Charice Pempengco’s father dies from multiple stab wounds – Cancels participation in David Foster and Friends Concert in Singapore

 

 

Namatay sa saksak si Ricky Pempengco, ang ama ng international singing sensation na si Charice.

 

Ayon sa report ng GMA News.tv, naganap ang insidente noong hatinggabi ng October 30, sa San Pedro, Laguna.

 

Isang nagngangalang Angel Capili ang itinuturong suspect.

Nilapitan raw nito at sinaksak ang biktima, na noon ay bumibili sa isang tindahan sa may A. Bonifacio Street, Langgam Village.

 

Nawalay sa ama si Charice sa murang edad.

 

“Violence” ang itinuturong dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang kanyang inang si Raquel kay Ricky. Sinasaktan diumano ng ama ni Charice ang ina nito.
Ganunpaman, masasabing maganda pa rin ang samahan ng mag-ama.

 

Ito ay ayun mismo sa tweet ni Charice sa kanyang Twitter account na OfficialCharice:

 

“Gusto ko lang malaman nyo, na we had a really great relationship bago nangyari lahat ng gulo. Sinabi niya sa akin nung ako’y bata pa na hindi actually alam ni mommy, gusto nya akong maging sundalo kasi sabi niya matapang daw ako. I loved him and I will still love him. He’s still my Dad after all.”

 

TWEET FOR DAD’S RELATIVES. Samantala, naging maanghang naman ang tono ni Charice sa kanyang mahabang tweet tungkol sa mga negatibong reaksiyon na narinig niya mula sa ilang kaanak ng kanyang ama.

 

Heto ang kanyang post bandang alas-otso ng umaga, November 1 (published as is):

 

“para sa mga kapatid ng daddy ko, wala kayong karapatang sabihin o hulaan ang nararamdaman ko. Sino kayo para sabihing masaya ako sa pagkawala ng SARILI KONG AMA?

 

“Kapatid lang kayo at ako ay ANAK.

 

“Kung natatandaan niyo, KAYO MISMO ANG NAGSABI SA AMIN NA IWASAN ANG DADDY KO.

 

“Sinabi nyo pa na wag gamitin ang apelyido nya. Hindi pinagbawal ni mommy na dalawin ang daddy namin pero HINDI NIYO KAMI PINAYAGAN. Wala kayong respeto sa PAMILYA NYA para sabihin nyo yan ngayon. Imbis na ayusin nyo, sinisira nyo pa!

 

“Alam ko na nagalit ako sa kanya! Pero hindi ko sinabing itinakwil ko sya.

 

“matagal akong naging tahimik sa mga eskandalong ginagawa nyo. Pero ngayon, di ko na kaya pati sa pagkamatay niya GANYAN PARIN KAYO. Hindi ako takot. Lalo na sa mga taong walang respeto.”

 

At press time, ang pinakahuli niyang post ay tungkol sa hindi niya pagpunta sa isang concert sa Singapore.

 

Aniya, “I am very sorry to all my fans from Singapore. I am not going to be there to be part of David Foster and Friends concert. I have to go back to the Philippines as soon as possible to be with my family. I hope you all understand. I love you all and I will see you next year.”

 

via PEP.ph

2011-11-01T12:18:19+00:00

Leave A Comment