Broadway Centrum], so gusto ko na rin siya makilala.”

Did she have a hunch that Dennis and Cristine were having an affair when she was still in the States?

“Tinawagan ko yung girl,” Carlene admitted. “Hindi namin napag-usapan yun [relationship with Dennis] kasi iba po yung sinabi ko sa kanya. Basta may sinabi siya sa akin na gagawin niya na hindi naman ginawa. Basta sinabi ko na meron kaming relasyon [ni Dennis] and we’re trying to fix things. Kasi medyo nagiging kumplikado na yung relationship namin that time kasi maraming problema.”

Back to the present. Carlene now recounts her story on what happened during that fateful day at the Broadway Centrum.

“Natapos po yung rehearsal , ‘tapos nagkasalubong po kami [ni Cristine] kasi si Jenny yung nahuli, e, so hinintay ko si Jenny ‘tapos binigay ko na yung pasalubong ko. ‘Tapos dumiretso po kami sa dressing room kasi dressing room to exit na kasi sa Broadway Centrum.”

“Bigla ko siyang [Cristine] nakita sa dressing room, so I took the initiative to introduce myself to her. I shook her hand at sinabi ko pangalan ko. ‘Tapos bago ako umalis, may binulong ako sa kanya.”

When asked by Boy what she whispered to Cristine, Carlene said: “I do not want to elaborate on what I whispered to her kasi isang private thing din ‘yon, ‘tapos umalis na kami. Umalis na po ako, sinamahan ako ni Jenny, ‘tapos may sumigaw na ‘pangit!’ That’s the time na lumingon kami back.”

Who shouted “pangit”?

“I don’t know, I think it’s her alalay or PA na katabi niya,” replied Carlene. “Napatingin kami and ang ikinasasama lang ng loob ko ay yung doon sa video na ipinakita [sa Showbiz Central on November 11], parang ako yung nagmumukhang masama dahil ipinakita lang yung bulong at yung pagtingin namin back, na parang gusto nilang ipakita na I want to get back at Cristine. Pero lumingon lang kami dahil may sumigaw na ‘pangit’ at gusto namin makita kung sino yun.”

Boy asked, “When you took the initiative of introducing yourself to Cristine, was the handshake friendly o sinaktan mo ba siya?”
“No, Tito Boy. It was a very warm handshake,” Carlene answered, even demonstrating how she extended her arms to Cristine.

Boy asked whether it was something that Carlene said that maybe made Cristine angry or hurt.

“I don’t think she cried, kasi noong binulong ko iyon, umalis na ako,” Carlene said.

Does she hate Cristine? What is her feeling towards her?

“Actually Tito Boy, hindi, e. Wala, parang… Alam mo yung wala nang feeling? Umabot na sa point na wala nang feeling. Kasi Tito Boy, mahirap magsalita, e. Kasi parang pinapalabas talaga nila na sila yung nasaktan at napahiya. Parang sila pa yung kawawa. Hindi kasi nila alam kung ano yung whole story and ayoko sabihin. Kasi ang point dito, e, kaming tatlo lang dapat nakaalam: Dennis, Cristine and me.”

Boys asked, “Paano mo sasabihin na ikaw ang naagrabyado?”

“Ganito yun, Tito Boy. Noong nasa Amerika pa ako, mag-isa ako. Nakatira ako sa grandma ko, pero knowing na malayo ako sa pamilya ko at mahal ko sa buhay; kay Dennis… Malayo ako, mahirap at malungkot talaga.”

THE CASE. What about the oral defamation and grave threats lawsuit filed by Cristine against her? What’s her say on this?

“Siyempre nasasaktan,” Carlene admitted. “In a way, nagtataka kung bakit kailangan pa niya gawin yun. Puwede naman kaming mag-usap. Kasi after nung kinausap ko si Dennis at sinabi ko na we will try to negotiate to the other party—na for a compromise, na ayoko na may media at ibang tao—kahit mag isa lang ako pupunta at kahit ilan pa sila. Kasi gusto ko i-explain, e. Kung ano’ng nangyayari kung bakit ganoon, at gusto ko i-explain side ko sa kanya. Ang sinabi ni Dennis, gusto daw nung girl ng public apology. Hindi ko maintindihan kung bakit nila pinapalaki. Ang hirap.

At this stage, Boy told Carlene about the text messages she allegedly sent Cristine with contents not really suitable for kids. Did Carlene send those messages?

“Sana po kung maglalabas sila ng ganun, e, ilabas na nila lahat-lahat, at hindi yung pili lang,” a defiant Carlene said.

Carlene also said that she thinks she did nothing wrong to Cristine, and it is actually Cristine who did her wrong.

“Hindi po naman siguro ako maiinis kung wala po siyang ginawa,” the beauty queen said.

THE MAN IN THE MIDDLE. Now, where is Dennis Trillo in all of these? Is Carlene hoping to get support from him, even if Dennis tried to hide her condition a few months ago?

According to Carlene, “Inamin niya sa akin na nagkamali siya and pumunta pa siya sa bahay at humingi ng sorry sa akin after what happened. Nakikita ko naman na sincere siya, so okay na sa akin yun. Hindi na niya ako kailangan pang ipagtanggol sa TV. It’s our choice [to go to the United States]. Hindi kagaya dun sa mga nasusulat na it was Popoy’s [Caritativo, Dennis’s manager] choice. It’s not like that. It was our choice.”

How is Dennis as a father to their Calix Andreas?

“Excited siya lagi,” smiled Carlene. “‘Tapos pag wala siyang taping, pumupunta siya sa bahay. Everyday nagte-taping siya, pero talagang naghahanap siya ng time para kay Calix. Dun sa ipinapakita niya, e, I admire him. Mahal ko siya kasi siya yung dad ng anak ko. We’re still fixing it. Right now, ang concern namin talaga ay si Calix.”

When asked if she and Dennis had talked about marriage during their five-year relationship, Carlene said: “Not formally. Wala pa sa isip ko noon.”

One day, Boy said, Calix would be able to see the video interview and understand the situation his parents went through. Does Carlene have anything to say to him?

“Gusto kong sabihin na ginawa ko ang lahat para ipaglaban yung karapatan niya na magkaroon ng buong pamilya and mahal na mahal ko siya and mahal na mahal din siya ni Dennis,” a teary-eyed but composed Carlene said.

Source: PEP

Popularity: 6% [?]

Cristine Reyes filed case against Carlene Aguilar for protection

cristine_reyes.jpg

Inamin ni Cristine Reyes na labis siyang naapektuhan sa pagkumpronta sa kanya ni Carlene Aguilar dahil kay Dennis Trillo. Ayon kay Cristine, hindi raw niya inaasahan at hindi dapat ginawa ng beauty queen ang nangyari sa taping ng All Star K noong November 7. Sa kuwento ni Cristine, hindi naman daw estranghero sa kanya si Carlene. May ilang beses na raw tumawag sa kanya ang ex-beauty queen nang nasa United States pa ito. Hindi na ikinuwento ni Cristine ang detalye ng usapan nila ni Carlene, pero naging maganda naman daw ito kaya’t hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pakikiharap sa kanya ng 2005 Bb. Pilipinas-World.

̶